Chapter 5: Reminiscing (Part 4)

16.9K 556 57
                                    

Phillip's POV

Nasa opisina ako ngayon at tinatapos yung mga dapat na kanina ko pa natapos. Gusto ko na rin sanang umuwi para makapag-pahinga na.

Pagkatapos na pagkatapos ko sa mga ginawa ko, agad na akong umuwi. Nagpasundo ako sa driver ko dahil hindi ko kayang mag-maneho, hindi naman sa hindi kaya pero inaantok na kasi ako.

Pagdating ko sa bahay, mahimbing nang natutulog si Margie, ang misis ko. Ako naman ay agad na kumain, pagkatapos ay naligo upang makapagpahinga na.

Bago pa man din ako makahiga, umupo muna ako panandalian sa table ko upang itabi yung ibang papers na nakatambak, and bigla kong nakita yung envelope na pinaglagyan ng sulat noon ni Ethan, ng anak ko.

Agad kong binuksan iyon at binasang muli at muli kong naalala lahay ng sakit na dinanas ng anak ko, emosyonal man o pisikal.

Flashback:

Kasalukuyan akong nasa opisina noon at tinatapos ko ang mga paperworks ko ng may tumawag sa cellphone ko, doon sa ang family ko lang ang nakakaalam ng number na iyon.

Tinignan ko kung sino ang tumawag, ang asawa ko si Margie.

"Hello, Phillip!"

"Hello hon? Why?" Panimula ko.

"Eh kasi, nag-aalala ako kay Ethan anong oras na wala pa din. Tapos ewan ko ba't habang nililigpit ko ang pinagkainan ko ay bigla akong nasugatan at lumakas ang hangin tapos yung picture ni Ethan nung graduation niya nung elementary ay nabasag. Pakitawagan mo nga yun cellphone niya oh! Hindi niya kasi sinasagot yung tawag ko e." Sabi ng asawa ko na halata mong kinakabahan.

"Oo, sige itatry kong tawagan. Kumalma ka diyan, baka ma-high blood ka nanaman diyan. Tatawagan na lang kita kapag nakausap ko na siya? Ok?" Sabi ko sa kaniya at sumangayon naman siya kaagad.

Pagkababa ko'y tinawagan ko kaagad si Ethan. Nagring naman ito pero sa duloy walang sumasagot. Tinry ko ulit at laking tuwa ko ng sumagot siya.

"Hello anak! Nasa-" Naputol ang pagsasalita ko ng marecognize ko na babae ang sumagot ng tawag ko. Babaeng humahangos.

"Hello? Kamag-anak po ba ito ni Ethan?" Tanong sa akin nung babae.

"Oo bakit? Tatay niya ako. Sino ka?"

"Ahm, Mr. Acosta? Nasa ospital po ang anak niyo ngayon malala ang lagay dahil sa aksidente sa kalsada pu-" Pinutol ko na yung sinabi niya at tinanong kung saang hospital.

Pumunta na kaagad ako ng hospital at hinanap ko kaagad si Ethan kaya lang nasa operating room palang daw siya.

Makalipas ang ilang oras ng paghihintay lumabas na yung doctor.

"Doc, ano pong lagay ng anak ko?"

"Ikaw po pala ang ama, dederetsahin ko na po kayo sir. Malala po siya, ang posibleng cause ng malalang car accident na iyon ay coma. Dahil po sa pagkakaroon ng internal bleeding sa kaniyang utak. Ililipat na po siya sa room 77 kung saan po natin siya hihintayin magising nasa 8 to 10 months po katagal bago siya magising. Actually, naoperahan na siya hinihintay na lang pong muling magfunction ang kaniyang utak. At kung magising siya ay babalik na sa dati ang lahat pero ipagdasal po natin ng 100% na magigising pa siya at kung magising man siya'y wag niya sana kayong makalimutan. Habang siya'y natutulog ay kausapin niyo siya. Naririnig niya kayo. Excuse me po sir magrorounds lang po ako." Sabi ng doctor sabay umalis.

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon