Chapter 21: A New Start?

13.5K 431 28
                                    

ETHAN:

After nung nangyari sa'min ni Matteo na'yun. 'Di na ako makatulog. Lagi na lang nag-flaflashback sa'kin yung nangyari. 'Di ko makalimutan, 'di ko maiwasang kiligin.

"Ethan?" Tawag niya sa'kin.

Nasa kwarto na kami ngayon, nakahiga, matutulog na. Patay na ang nga ilaw. Tanging ilaw na lang sa kung saan ang nagrereflect sa bintana dito sa kwarto. Tahimik na ang lahat. Tanging tunog na lang ng aircon ang naririnig ko. Napadilat ako nang tawagin niya ako.

"Hmmm?"

Naramdaman kong humarap siya sa'kin. Nakatihaya kasi ako. Kaya napatinin ako sa kaniya.

We're an inch apart.

Ito nanaman ang tibok, bumibilis bigla. One minute, two minutes, three minutes. Hindi ko alam kung ano ang meron sa nga titig niya. Ano ba ang ibig sabihin ng mga nangyayaring 'to? Bakit nangyayari 'to? Pinapaasa lang ba 'ko nito?

"Miss ko na yung bahay na'tin." Bigla niyang sabi. Umiwas na ako ng tingin at tumihaya nang muli.

"Ako din." Sabi ko na lang kahit hindi. Para ngang ayaw ko na bumalik doon e. Natatakot ako. What if one day bumalik nanaman si Matteo sa pagiging, argh! Nevermind.

I sighed then tumalikod na sa kaniya para makatulog na ako ng komportable. Aaminin ko kahit asawa ko siya at okay kami ngayon, 'di ako komportable.

"Bakit mo ako tinatalikuran? May problema ba?" Tanong niya bigla. Kinabahan ako bigla, ano ang isasagot ko?

"Ah- k-kasi..."

Mental blocked. Na mental blocked nako. 'Di ko alam isasagot ko.

"No need to say a word, Ethan. Kung saan ka comfortable, then go. No need to explain, Go lang kung saan ayos sa'yo." Biglang bumaba yung tono ng pananalita niya, feel ko ang lungkot niya. Pero pinigil ko yung nararamdaman ko. Ayokong bumigay ako dahil lang sa ganiyan niya.

"Basta Ethan. Sabihin mo lang sa'kin." Bigla niya ulit sabi. Napakunot ako ng noo.

"Ano naman 'yun?" Tanong ko.

Bigla niya 'kong niyakap. Nanlaki ang mata ko. Bumilis nanaman ang tibok. Bakit ba ganito nanaman? Bakit niya ba kasi ako ginaganito? Alam niya namang kahinaan ko 'to? Bakit niya 'ko pinapaasa na magiging ayos kami tulad nung ibang mag-asawa?

"Kung 'di ka na talaga komportable sa'kin, kung hindi mo na talaga kaya ang pakikitungo ko sa'yo, hahayaan na kitang bumitaw. Pero..."

Pinutol niya yung sinasabi niya. Nacurious ako bigla.

"Pero?" Tanong ko.

"Ethan, parang 'di ko kaya na m-mawala ka, 'di ko kaya na iwan mo ko. 'Di ko kaya na wala ka sa tabi ko. Sa tingin ko, sa dama ko, 'di ko kaya." Napabuntong hininga na lang ako.

Sa tingin niya ba kalakasan niya 'ko na kapag wala ako 'di niya kayang tumayo o gumalaw o gumawa ng kung anong bagay?

"Matteo. Ako rin." Sabi ko na lang. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Bakit ba umiiyak nanaman ako?

"Ethan, hintayin mo ko?" Bigla niyang tanong.

'Di ko siya sinagot. Alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig, hinintay ko na lang ang mga susunod niyang sasabihin.

"Hintayin mo ko. Alam ko hindi pinagaaralan at pinplano ang pagmamahal. Pero, hintayin mo kong matanggap na ang lahat ng ito, at ikaw ay ang siyang nakatadhana sa akin."

"Alam mong mahal na mahal kita, Matteo. Kaya nga kahit ang dami na nating hindi magandang napagdaanan, nandito pa rin ako diba? Mahal kita, hihintayin kita. Hindi yun magbabago. Alam kong matagal, alam kong mahirap. Pero susubukan ko. 'Di ako susuko maliban na lang kung wala na talagang pag-asa. Sana ipakita mo ang sign sa'kin na may pag-asa talaga tayo, yung kasal natin, yung pagiging mag-asawa natin, yung pagsasama natin. Sana 'di lang ako ang mag-work sa'ting dalawa. Hinihingi ko ang tulong mo Matteo? Para sa'ting dalawa? Pwede ba?"

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon