09

14 2 4
                                    




4 unread messages from
nile river!


from: nile river

WAHAHAHAHAHA laughtrip! pwede ka nang olympic runner ollie HAHAHAHAHAHAHA sanay na sanay takbuhan mga aso ah


hoy magpasalamat ka kay ef-ef, favorite ka talaga niya :-D natupad ang kagustuhan mong magpawis! wahahahahahaha! mas better ba sa jogging?


di naman nangangagat si ef-ef eh : - ( pag nahabol ka niya didilaan ka lang non!


goodnight :D



sayang saya si puta oh. nako lang, 'wag na niyang hintayin yung araw na mamatay na talaga ako sa kagat ng aso niya. mumultuhin ko talaga siya at gagawing miserable ang buhay niya araw-araw.

nadoble tuloy ang badtrip ko sa kanya dahil dinatnan pa ako ngayon, ang lakas beshie eh. tagos kung tagos, bulwak kung bulwak!

nakatulog agad ako kagabi habang nanonood ng kdrama kaya ngayon ko lang nabasa mga text niya lakas maka3gger.

binalik ko na lamang sa ref ang natitirang chocolate ko kaya ice cream naman ang kinuha at nilantakan ko.

hay, sorry cyle, di kita mahahatiran ng muffins ngayon. gustuhin ko man kaso baka pumalpak lang kasi walang-walang-wala ako sa mood ngayon. i'm sorry my love.

kumain lang ako ng kumain ng sari-sari hanggang sa paglubog ng araw.

i glanced at the digital wall clock. 7:07pm.

i smirked as i turned all the lights off.

i hastily contacted nile, he answered it after a few moments.

"hi ollie! yes naman tumawag siya sa akin for the first time musta pre—"

"n-nile.. nile, tulungan mo ko. m-may nakapasok na mga armadong lalake dito sa bahay. n-natatakot ako, please h-help—" he cut me off as i try really hard to weaken my voice.

"tangina ano?! chapi ka! wait ah! wala atang signal dito o baka sayo yung walang signal?" aniya kaya napasabunot na lang ako at pinigilan ang sariling mapamura.

gusto ko na lang sabihing na ang sarap niyang ibitin patiwarik kaso masisira ang plano.

"nile! n-naririnig mo na ba ko? may mga lalakeng armadong nakapasok dito sa bahay.. nile, n-natatakot na ako dito! baka kung anong gawin nila sa akin.. nagtatago ako ngayon sa cabinet—" i whimpered then he cut me off once again.

"putangina! w-wait makinig ka sakin, magtago ka lang dyan at wag kang lalabas o gagawa ng ingay, okay? kalma ka lang, 'wag kang iiyak.. wait for me." he gibbered. his voice is kinda tremulous thou.

before i could say anything, he ended the call.


3rd person

wala ng pinalagpas pang oras ang binata at dali-dali siyang tumakbo papunta kina ollie. malakas ng kabog ng kanyang puso dulot ng sobrang kaba at pag-aalala sa dalaga.

dulot ng kanyang adrenaline rush, mabilis niyang narating ang bahay ni ollie.

kitang-kita sa labas na napakadilim sa loob nito, wala siyang naririnig na kahit anong ingay mula rito.

napasabunot na lang si nile nang mapagtantong wala siyang nadalang ni kahit anong sandata upang labanan ang mga nasabing armadong lalake.

sa kabila nito, pumasok pa rin siya dahil naisip nitong baka nanganganib na ang dalaga sa loob.

may nakita siyang walis tambo sa gilid ng pinto kaya agad niya itong dinampot at marahas na pumasok sa loob.

kadiliman ang bumalot sa kanya habang maingat na tinatahak ang loob ng bahay ng dalaga. labis siyang nangangamba sa kung ano man ang maaaring kahahantungan niya ngunit sa kabila nito, naninindigan pa rin siyang di niya hahayaang mapahamak ang kanyang kaibigan.

may narinig siyang kaluskos sa di kalayuan na lalo niyang ikinakaba. pawis na pawis na ang binata habang mahigpit ang hawak sa walis na gamit niyang pandepensa.

para na siyang matatae at maduduwal sa labis na kaba habang siya'y papalapit sa naririnig na kaluskos.


ilang sandali ay bumukas ang ilaw na ikinatalon niya sa labis na gulat at bumungad sa harap niya ang isang kahindik-hindik na white lady.




"hi nilo! where's lilo?" sambit ng puting babae sa matinis at maliit na tono.

tuluyang nahimatay ang binata sa halo-halong emosyon.


•     •     •


a /n : ayan magloko na sa lasing, 'wag lang sa babaeng may regly >:)
ilang araw ring walang update 'tong story hahahahahah wala rin kasi ako sa mood magbukas ng watty eh tsaka tuluyan nang pumanaw wifi namin kaya as usual pa data data na lang si aq.


MuffinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon