14

13 3 6
                                    

{a/n : naisipan ko lang i-update kahit walang wala ng nagbabasa nito hahahahaha dami pa kasing naipong chapters eh. anw, enjoy reading! }







ollie

i plopped down on my bed. di alintana ang basa kong katawan galing sa ulan.

inis kong pinunasan ang namumuong luha sa mata ko. umiiyak ba talaga ako? bakit ako umiiyak? bakit ko siya iniiyakan?

"ugh, ollie ang oa! crush mo lang 'di ba? bakit ka naiyak ngayon?" i groaned.

aaminin ko na, akala ko may meaning yung saya niya tuwing magkausap kami 'pag bigla kaming nagkikita. siguro akala ko tuluyan na kaming magiging malapit sa isa't-isa. wala eh, nag-expect si inday, ayan iiyak iyak. bakit ba kasi never sumagi sa isip ko na may girlfriend na siya? sa gwapo at bait niyang 'yun malamang meron.

ang saya lang namin kanina tapos all of a sudden, makakasalubong pala namin 'yung girlfriend niya. muntikan pa niya akong komprontahin, sino ba namang di mababahala kung yung boyfriend mo ay may kasamang pretty girl na di mo knows sa gitna ng ulan. pero hindi naman natuloy dahil pinakilala ako ni cyle bilang pinsan niya. after no'n nagpaalam na lang ako sa kanila.

nanlumo ako pero okay na rin 'yun kasi 'pag kaibigan ang pagpapakilala niya sa akin, malamang maghihinala pa rin si ate girl.

therefore, i conclude na likas talaga sa mga lalake na maging pa-fall lalo na 'pag pogi.

tumayo na ako mula sa pagkakahiga dahil nanlalamig na ako. nasapo ko na lang ang noo ko matapos makitang basang-basa na ang kama dulot ng paghiga ko.

dederetso na sana ako sa banyo upang maligo nang mag-vibrate ang phone ko.

nile river
calling...

"why?" kaswal kong tanong.

"ollie.." sambit niya or more like iyak niya.

"hey? bakit? are you crying?"

"ollie.." ngarag pa rin ang boses niya.

hmm, di kaya pinagtitripan ako nito tulad ng ginawa ko sa kanya no'n.

"hoy, anong trip 'yan? isip ka iba boi, akin 'yan eh-"

"ollie, nakita mo ba si ef-ef? kanina ko pa siya hinahanap ollie. paggising ko kasi nakabukas na 'yung gate ta's wala na siya. sana pala tinuruan ko siya kung pa'no umuwi. nako, baka magkasakit 'yun, naulan pa naman. tulungan mo ako ollie, please." sunud-sunod niyang sambit, bakas ang pag-aalala at pagkataranta sa tono ng kanyang boses.

tumango-tango ako kahit di niya nakikita. "okay okay, i'll help."

"salamat!" then he hanged up.

pagtapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko na ang payong at naglakad-lakad upang hagilapin si ef-ef.

kahit naman malaki ang atraso sa akin ng asong 'yun, tutulungan ko pa rin si ilog. halos syotain na niya kasi yung aso niya eh. atsaka baka maglalaslas 'yun 'pag di niya nahanap ang aso niya.

naglakad-lakad ako sa bawat kantong pwedeng pasukin pero ang tanging nakikita ko lang ay ang mga batang masayang nagtatampisaw sa ulan.

MuffinsWhere stories live. Discover now