Chapter 28

6.8K 251 6
                                    

Kyla's POV

Nasa Auditorium na lahat ng estudyante dito kasi gaganapin yung pag we-welcome namin para sa mga Jennings , syempre lahat ng teachers,principal, ay andito rin mukhang ang daming nag effort na gumawa ng banner para sa kanila. Medyo nalilito nga ako eh dahil bumagsak na nga ang company nila at nalugi narin ang negosyo nila pero ang dami paring nakaka kilala sa kanila na parang hindi sila bumagsak dahil grabe ang mga effort nila dito.

Sa ngayon ay hinihintay nalang namin silang dumating dito sa Auditorium ang ganda rin ng mga designs dito.

Nasa kanan ko si Axel tapos yung dalawa naman sa kaliwa ko.

"Okay Class be ready padating na ang mga Jennings" masayang sabi ng Principal doon sa stage.

Maya maya ay nagsimula ng magpalakpakan ang mga teachers sumunod naman ang mga estudyante mukang andito na sila.

"Let's all welcome David Jennings and Sharlene Jennings" sabi ng principal at umakyat ang mag asawa sa stage ang mga Jennings inilibot nila ang paningin nila para makita lahat ng banner na gawa namin Nakatingin lang ako sa kanila parang ang sarap kasi nilang titigan eh nakakagaan ng loob.

"Kyla...KYLA! HOY!" Napatingin ako kay Keith at sinamaan sya ng tingin sigawan daw ba ako sa tenga!

"Ano bayan Keith sakit sa tenga" reklamo ko.

"Kanina kapa tulala dyan eh!" Sabi nya sakin.

"Oh sorry naman bakit ba?" Tanong ko.

"Pumalakpak ka"

Pumalakpak naman ako , napatagal siguro yung pagtitig ko sa kanila pumunta naman sa gitna si Sharlene Jennings at doon nagsalita.

"First of all i want to say thankyou to all students Na nag effort para sa pagbalik namin sa lahat ng gumawa ng banners, Hay grabe ang laki talaga ng pinagbago nitong MSA mas gumanda lalo and I think lahat ng nag aaral dito ay matalino , sa totoo lang hindi ko inasahan na ganito kami iwe-welcome ng Students dito kahit na may nangyari siguro alam naman ng lahat kung ano iyon pero full support parin kayo samin at yon ang nakakatuwa sa puso. And Thankyou again  students and teachers,principal Godbless to all." Sabi ni Mrs. Sharlene Jennings pati yung boses nya nakakagaan ng loob at kitang kita mo talaga yung saya nila dahil sa pag welcome namin. Pagtapos nyang mag salita ay bumaba na sila doon sa stage ngumiti naman ang kanyang asawa si David Jennings. Habang lahat kami ay nagpapalakpakan.

Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta muna ako ng cr naiihi na kasi ako kanina pa habang papunta ako doon ay Uminom muna ako saglit ng tubig na dala ko grabe kasi eh nakakauhaw tapos ang dami pang students.

Ng matapos ako mag cr ay biglang may tumawag sa cellphone ko kaya kinalkal ko sa bag ko habang palabas ako tsk. Asan naba kasi iyon eh! Habang hinahanap ko yung phone ko may nakabangga ako at tumalsik sakanya yung tubig na hawak ko tanga mo naman Kyla! Bat hindi Mo kasi tinakpan eh!!

"Naku! Sorry po Sorry talaga pasensya na" sabi ko habang nakayuko at inaayos yung damit nya.

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon