Nakatanggap nanaman ako ng sampal shete ang sakit ano bang mali doon sa sinabi ko?

"Alam mo ba 'yung salitang kaibigan ha?!"

"Aba malamang Kate! Nagaral ako kaya alam ko 'yun!"

"Alam mo ba 'yung salitang tinutulungan ha?!"

"Ano bang pinagsasabi mo Kate?!"

"Stupid!"

Sigaw niya sakin.

"Matagal na Kate!"

"Stupid! Stupid! Stupid! Slow! Alam mo Zander kahit ganiyan ka?! Mahal na mahal kita!"

Agad akong naguluhan sa sinabi niya! Anong pinagsasabi niya?!

"Alam mo pala yung salitang kaibigan eh! Bakit hindi mo manlang tinanong kung kaano-ano ko siya?!"

"H-ha? Aish! Ano ba Kate! Malinaw yung mata ko!"

"Tanga mo! Kaibigan ko lang siya kaya tinutulungan ko siyang bumili ng mga kailangan nung baby niya! Tanga tanga mo!"

Parang lumundag yung puso ko sa sinabi niya. Totoo ba 'to?!

"T-totoo?!"

"Bwisit ka talaga. Kaya dyaan tayo nagkakasira eh! Tanga mo!"

"Masakit na 'yon babeby!"

Nanlaki ang mata niya sa tinawag niya sakin.

Lumapit ako sa kaniya tapos pinunasan ko yung luha niya. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki ngayon hays!

"Mahal na mahal kita Kate"

"Ako rin naman eh! Hindi naman nagbago 'yon! Kainis ka kasi eh binitawan mo nalang ako nun bigla ng hindi alam yung dahilan!"

"Aish! Wag mo ng ipaalala 'yon naaalala ko nanaman yung katangahan ko eh! Ang importante eto tayo ngayon. Mahal parin natin 'yung isa't isa. Kalimutan nalang natin yung nangyare Kate magsimula tayo ulit"

"Oo naman. Importante yung ngayon. Pasensya kana din sa mga nasabi ko dun sa kapatid mo ah?"

"Wala 'yon. Okay naman na lahat eh! Tsaka ayus naman na sila diba?"

"Yup! Kaya pala sobrang saya ng kapatid kong 'yon nakaraan eh!"

"Oh. I love you Babeby!"

"I love you too!"

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya.

THE POOR GIRL'S REVENGEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora