"S-sorry! S-s-sasabihin ko naman sa kanila eh. N-natatakot lang ako dahil baka hindi sila maniwala sakin."

"Iharap mo ako sa kanila, that simple Andrea June." Lumambot na ulit ang expression niya, dahan dahang hinawi ang buhok ko at inipit sa isang tenga ko. "Seryoso ako Andrea June. Ilang beses ko bang dapat sabihin? Seryoso ako sa'yo."

Alam kong ang OA ko pero naiiyak ako.

Naiiyak talaga ko.

Jacin looks so sincere, lalo na ang mga mata niya.

Ang sama ko sa pag-aakalang laro lang sa kanya ang 'to at hindi siya seryoso. Sa pag-aakalang pinipilit niya lang ang sarili niya at hindi sya nagiging natural sa mga ginagawa niya lalo na noong nasa Hope Island kami, noong makita kong pinipinta niya si Ayu. Akala ko hindi siya seryoso dahil si Ayu pa rin. Naiinis ako sa sarili ko. Ang sama ko sa kanya.

Yumuko ako para hindi niya makita ang pagbagsak ng luha ko. "Sorry."


"Oh my gosh! Nakikita n'yo ba ang nakikita ko?!"

"Si June at Jacin magkasama na naman!"

"I can't believe this! Are the rumors true? Sila nga ba talaga?!"

"No! Of course not! Believe me, hindi niya girlfriend 'yan. Jacin won't go down from ten to zero 'no."

"True. From Ayu to her? That's just so low."

"Jacin should be with a woman with class, unlike that ugly bitch."


Aray ko.

"Who's the ugly bitch? Tell me." tanong ni Jacin, masama ang tingin sa mga babae. After a while, nginitian niya ang mga ito, isang nakakatakot na ngiti. "I said tell me."

"F-f-forget about what we said Jacin! W-we shouldn't have said that!"

Lumawak ang nakakatakot na ngiti nya, "Yeah, you really fucking shouldn't."

"A-a-alis na lang kami."

"Did I tell you to leave?"

Nanigas at nanatili sa kinatatayuan nila ang mga babae.

"J-jacin... okay lang naman eh." sinubukan ko siyanghatakin palayo, nakakatakot na kasi talaga ang itsura niya.

"It's not fucking okay if you're crying." Using both of his thumbs, pinunasan niya ang namamasang pisngi ko, bago muling bumaling sa mga babae. "Leave. And when I say leave, it means for good. You know what that means, right?"

"J-jacin!"

"W-we understand!"

Nasundan ko na lang ng tingin ang mga ito nag-uunahan sa pagtakbo palayo samin.

Hinarap ko si Jacin. "H-hindi mo dapat sinabi 'yon. H-hindi naman dahil sa kanila kaya ako umiiyak eh."

Nagsalubong ang kilay niya, "Then why are you crying?"

"D-dahil sa mga sinabi mo."

"What part? I said a lot."

"L-lahat ng sinabi mo."

Ngumiti na ulit siya, 'yong magandang ngiti. Hindi na 'yong nakakatakot.

Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko bago binuksan ang pinto ng kotse niya. "We better go. Baka mag-alala ang parents mo."


~*~


Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon