10

11 1 0
                                    




"danilo naman eh. ba't ang tagal mong gumising? don't tell me dedo ka na? nako jusko dai, 'wag mo kong mumultuhin." mangiyak-ngiyak na ako dito habang pinapaypayan ang mukha ni nile, nakapatong ang ulo niya sa lap ko ngayon.

di ko pa natatanggal ang make-up ko kaya mukha akong espasol ngayon, nag-ala white lady ako kanina para takutin siya, di ko naman alam na hahantong sa ganito pero atleast successful ang pananakot ko, akala ko kasi wala siyang magiging reaksyon eh.

"kapit lang nile! di ka pwedeng ma-dedo. gusto mo bang ma-headline sa dyaryo?'isang lalake patay umano matapos makakita ng pekeng white lady' ugh, nakakahiya 'yon 'pag nagkataon! at di ako pwedeng makulong!"

magdadalawang oras na mula nang nahimatay siya kanina apt magdadalawang oras na rin akong nagsasalita dito mag-isa. pero priceless talaga itsura niya nung makita niya ako, sayang napicturan ko sana. tapos may bitbit pa siyang walis tambo, magaling, kasi kung nagkataong totoong may mga armadong pumasok dito, walis tambo ang ipapanlaban niya. *face palm*

parang nakosensya naman ako kasi ang lala ng ginanti ko sa kanya pero kinilig ako ng slight kasi pumunta talaga siya agad dito nung tinawagan ko siya, ayern himatay si gago. pinag-iisipan ko na nga kung dapat ko na siyang dalhin sa hospital eh.

"hooooy! gumising ka na kasi! bawal kang mag-sleep over dito gagito ka!" niyuyugyog at sinasabunutan siya.

naghintay akong idilat niya ang mata niya pero hindi pa rin.

natulala tuloy ako sa mukha niyang mamula-mula magmula kanina. mestiso naman pala eh! pinilit kong wag dumako ang tingin ko sa lips niya pero ang kulit ng mata ko.

ay grabe, ang perfect ng shape ng lips niya tapos ang pinkish.

'pagtapos kong kilatisin ang mukha niya, may na-realize ako— na mas mukha pa pala akong lalake kaysa sa kanya. yung mukha niya, walang kapimple-pimple. penge blade beh.

ipinatong ko ang ulo niya sa unan ng sofa at tumayo na ako para kumuha ng blade—este para maghanap ng pagkain sa ref pero natapos na akong kumain ay di pa rin siya nagigising.

nanood na lang ako ng tv sa sala upang mabantayan na rin siya.

medyo dinadalaw na ako ng antok dahil hating gabi na at di pa rin nagigising ang pukenaenae kaya nagsulat na lang ako ng note sa kanya.


° ° °




nagising ako sa sakit ng ulo ko. bumungad sa akin ang ingay ng tv— teka? di ko bahay 'to ah.

nilibot ko ang paningin ko at natagpuan ko ang natutulog na duguang espasol—si ollie pala na mahimbing na natutulog sa masikip na couch.

tumayo ako at marahan siyang binuhat upang ilipat siya sa pinaghigaan ko para maging komportable pagtulog niya.

napansin kong may nakadikit na palang piraso ng papel sa noo ko, hinablot ko 'yon.

wake me up when u woke up.
-ollie

napabuntong-hininga naman ako at tinignan siya.

she's in a peaceful sleep right now, i don't wanna interupt her.

umupo na lang ako sa isang couch at pinatay ang tv. naalala ko na ang kahindik-hindik na nangyari kagabi.

inirapan ko ang natutulog na si ollie. lakas talaga ng amats ng babaeng 'to, sobra kaya akong kinabahan do'n. nahimatay pa ako dahil sa prank niya, nakakainis.

pero buti na lang hindi totoong nangyari yung sinabi niyang may nakapasok sa bahay niya. hays, she's unbelievable. ginawa niya talaga 'to para gantihan ako.

napatingin ako sa labas at mag-uumaga na pala. di man lang siya nag-abalang magtanggal ng make-up juskong bata 'to.

napabalikwas ako nang may makitang babae palang nakatayo sa di kalayuan at nakatitig ito sa akin. mukhang nanay ito ni ollie dahil may pagkakahawig sila. hala ka dong, kanina pa ba siya dyan?

nagtungo siya sa direksyon ko nang mapansin ko siya. di ko alam ang tumatakbo sa isip niya dahil walang kaemo-emosyon ang mukha niya.

tumayo ako at nagbow, "g-goodmorning po! ako po si nile, kaibigan po ni ollie. w-wala pong nangyari sa amin, nakatulog po ako dito dahil kagigising ko lang po mula kagabi nung nahimatay po ako dahil sa prank po ng anak niyong whitelady. hehe." sunod-sunod kong sambit para maklaro ang kung ano mang gumugulo sa kanyang isipan.

mistula namang gumaan ang pakiramdam ko nang nakita kong natawa siya. akala ko kasi mabubugbog na ako ni tita, si ollie kasi eh pasaway!

"iho naman? wala pa akong sinasabi ah. nako! pagpasensyahan mo na si ollietot sa mga kabalastugan niya sa buhay. o'siya dahil mukhang mabait ka naman, palalagpasin ko ang pagtulog mo dito sa bahay. pero kumain ka na ba? malamang hindi pa 'no? kasi kagigising mo lang eh." aniya kaya natawa kami pareho. mahina lang upang 'wag magising ang tulog na white lady.

nagkaroon pa kami ng munting kwentuhan ni tita at kalaunan ay dumiretso na siya ng kwarto upang matulog. nagboluntaryo na akong magluto ng pagkain ni ollie pag nagising siya dahil pansin kong pagod si tita.

sa ngayon ay nangalkal muna ako at nakakuha ng towel at maliit na palangganang may tubig.

umupo ako sa harap ng white lady at pinunasan ang mukha niya, ang kapal kapal ng nilagay niya pwede na akong magtanim ng kamote dito.

medyo gumalaw siya kaya mas iningatan ko ang pagdampi sa kanya ng tuwalya.

"uuuh.. gumising ka.. na.. kasi.." she said with a muffled voice and with action pa. nags-sleep talk pala 'to.

"oo, gigising na ko." natatawang sagot ko at napa-yehey naman siya sabay hilik ng malakas.



•     •     •


a /n : update dahil long weekend namin!☁ actually, marami na akong stuck sa drafts, di ko lang ma-publish kasi madaling araw lang malakas data at ayokong nagpupuyat 'pag school days😇 ayern sheyt gulat ako may rank na tong muffins hahahahahaha♥



MuffinsWhere stories live. Discover now