Sinabi naman nya sa waiter na naroon ang order namin dalawa. Kaagad naman itong umalis.


"So how's your day Eliana? Did you miss me?"nakangising sabi nya.


Namiss ko ba sya?

Syempre naman.

"Hindi." pagsisinungaling ko. Nakita ko ang pagbabago ng mood ni Alexis. Kung kanina ay nakangiti sya. Ngayon naman ay nakasimangot sya.


"Tss." sagot nya at umiwas ng tingin sakin habang nakahalukipkip.


"Hindi kita namiss. Kasi miss na miss kita." tumatawang sabi ko. Nakita kong napakagat labi muna si Alexis bago muling bumaling sa akin.

Oh! Damn i really want to kiss him so badly!

Tila ako binuhusan ng malamig na tubig ng maramdaman ko ang malambot na labi nyang lumapit sa labi ko.


Hindi ba nya alam na hindi namin solo ang lugar na ito at may mga tao na maaaring makakita sa ginawa nya?


"Kanina ko pa napapansin ang pagtitig mo sa labi ko. Kaya ayan pinagbigyan na kita. Baka akala mo kasi halik lang pinagdadamot ko pa sayo." tumatawang sabi nya.

De bale ng ipagdamot mo ang halik mo Alexis. Basta ibigay mo lang ang puso mo sakin... Piping tugon ko.

Dumating na ang order namin kung kaya natigil na ang panunukso namin. Umangat ang tingin ko waiter na naglalapag ng pagkain sa harapan ko. Hindi nalalayo ang edad namin dalawa. Ngumiti sya kung kaya napangiti na rin ako.


"Hey! Anung karapatan mo na makipag ngitian sa girlfriend ko hah?!" inis na sabi ni Alexis sa kawawang waiter.

Girlfriend?...

"Alexis!" napatayo ako kasabay ng pagtawag ko sa pangalan nya ng akmang tatayo na sya para sugurin ang waiter. "Sige na. Umalis kana. Pasensya kana hah?" nakayukong umalis ang waiter sa harapan namin.


"Cant you see? That guy was drooling over you Eliana! And what you did huh? You smiled back at him in front of me! Bullshit!" naramdaman ko ang panginginig ng katawan ni Alexis habang nagsasalita sya. Naagaw nadin namin ang atensyon ng ibang naroon.


"Anu kaba. Mali ang iniisip mo. Masyado kalang malisyoso." binitawan ko ang pagkakahawak ko sakanya ng maramdaman kong medyo kumalma na sya.


"Madamot ako Eliana. Lalo na pagdating sa pag aari ko." hindi ko mabasa ang emosyon na nasa mga mata ni Alexis ng mga oras na yun.

Bumalik na ako sa upuan ko at nagsimulang kumain. Halos walang gustong magsalita sa amin dalawa. Ramdam na ramdam ko ang galit nakapaloob sa dibdib ni Alexis.

Hindi ko alam kung para kanino ba ang galit na yun.

Ang buong akala ko ay uuwi na kami ngunit dinala nya ako sa isang lugar kung saan tanaw na tanaw ang buong siyudad.


Hindi parin sya nagsasalita kung kaya pinili ko nalang din na manahimik.

"Im sorry Eliana. Sorry sa inasal ko." sabi ni Alexis habang nakayakap sakin. "Aaminin ko nagselos ako. Gusto ko kasi ako lang ang ngingitian mo." gusto kong matawa sa sinabi nya. Pero mas nangibabaw yung kilig.

"Wala ka naman kasing dapat ikaselos Alexis. Kahit ngitian ko lahat ng tao sa mundo. Hindi nun mababago ang katotohanan na sayo lang ako." humarap ako sakanya at hinaplos ang kanang pisngi nya. Hinawakan nya ang kamay ko at dinala ito sa may labi nya upang halikan.


"Thank you Eliana." nang ibaba nya ang kamay ko ay may kinuha sya mula sa bulsa ng pantalon nya. Nakita ko ang parihabang kulay itim na kahon na inilabas nya mula dito.

Nang buksan nya ito ay tumambad sakin ang isang napaka gandang kwintas na may  angel na pendant. Pinatalikod nya ako sakanya at isinuot nya ito sa leeg ko.


"You're my angel Eliana. Ikaw ang sumagip sakin sa mula sa malungkot kong mundo. Binigyan mo ulit ako ng dahilan para sumaya." niyakap nya ulit ako at kinabig papalapit sakanya. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso nya. Maging ang init na nagmumula sa katawan nya.


"Im fated to love you Alexis. At sa palagay ko ay yun ang rason kung bakit ako nabuhay sa mundong ito. Kung hindi mo ako nailigtas nung araw na yun. Baka tinapos ko na din ang sarili kong buhay. Kaya kung may dapat magpasalamat dito. Ako yun Alexis."


Bumalot sa amin ang mahabang katahimikan. Nanatili kami sa ganoong posisyon habang nakatanaw sa mga ilaw na nagmumula sa siyudad.


"I love you Alexis. I love you so much." hindi ko napigilan ang sarili ko at pumuhit ako paharap sakanya. Kinabig ko ang  batok nya papalapit sakin at siniil sya ng halik sa labi.

Walang ibang maririnig sa lugar na yun kundi ang tunog ng magkalapat naming labi.

Rinig na rinig ko din ang malakas na tibok ng puso ko.


Wala na akong kawala.

Nakataya na ang lahat sa larong ito.

Puso.

Kaluluwa.

Maging sarili ko.


At kahit alam kong ako lang ang nagmamahal samin dalawa. Kuntento na ako.

Basta maranasan ko lang ang makasama, mayakap, at maangkin ang isang Theo Alexis Ferez.

Kabaliwan para sa iba. Ngunit para sa akin ay ito langit ko.


Parehas kaming naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang aming mga labi.






"Im already falling for you Eliana."


Pumatak ang luha ko mula sa mga mata ko. Ngunit hindi na ito dahil sa lungkot at sakit. Kundi dahil sa labis na kaligayahan.





FATED TO LOVE HIM (HEARTLESS SERIES #2) THEO & ELIANA STORY COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat