Chapter 64

7.1K 227 46
                                    

Ashton's POV

Nakahinga ako ng maluwag dahil nasabi ko na kay Sophia yung naramdaman ko sa kaniya. Ayokong magsabi siya sakin ng sorry dahil wala naman kasi talaga siyang kasalanan at isa pa oo totoo lahat ng sinabi ko sa kaniya kahapon wala naman na talaga akong nararamdaman sa kaniya eh.

Mabuti narin yun dahil baka ako pa ang maging problema para sa kanilang dalawa ni Axel. Siguro sa apat na taon nawala narin talaga yung nararamdaman ko sa kaniya.

Si Sophia kasi siya yung taong hindi mahirap mahalin. Kahit na nagbago na siya nararamdaman ko na may unti paring Kyla sa puso niya.

Ang iniisip ko talaga ngayon ay si Hailey ayoko siyang saktan pero kailangan kong sabihin sa kaniya yung totoong nararamdaman ko.

Hininto ko ang kotse ko sa isang park dito kasi kami magkikita ni Hailey buti na nga lang natext ko si Sophia kagabi.

Bumaba na 'ko at napansin kong wala pa siya kaya umupo muna ako sa isang malaking puno.

Ang hirap pala ng ganun no? Yung akala mo hindi na babalik yung hinihintay mong tao kaya nagmahal ka na ng iba. Pero bumalik pa pala siya kaya mas mahirap dahil siya hinintay ako pero ako? Nagmahal ng iba.

"I-ice"

"Jade"

Tumabi siya sakin kaya naalala ko yung mga bata pa kami ganito kasi lagi kami eh magkatabi sa puno tapos naguusap.

"Ang hirap pala ng ganun Ice no? Tapos yung pinanghahawakan lang natin e yung promise natin" biglang sabi niya.

"Sobrang hirap Hailey. Hindi na kasi ako umasa na magkikita pa tayo eh"

"Ako kasi Ice umasa parin ako e."

"Hailey m-mahal mo pa ba 'ko?"

"S-sobra Ice. Hindi ko nga alam kung bakit ikaw parin e. Ikaw? M-may natitira ka pa bang pagmamahal sakin?"

Napalunok ako sa tanong niya alam kong ang hirap sabihin ng sagot ko pero syempre kailangan kong sabihin sa kaniya.

"H-hailey gusto kong magpakatotoo sa'yo. Gusto kong sabihin sa'yo ang totoo p-pero sorry h-hindi na kita mahal"

Nakita ko ang sunod sunod na pagtulo ng luha niya kaya agad kong pinunasan iyon. Pakiramdam ko ay nasaktan din ako.

"M-may mga pangako talagang ang hirap tuparin no?" Pilit na ngiting tugon niya.

"Hailey gusto kong magpakatotoo sa nararamdaman ko para sa'yo ayokong magsinungaling sa'yo e."

"Naiintindihan ko 'yon. A-ang sakit pala talaga pag nagmahal ka no? Lalo na yung harap-harapan kang sinabihan ng hindi ka na mahal. G-ganun pala talaga pagdating sa love"

"Hailey--"

"Wag kang magalala Ash pipilitin kong kalimutan tong nararamdaman ko para sa'yo."

"Sana maging magkaibigan parin tayo Hailey"

"Siguro pinagtagpo lang tayo pero hindi tayo itinadhana. Siguro naging gusto natin yung isa't isa pero sa pagiging magkaibigan lang tayo magtatapos. H-huwag kang magalala magiging magkaibigan parin naman tayo e. Pero w-wag muna ngayon Ash ha? K-kasi kailangan ko munang kalimutan 'tong nararamdaman ko para sa'yo e. Pag nagkita tayo pangako wala na'kong nararamdaman sa'yo"

Napayuko ako sa sinabi niya. Alam kong sobra siyang nasasaktan ngayon.

Niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman kong sobrang napaiyak siya nun.

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now