Chapter 38: The Accident

10.1K 307 30
                                    

Ethan's POV

Masayang natapos ang meeting. Nakangiti akong pinapirmahan ang new contract with our new investors. Masaya ako dahil another achievement na magkaroon pa ng isa pang katulong o ka-collaborate ang company namin.

At dahil 'yon sa 'kin.

Agad kong tinawagan sila Papa at mama at ibinalita sa kanila na ka-collaborated na namin ang dati pa nilang target na big time investor.

Super proud naman ang tugon nila sa 'kin. At sabi pa ni papa, "TALAGA NGANG ANAK KA NG ISANG PHILIPP ACOSTA."

Kung 'di niyo naitatanong. Dalawang beses nang nananalo si papa bilang BEST CEO OF THE YEAR. And last year lang siya uli ang hinirang.

Kaya ayaw kong madissapoint sila papa.

Masaya akong lumabas ng office, binabati pa ako ng mga nakakasalubong ko ng congratulations. Lalo na ang sekretarya ko na tuwang tuwa na akala mong nanalo ng Lotto.

"Sir Ethan. Ang galing galing niyo po talaga! Idol ko na po kayo. Lalo na po nung dineretso niyo po sila na in-english kanina." Sabi niya pa. Natutuwa naman ako dahil super abg support sa 'kin nilang lahat. Lahat ng empleyado ko.

"At saka nga pala, sir! Tumawag po si Sir Matteo kanina. Pinapupunta ka na po sa Orphanage. Nandoon na raw po siya, nasa may coffee shop na raw po siya katapat nung orphanage." Untag sa 'kin ng sekretarya ko.

"Okay! Sige pupunta na ako. Akin na pala yung cellphone ko."

"Ito po sir oh!" At saka niya binigay sakin.

Pagkakuha ko non, pumunta kaagad ako sa messages. Madalas kasi after ng meeting ko, nakakatanggap ako bg text mula kay Matteo e. At hindi nga ako nagkamali. Meron nga. Excited naman akong in-open 'yon at binasa kaagad.

"Eko. Punta ka na sa orphange after ng meeting mo ha?  Ingat ka sa pagpunta rito. Ha? Miss na miss na kita. Super excited na ako na makapag-ampon tayo ng panganay nating anak. Ingat ka wah. Nandito ako sa coffee shop katapat ng orphanage kain muna tayo ng sweets. Para pagdating natin sa bahay, sweet tayo parehas. I love you, Eko."

Napangiti ako habang binabasa ko lahat ng text niya.

"Naku si sir oh! Makangiti wagas!" Untag sa 'kin ng sekretarya ko.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay pumara kaagad ako ng taxi para makapunta kaagad sa coffee shop tapat ng orphanage.

"Micha, mauuna na ako ah? Ikaw na magdala niyan sa office." Sabi ko sa sekretarya ko.

"Yes, sir!" Sabi niya sabay tawa. Sumakay na kaagad ako ng taxi at sinabi kung saan ako paroroon. Agad niya aking dinala roon.

"Manong ito po yung bayad." Litanya ko nang nakarating kami don.

Paglabas ko ng taxi, sumabit yung bag ko sa pinto at 'di ko na alam kung ano yung nahulog 'di ko na pinansin 'yon,  tumawid na kaagad ako para pumunta sa coffee shop. Excited na akong makapag-ampon ng baby at excited na rin akong ibalita kay Matteo, ang mga nangyari sa office. 'Wag kayo maingay ah? Surprise ko sa kaniya 'yon. Siguradong matutuwa 'yon.

Pagkatapat ko sa coffe shop, nawala kaagad ang ngiti ko sa labi. Nais ko nang nagpakain sa lupa nang nga oras na iyon, hindi ko alam kung ano ang dapat na naramdaman ko dito. Habang nakatayo sa tapat ng coffee shop habang nakikita ko abf LIVE na pakikipagtukaan ni Matteo sa isang babae na naaninag ko na si ...

"Ellise?" Mahina kong sambit.

Ano ba 'to? Si Matteo ba talaga ang nakikita ko? Nakikita ko na nakikipaghalilan sa dati niyang?

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon