Chapter 16

7.1K 238 26
                                    

Kyla's POV

Nakaupo ako ngayon dito sa room habang nagbabasa , masyado pang maaga at ako pa lang ang andito.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Axel agad naman akong ngumiti sa kanya at ganun din sya.

"Aga huh" sabi ni Axel.

"Ah oo eh" sagot ko naman.

Marami narin ang mga pumapasok pati sila Keith at sila Amanda na masama ang tingin sakin ang iba ko namang kaklase ay nakatingin sakin baka dahil sa party nung nakaraan.

Pumasok narin ang prof. Namin at nag lesson narin kami.

Ng lunch na ay inayos ko na ang gamit ko para pumunta sa cafeteria.

"Kyla sabay kana samin" sabi ni Ashton.

"Oo nga kakain tayong kwek-kwek hahahahaha!"sabi naman ni Keith at sinamaan sya ng tingin ni Axel kaya pinigilan nyang hindi matawa kahapon pa 'to kwek-kwek ng kwek-kwek eh!

"Let's go Kyla"sabi ni Axel.

Sinara ko lang ang bag ko sa totoo lang ay nahihiya ako dahil sikat tong mga kasama ko tsaka siguradong pagbubulungan nanaman ako nito!

Pagdating namin sa cafeteria ay marami ang nakatingin samin at yung iba ay kinikilig dahil sa tatlo at yung iba naman ay ang sama ng tingin sakin at nagbubulungan pa!

Hindi ko nalang iyon pinansin at umorder na ng pagkain pagtapos ay umupo na kami.

Ng pumasok sila Amanda ay parang nagulat ng makita ako kasama ang mga MSB3 at sinamaan ako ng tingin.

"Malandi talaga"parinig ni Kaitlin.

"Kyla wag mo nalang silang pansinin kumain kana lang dyan" sabi ni Ashton

Sinunod ko nalang ang sinabi nya at nagpatuloy kumain pagtapos non ay sinabi kong didiretso muna ako sa library kaya naman nauna na sila sa room.

Nandito ako ngayon sa library dahil may hinahanap akong libro para sa science namin ng biglang may humarang sa dinadaanan ko.

"Hi bitch"sabi ni Mich.

Hindi ko nalang iyon pinansin at maglalakad na sana kaso ay hinarangan nya nanaman ang dadaanan ko.

"Mukang napapalapit ka na talaga sa MSB3 Huh? Pano ba ang ginagawa mong pag landi?"sabi nya ng nakataas ang kilay.

"Hindi ako lumalandi Mich"sabi ko dito.

"Ows?mukha nga tsk! Painosente pa!"sabi nya at naglakad na pero huminto sya at humarap ulit sakin.

"May nakalimutan ako"agad naman akong nagtaka pagkasabi nya nun.

Nakaramdam nalang ako ng hapdi sa kaliwang pisngi ko , at nakita ko si Mich na nakangiti bago tuluyang umalis.

Agad kong pinunasan ang tumulong luha sa mata ko dahil sa sampal ni Mich ang hapdi lang!

Hiniram ko nalang ang kailangan kong libro sa science at bumalik na sa room.

"Kyla okay ka lang ba? Bat namumula yung kaliwa mong pisngi?"sabi ni Ashton ng makabalik ako sa room.

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon