Chapter 35: You and Me (Part 2)

11.5K 367 36
                                    

Ethan's POV

"I-ikaw ang lost brother ko?" Tanong ko kay Raven habang yakap-yakap ako.

Naramdaman ko naman siyang tumango at napaikay na rin ako lalo at niyakap rin siya ng mahigpit.

"P-pero paano mo nalaman ang lahat?" Tanong ko kay Matteo. Tinuro niya yung nasa likod ko who is Matteo.

"Siya ang nakahanap sa'kin. Siya ang nakaalam ng lahat."

Napatingin ako kay Matteo. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. At hinihintay niya lang yung magiging reaksyon ko.

Hindi ko ma-spell yung nararamdaman ko ngayon. Masaya? Super saya? Kagalakan? Ewan ko? Basta masaya ako dahil abg puno't-dulo lahat ng nagaganap ngayon ay si Matteo. Mula sa paghahanap sa kapatid ko at sa set-up. Lahat! I'm very proud of him. At dahil doon kaya ko naisipan at napusuang bumalik sa kaniya.

Magkayakap kami this time. At.pinariringgan ang mga hikbi namin. Hikbi o iyak ng pananabik at saya.

"Matteo. 'Di ko akalain 'tong lahat ng 'to. Lalo na yung pagkakaalam mo sa kapatid ko. Susko. Wala akong masabi. Salamat. Salamat, Matteo."

Bahagya siyang tumawa dahil sa sinabi ko at niyakap niya rin ako ng mahigpit.

"Ano ka ba? Sinabi ko naman na basta para sa'yo, gagawin ko ang lahat diba? Kahit na alam kong galit ka sa'kin, ginawa ko yun! Akalain mo yun no? Basta, para talaga sa'yo gagawin ko. Pero sana ipangako mo na hinding hindi mo na ako iiwan uli."

"Oo, pangako."

"Promise yan a. I love you, Eko!"

"Eko?" Tanong ko sa kaniya. Tumawa lang siya at inakbayan ako.

"Short for Ethan ko."

Parehas kaming natawa dahil sa kamaisan niya. Pero aaminin ko, natuwa ako na angkinin niya yung pangalan ko, yung sarili ko.

Narinig ko namang naghiyawan yung mga tao. Lalo na si Zia a Joshua na nakatapat pa sa mic ang bunganga.

"SO! Let's continue the party!" Sabi ni Zia sa mga bisita niya. Pinanlakihan niya lang ako ng mata at tinawanan.

"Ninong! Ninong!" Tawag sa'kin ni Ian, inaanak ko na anak ni Zia.

"Oh? Inaanak! Happy Birthday!" Sabi ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

"Bakit mo tinatawanan si Ninong?" Tanong ko naman.

Nakita kong lumapit sa'kin si Zia na nakangisi. Ano bang trip ng mga 'to? Nakangisi rin na nakatingin sa'kin tong mokong na katabi ko.

"Bakit ba kayo nakangisi? Mukha kayong mga tanga." Sabi ko sa kanila.

"Hindi naman kasi talaga birthday ni Ian ngayon e." Matawa-tawang sagot ni Zia.

"Ha? T-teka? Wag niyong sabihing?"

"Oo, lahat 'to set-up. Yung invitations, yung venue, pagkain, birthday. Lahat!" Sabi sa'kin ni Zia.

"Set-up? 'Yang mga bisita?"

"Hinatak lang ni Matteo 'yang lahat ng 'yan dito kahit 'di niya kilala."

Sobra akong na-touch sa nga ginawa ni Matteo para sa set-up na surprise na 'to. Hindi pa ako makapaniwal at the first place pero heto na e. Halos patapos na, magpapabebe pa ba ako? Eh inamin naman na sa'kin na set-up pala lahat 'to at ang gumawa ay ang magaling na mokong sa tabi ko na tinatawanan lang ako.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Raven na hinawakan yung balikat ko.

"Uhm? Ethan? Pwede ba tayong mag-usap saglit?" Tanong niya sa'kin.

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon