Epilogue

17.5K 408 124
                                    

Matteo's POV

Wala nang mas sasaya pa sa feeling ko ngayon. Napakasarap sa feeling na kasama mo na ngayon 'yung taong mahal mo. Wala ng epal, wala nang hadlang.

Hindi ko talaga matiis na hindi siya yakapin sa tuwing makikita ko siya. I really missed him. Mahal na mahal ko ang lalaking 'to. Hindi ko na 'to pakakawalan. Hindi ko na hahayaang magkalayo pa kaming dalawa, lalo na ngayon na sa dami nang napagdaanan namin, heto pa rin kami magkasama.

"Ano ba Matteo. Bakit ba yakap ka ng yakap? Ang daming nakakakita oh!" Sabi niya sa 'kin. Pero hindi ko siya pinakinggan. Yakap-yakap ko pa rin siya at wala akong paki kung maraming tao pa 'yan.

"Eh ano bang paki nila. Baka mamaya eh mawala ka na lang bigla sa tabi ko kaya let me do this, para ma-ingatan kita." Sabi ko naman.

Alam kong I'm overacting now pero wala kayong magagawa, iniingatan ko lang kung ano ang akin.

"Apaka oa mo naman! Tanggalin mo 'yang yakap mo or else..."

"Or else what?"

"Or else... h-hindi na kita p-papansinin."

"Ang tanong, kaya mo ba?" Tanong ko naman.

"O-oo. H-hinahamon mo ba k-ko?"

"Sige. Go, basta hayaan mo lang akong nakayakap sa 'yo."

"Eeeeiiih!" Rinig kong daing niya. Alam kong naiinis na siya kay agad kong tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"Ayan na po." Sabi ko at kunyaring nagtampo. Humalukipkip lang ako at tumingin sa kung saan at medyo lumayo sa kaniya.

Nasa isa kasi kaming park ngayon. Niyaya ko siyang gumala at makapagsaya muna kasama ako then siyempre, pumayag naman siya kaagad.

Marami kaming nagawa ngayong araw. Wala kaming sinayang na oras. Sinulit lang namin ang araw na 'to na kami ang magkasama. Gusto ko kasing punan ang mga panahong wala ako sa mga tabi niya. Gusto ko kasing bumawi sa kaniya gusto ko siyang pasayahin as much as I can para mapalitan ang mga sakit na naidulot ko sa kaniya.

"Ano ba gusto mong orderin?" Tanong sa 'kin ni Ethan.

"Ikaw." Nakangiting sabi ko. Napatingin pa siya sa 'kin at pinipigilan niya 'yung tawa niya at dahil nga medyo mestiso rin siya, halata ang pamumula ng matangos na ilong niya at ang kaniyang dalawang tainga.

"A-ano...ba! A...yusin mo n-nga Matteo!" Nauutal niyang sabi.

"Teka? Bakit Matteo lang tawag mo sa 'kin? Gawa tayo endearment."

"Bakit? Tayo na ba? Bakit gusto mo nang magka-endearment?" Tanong nama niya.

"Hala. Dapat ba tayo na?" Tanong ko naman.

"Oo."

"Kailan mo ba ako sasagutin? Excited na ko. Sagutin mo na ako ngayon." Sabi ko sa kaniya.

"Excited much ah? Hindi naman talaga kita sasagutin e." Sabi niya sa 'kin. Medyo nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko na kahit alam kong biro niya lang  'yun ay nasaktan pa rin ako.

"Sige, oorder na ko." Sabi ko na lang at tumayo at pumunta na sa counter.

"Isa nga pong McDo Fried Chicken, yung spicy po. Dalawang order." Sabi ko sa babang kahera.

Sa sobrang lakas talaga ng appeal ko, noong una ayaw niya pang kumilos, nakatitig lang siya sa 'kin habang lumulunok. Hay nako miss, pasensya ka na, taken na kasi ako nung lalaking pinakamamahal ko.

"At saka po, isang BFF fries. Then yung drinks po, isang coke then pepsi po 'yung isa."

Alam niyo ba kung ano 'yung mga gusto o favorites ni Ethan? Kapag nasa McDo? Siyempre, chicken, tapos yung drinks pepsi tapos may kasama pang BFF Fries at isang katerbang gravy. And I request more gravy, tutal naman may free refill, handa kako ako magbayad para lang sa maraming gravy.

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon