"eh pano ba naman kanina pa kita kinakausap hindi ka nagsasalita!" siya pa ngayon ang galit,



bigla naman nag init ang mukha ko nang maalala kong hinalikan nga pala niya ako,syete!



Napayuko ako,"B-b-b-b-b-ba-ba-k-k-ki-kit k-k-ka k-k-ka-kas-si n-n-n-n-na-nang-ha-hal-lik" bwisit naman na bibig to oh!



halos hindi na ako makapagsalita sa sobrang panginginig nito "F-f-f-first k-k-k-ki-ki-kiss k-k-ko y-yun"

"talaga?" masayang tanong niya. Parang may string ang ulo ko sa pag tango. "First kiss ko rin yun" ngiting saad niya, tumingin naman agad ako sakanya. "yeah you're my first kiss, kaya kung nanghihinayang ka wag mo nang tangkain okay?" hindi ako nagsalita at nakatingin lang sakanya "ayan ka na naman, sasampalin ulit kita" banta niya, napaatras naman ako at itinaas ang dalawang kamay para sabihing ayaw ko na, masakit eh.



Beep beep.



Mukhang nababagot na si ate sa paghihintay, napalingon kami pareho dun pero siya nakangiti na parang inosenteng bata,



tsk di makapaghintay to.



"S-sige u-una na kami" tumango lang siya at nakangiti, pero bago ko pa makalimutan,



hinubad ko ang suot kong kwintas, silver na kwintas na may pendant na D initial ng pangalan ko. "E-eto oh, hindi ko kasi alam kung anong regalo ang ibibigay ko sayo, hindi rin naman ako mayaman para makabili ng mamahalin na regalo kaya itong kwintas ko nalang, bata palang ako nung isinuot ko yan hanggang ngayon, may sentimental value yan, bigay ng lola ko noong 6th birthday ko" nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kwintas sa nakalahad kong palad.



Hindi siya umimik kaya tinignan ko siya, "uhm ano hindi mo ba gusto ayo-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil niyakap niya ako, yakap na mahigpit.



"Gusto ko, gustong gusto, pinakamaganda sa lahat ng regalong natanggap ko sa buong buhay ko" garalgal na boses niyang sabi, teka umiiyak ba siya?



Humiwalay ako sakanya at tinignan ang mukha niya.



"Bakit ka umiiyak?" umiling lang siya at pinunasan ang luha niya. Napakaiyakin naman neto,haha.



"W-wala masaya lang ako, dali isuot mo na sakin" itinaas niya ang buhok niya at tumalikod siya, isinuot ko naman sa leeg niya ang kwintas,


ang puti at ang kinis naman ng batok niya, ang sarap sigurong halik halikan,


ugh! nagiging manayak na naman ako, bwisit!



Humarap siya sakin at hinawakan ang pendant ng kwintas, ngumiti siya.


"Thank you"



"Ingatan mo yan ha,,, sooo ano total naman kinuha mo na ang first k-kiss ko at ano nasayo na yang kwintas ko, uhm ano,magkaibigan na ba tayo?" bigla naman nawala ang ngiti niya, tas bumulong bulong.



"Di ko na alam kung anong gagawin ko sayo!" naiinis na sabi niya habang pumapadyak padyak pa. "Bwisit ka! Hanggang ngayon yan pa rin ba?! Hindi! Ayuko!!!!! Nakakainis kang manhid ka!"



yun lang at nagdadabog na siyang pumasok sa mansion nila, ako naman ito nakatayo at nakatanaw lang sakanya na papasok.


Bakit ba kasi ayaw niya?? yun na nga lang ang hinihiling ko ayaw niya pang ibigay, nasakanya na ang pinakamahalagang bagay na meron ako at siya pa nakakuha sa unang halik ko ayaw niya pa rin??


I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora