Chapter 27 - Bloods and Roses

Start from the beginning
                                    

Lumapit sa kanya ang isa sa mga taohan niya. “The Master is gone.”

Nanghina si Hari, pakiramdam niya ay unti unting nawawala ang lahat. Kitang kita niya ang lungkot sa mga mata ng originals, the legends eight evil torturers were no longer eight.

“Si Mom! Ang inang reyna! Nasaan ang inang Reyna?! Anong ginagawa mo rito Hanna? Diba sabi ko sayo samahan mo si Tita Black! Alam mong nakita natin si Hellion! Putangina! Ako ang papatay sa kanya. Ako ang dudurog sa pagkatao niya. Go to hell Hellion Davissss!!!”

“Haze, Haze wala ang Reyna...”

“AHHHH!” A loud cry of Haze Azlea dominated the hallway. “Nakadilat siya! Dumilat siya. Tangina! I want to hugged her, to apologize for not holding on! Ahhhhhhhh!” She scream to her lungs. “I will kill you Hellion! I will fucking kill you!”

There it is, a heartbreaking scene of the family of mighty Queens. Alam niya noon pa lang na iba ang bunsong kapatid ni Aiszel. She may be the most careless one but her eyes were saying how dangerous she is.

The rise of the REAL torture Queen.

Parang ngayon pa lang nagsisimula ang walang katapusang gulo. Ngayon pa lang sisiklab ang apoy sa ETHQ.

“Ahhh!”

Napatayo si Hari. Alam niyang nanggaling iyon sa loob ng silid na inuokupa ni Aiszel ngayon. Lumapit sa kanila si Jaguar Chui nang marinig ang matinis na sigaw ng asawa nito.

“Babe? Babe, what's happening?” Nag aalalang tanong nitong habang pilit na binubuksan ang pinto. “Robbie! Fuck babe?”

Muli silang nakarinig ng sigaw. Sinenyasan ni Hari na umalis si Jaguar sa harapan ng pinto at walang ano anong sinipa niya iyon. Isa, dalawa, tatlong malakas na sipa ay nagiba ang pinto. Sabay sabay silang nagsipasok. Nadatnan nila si Dra. Robbie na nakaupo sa sahig habang hawak hawak ang braso nitong nagdurugo. Nilapitan ito ni Jaguar Chui.

Siya naman ay tumakbo papalapit sa asawa niya. Lumingon siya sa may bintana. Nakita niya si Hellion roon napatalon pababa at may buhat na kung ano sa mga braso nito.

“Fuck!” He hissed. Hinugot niya ang baril sa likod ng pants niya at pinaputokan si Hell pero daplis lang sa braso ang natamo nito. “Damn it! Habulin niyo!” Utos niya sa mga taohan niya.

Muli siyang bumaling ng tingin kay Aiszel. Wala itong malay at halos hindi pa tapos ang ginagawa ni Dra. Chui na pagtatahi sa bandang puson nito. But seeing Dra, mukhang hindi na nito kaya. Kaya nagsuot ng gloves si Hari. Kailangan niyang tahiin ang hiwa sa bandang puson ng asawa niya bago pa mahuli ang lahat.

HAWAK hawak ni Hari ang mga kamay ni Aiszel habang hinihintay itong magising. Yes, siya ang tumapos sa procedure na ginagawa ni Dra. Robbie kanina dahil hindi na kaya ng braso nito. Sa ngayon, walang ibang iniintindi si Hari kundi ang kaligtasan ng asawa niya at mga anak niya. Yes, mga anak. Aiszel gave birth to a twins, parehong lalaki. He named them King Hades Asziz and King Harison Aziel. Sa ngayon ay nakisuyo muna siya kay Hanna na ito muna ang magbantay sa mga bata sa nursery. Bantay sarado na ang lahat dahil baka kung ano na naman ang gawin ni Hellion kapag nagkataon. Hindi pa rin nagigising si Dra. Chui kaya alalang alala na ang asawa't mga anak nito.

Hellion must be crazy for plotting all of this. Dahil lang ba ito sa pagmamahal na sinasabi nito para sa asawa niya?! Hindi na niya maintindihan ang kapatid niya, pakiramdam niya ay masyado na itong sumobra. Gustohin man niya na siya ang pumatay rito pero sa dami ng may gusto, hahayaan niya na lang ang mga ito. Sa ngayon mas importante na sa kanya ang kaligtasaan ng asawa't mga anak niya kaya kapag nakarecover na si Aiszel, aayain niya na ito patungong Sicily.

Desperate Seduction (COMPLETED)Where stories live. Discover now