Chapter 60

7.5K 213 7
                                    

Sophia's POV

Ilang beses na 'ko huminga ng malalim hindi ko kasi talaga makalimutan yung paguusap namin kagabi ni Axel eh.

Hindi ko akalain na magagawa yun ni Amanda maging sila lang ulit ni Axel isama mo pa yung mukhang pera niyang nanay! Masyado silang desperada.

At ipapapatay pa talaga ko ha?! Wow! Nanggigigil ako kay Amanda tsaka dun sa Nanay ni Axel napupuno na  talaga ako! Akala niya ba nakalimutan ko yung ginawa niya sakin noon?! Na tinapunan niya 'ko ng pera!

Sila ang sumira samin ni Axel! Kung hindi nila nagbanta ng ganun edi sana o-okay pa kami!

Napaniwala ako sa mga sinabi ni Axel akala ko totoo lahat ng sinabi niya sakin sa MSA noon. Iniisip ko nga eh paano kung hindi ako tumakbo nun? Paano kung hindi ako umalis? Sabay kaya kaming lalaban?

Bakit may mga taong makuha lang ang gusto hindi na inisip ang kaligayahan ng iba?! Ganun ba talaga sila kaselfish?!

"Sis?" Napalingon ako kay Farah at Hailey na ngayon ay nakasilip sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok kayo" sabi ko sa kanila pumasok naman sila at sabay na umupo sa kama ko.

"Kamusta? Anong nangyari kagabi?" Tanong ni Hailey.

"Nasabi niya na ba kung ano yung dahilan niya?" Si Farah.

Tumango naman ako. Hanggang sa sinabi ko na yung pinagusapan namin ni Axel.

"Grabe talaga yang Amanda na yan! Sumosobra na siya ah! Pag nakita ko lang yan papalapa ko siya sa aso!" Inis na sabi ni Farah.

"Tss! Maganda lang ako pero nananapak ako!" Sabi naman ni Hailey.

"Oh eh ano ng plano mo ngayon? About kay Axel?"

"H-hindi ko alam. Naniniwala ako sa lahat ng sinabi niya sakin kagabi"

"Oo alam namin yun gaga! I mean about sainyo? M-mahal mo pa ba?"

"H-hindi--"

"Hindi ko alam eh! Yan nanaman ba ang isasagot mo babae?! Jusko naman! Pagdating sa pagibig pag sinabi mong Hindi eh suko kana sa pagmamahalan niyo pero pag sinabi mong 'hindi ko alam' eh mahal mo pa! Kasi kung talagang hindi na mabilis kang sasagot ng hindi!" Inis naman na sabi ni Farah.

"Tama si Farah sis"

"Sinubukan kong kalimutan siya pero hindi ko magawa! Sa tuwing nakikita ko sila ni Amanda naiinis ako! Siguro nga m-mahal ko pa siya" sabi ko.

"Mahal mo pa nga. Mahirap talagang kalimutan ang isang tao lalo na kung minahal mo talaga!" Sabi ni Hailey.

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now