Chapter 22

6.8K 254 11
                                    

Kyla's POV

Kabababa ko lang ng cellphone ko tumawag kasi si nanay nangamusta lang bumalik na ako sa room at umupo sa tabi ni Axel.

"So kamusta ang parents mo?" Tanong ni Axel habang nagsusulat.

"Okay lang naman eh yung parents mo?"

"Okay lang din" sagot nya.

Kumuha ako ng notebook ko para magsulat na.

"Kyla ang ganda pala ng boses mo no" sabi ni Ash.

Ngumiti lang ako , pero para sakin napapangitan talaga ako sa boses ko eh.

Matapos ang dalawang subject ay breaktime na tinignan ko si Axel pero mukhang busy sya doon sa cellphone nya eh.

Axel's POV

"Bro tara na sa cafeteria" yaya sakin ni Ash.

"Mauna na kayo sunod nalang ako" sabi ko sa kanila at umalis.

Kailangan kong pumunta sa garden may nagtext kasi sakin na pumunta ako doon.

Pagpunta ko ng garden tumingin ako sa paligid kung may tao ba.

"Hi babe"napaharap ako sa nagsalita at agad nya akong hinalikan sa pisngi kaya natulak ko sya.

"What the fuck are you doing?!!" Halos pasigaw kong sabi sa babaeng ito.

"I miss you babe" sabi nya at mukhang nagpapaawa.

"Stop calling me babe!" Pagkasabi ko nun ay umalis na ako tsk! Kababae nyang tao ang desperada nya.

Dumiretso na agad ako sa cafeteria at naabutan ko silang nag uusap doon pero wala pang mga pagkain.

"Oh bakit hindi pa kayo umorder?" Tanong ko at hinila yung isang upuan para doon umupo.

"Hintayin ka daw namin sabi ni Kyla" sabi ni Keith tumingin lang ako kay Kyla tumango ito at ngumiti.

This girl is so beautiful.

Umorder na kami at sabay sabay na kumain.

Pagtapos naming kumain ay naghiwa-hiwalay muna kami sabi ko sa kanila na maglalakad-lakad muna ako , si Kyla naman pupunta muna sa rooftop at yung dalawa aba malay ko dun.

Ashton's POV

Paikot-ikot kami ni Keith dito sa school sabi nya kasi lubus-lubusin daw namin yung free time eh edi eto kung san san kami pumunta.

"Pagod na ako" sabi ni Keith at umupo sa may bench dito sa school.

"Tignan mo sila Amanda wagas kung makatawa" sabi ko kay Keith napatingin din naman sya kila Amanda.

"Baka narealize nila na ang panget nila haha!"

"Haha loko!"

"Asan ba si kyla" tanong nya habang nagsasalamin tsk! Feeling gwapo talaga -_-

"Nasa rooftop tara puntahan natin"

Naglakad kami para puntahan si Kyla sa rooftop eto namang kasama ko panay tingin sa salamin tsk! Nakarating kami sa rooftop ay hinanap namin si Kyla.

Naglakad ako ng unti doon sa may kaliwa at nakita ko si Kyla na walang malay.

"Keith si Kyla!"

Natigil naman yung pagsasalamin nya at tumingin kay Kyla nakaharang kasi yung buhok nya.

"Pambihira naman si Kyla oh dito pa natulog"

"Gago! Di natutulog yan" nilapitan ko kaagad si Kyla at inayos yung buhok nya at nakita ko syang may sugat sa noo at namumula yung pisngi nya tapos yung buhok nya gulo gulo kinarga ko na sya kaagad para mapunta sa clinic I'm sure na sila Amanda nanaman ang may gawa nito.

"Tsk! Kaya siguro sila nagtatawanan kanina kasi may ginawa nanaman sila kay Kyla" sabi ni Keith habang papunta kami sa clinic.

Hiniga ko sya sa may kama dito sa clinic halata ding umiyak sya. Tsk asan ba yung mga nurse dito?!

"Hoy Keith penge nga ng cotton balls dyan" utos ko kay Keith at kinuha yung alcohol sa may tabi.

"Cotton balls masarap ba yon?" Tanong nya habang nakatingin sakin.

Tinignan ko naman sya ng Kingina.ka.umayos.ka look!

"Hindi pa kasi ako nakakatikim nun eh" sabi nya.

"Kingina mo! Pag hindi nagamot tong sugat ni Kyla babasagin ko yang letse mong salamin" sabi ko sa kanya.

Muka naman syang nagpipigil ng tawa letse talaga tong pandak na 'to eh painumin ko nga ng cherifer mamaya ^_^

"Hahaha! Joke lang wait nasan ba yun nasa ref?"

Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Aayos ka o aayos ka?"

"Joke lang eto na oh haha"

Matapos kong magamot yung sugat ni Kyla ay tinawagan ko si Axel na pumunta dito sa clinic. Wala parin kasing malay itong si Kyla eh siguro sa ginawa sa kanya tsk!

"What happened to her?!?!" Alalang sabi ni Axel ng makapunta sya dito sa clinic.

"Oy bro! Kalma yung puso mo!" Binatukan ko naman si Keith.

"Sinugod nanaman sya nila Amanda kanina sa rooftop naabutan nalang namin na wala syang malay tsaka halatang pinagtulungan nanaman sya nung tatlo"

"Tsk!" Nilapitan nya si Kyla at kinuha naman namin ni keith yung gamit nya sakto namang uwian na dahil may gagawin lahat ng teachers.

Hinintay namin na magkamalay si Kyla at hinatid na sya ni Axel sa kotse para sya nalang daw ang maghatid kay Kyla sa bahay nila halatang medyo naghihina pa si Kyla kaya hindi muna namin tinanong kung ano yung nangyari.

Grabe talaga yung mga babaeng iyon walang mga awa!

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now