08

13 3 6
                                    




cold breeze engulfed me as soon as i stepped outside.

time check 7:35pm.

i'm going for a night jog becos why not
para naman ma-burn yung mga pinagakakain ko. healthy living si inday oh 'kala mo talaga.

ipinasak ko na sa tainga ko ang earphones.

wala pang sampung minuto nang huminto ako saglit dahil napapansin kong parang may nakamasid sa akin. alam niyo 'yun? yung kikilabutan na lang kayo bigla. 'wag naman sanang aswang ang sumusunod sakin jusmeyo pero mas okay na ring aswang kaysa aso.

nagpatuloy na lang ako at tinanggal ang earphones ko para mas maging aware sa paligid. first time ko pa namang mag-jog ng gabi, 'wag naman sanang maging last.

nakashorts pa ako pero nakasando't jacket naman. huminto muna ako para uminom ng tubig.



"uy ollie! gabi na ah? buti nakasalubong kita!"


di sinasadyang nabuga ko ang iniinom ko matapos may biglang sumulpot na tyanak-si nile sa harap ko.

"ollie ang dugyot!" reklamo niya habang nagpupunas ng mukha. napansin kong kasama na naman niya ang tuta niya. ano, fun run na naman ba itu?

"nakasalubong mo ko? o sinundan?" nilagpasan ko siya. siya nga siguro yung narararamdaman kong nakasunod sa akin.

"ba't kita susundan? mangarap ka! umuwi ka na nga! sa umaga ka dapat nagjojogging, hindi sa gabi." rinig kong pangaral niya at umiling-iling na lang ako.

"maraming aso dyan, sige!"

bahagya akong napahinto sa sinabi niya pero wala naman akong nakikitang aso kaya nagpatuloy na lang ulit ako.

"ollie uwi na kasi!" pangungulit niya at hila-hila na niya ngayon ang braso ko. ano bang problema ng gagitong 'to, lakas makasetbwi.

"ano ba? nagpapakahealthy living nga ako eh. umuwi ka na baka mahamugan 'yang jowa-este aso mo."

"ikaw ang umuwi! nakashorts ka pa, gabing-gabi. 'pag ikaw na-rape ha, ako ng bahala sa kape't biskwit!" aniya kaya pinaningkitan ko siya ng mata at unti-unting ngumisi.

"yieee! nag-aalala siya! di ako uuwi hangga't di mo inaamin na sinundan mo ko kanina." panunuya ko at pinindot-pindot ang ilong niya para naman mapango siya kahit konti. nakita kong asar na asar na siya dahil nakabusangot na ang mukha niya kaya tinawanan ko siya.

"aish! paano mo ba kasi nalaman?" bwisit na sambit niya kaya lalo akong tumawa.

"syempre, may aswang instinct ako kaya nalaman ko na ikaw 'yun- aray!" grabe, binatukan niya si ak0uh.

padabog na lang akong naglakad para umuwi. kawalang gana naman kasi 'to. hay bukas na nga lang, may malaking tyanak kasing humadlang sa pagjojogging ko eh.

napansin kong nakasunod naman siya sa akin habang karga-karga ang aso niyang dinidilaan ang kanyang mukha, tinaasan ko siya ng kilay.

"bakit?" tanong niya.

"hoy anong tingin 'yan? kapal! hindi kita hinahatid ah, nag long cut lang ako! gusto kong mag-tour dito eh!" depensa niya.

"oh maghunusdili ka pre!" sagot ko at binagalan ang lakad ko para makasabay siya dahil gusto ko siyang awayin.

"lintik ka talaga, wala pa ngang pawis na tumagaktak sakin kanina ta's maninira ka ng trip!" giit ko pero umirap lang siya.

"gusto mong pagpawisan?" tanong niya kaya tumango ako.

"gusto mo talaga?" muling tanong niya kaya napakunot ang noo ko.

"oo nga!" sagot ko at kasabay no'n ay ang pagngisi niya.

nanlaki ang mata ko nang bigla umanong binaba niya ang aso niya at binitawan ang tali nito.

"he he walang ganyanan nile. . . uy 'wag. . . paker siya oh! buhatin mo 'yan! anong ginagawa mooooo?!" napasigaw na ako at nagsimula nang tumakbo dahil sinisimulan na naman ako ng aso niyang baliw na baliw sa akin at panay ang pagtahol.

sigaw ako ng sigaw habang mas pilit binibilisan ang pagtakbo. wala na akong pake kung magising ko ang mga natutulog ngayon.

"kaya mo 'yan olivia! pampapawis 'yan!" panunuya niya kaya itinaas ko na lang ang gitnang daliri ko bilang tugon. tangina niya, tanda pa pala niya ang totoong pangalan ko.

"sinusumpa ko, 'pag ako kinagat nito at naospital at namatay, mumultuhin kita habang buhay danilo!" banta ko.

'kala niya ah. danilo kasi talaga ang real name niya. di ko alam kung saan niya napulot ang nile, pwede namang nilo.

yeah our parents suck at giving us decent names. sad to say pero olivia talaga name ko, lakas maka ajumma 'no! nevertheless, nagpapakilala ako bilang ollie.

lumiko na ako papunta sa street namin, natatanaw ko na ang bahay ko at onti na lang makakauwi na ako! feeling ko isa akong triathlete at malapit na ako sa finish line ko. lumingon ako at medyo malayo na ang agwat namin ng baliw na tuta kaya mas binilisan ko pa para di na niya ako masundan.

nang makarating sa tapat ng bahay, halos dinabog ko na lang yung gate para buksan, pumasok ako at isinara ito. daig ko pa ang matotokhang na hinahabol ng mga pulis.

don't do this at home, tanging mga eksperto lang.

napaupo ako dahil sa pagod. tagaktak nga ang pawis ko thanks to danilo the great.

akala niya ba papalampasin ko 'yon? ika nga, lintik lang ang walang ganti.



•    •    •

a /n : update before pasukan! nakakaiyak man pero masaya ako dahil magkikita kami ni baon☻ sana makapag-ipon na ako this s.y, yung totoong ipon!

MuffinsWhere stories live. Discover now