Chapter 39: He's Awake

9.4K 348 28
                                    

Ethan's POV

Laking tuwa ko nang sabihin sa 'kin ni mama na nagising na si Matteo. Para bang natanggalan ako ng tinik sa dibdib.

Masaya akong pumasok ng ICU pero wala kaming nakitang gising na Matteo. Nakapikit pa rin siya at walang malay.

"Doc, a-akala ko po ba gising na ang anak ko?" Tanong ng tita ni Matteo kay Doc.

"Opo, gising na po siya. Bumalik na rin po yung normal heartbeat niya kaya tinanggal na po namin yung oxygen sa kaniya dahil from my observation, normal na rin po yung paghinga niya. Ang ioobserve na lang po natin ay ang paggising niya. Pwede pong after an hour or a day, magising na siya. 'Yun lang po, excuse me po. Mag-rorounds pa kami." Sabi ng doktor.

Inilipat na si Matteo sa isang Private Ward para doon i-confine.

Hindi na natanggal ang ngiti sa 'king labi dahil ilang oras na lang, magigising na si Matteo at mawawalan na ako ng tinik sa dibdib.

Nilapitan ko si Matteo at muli, hinawakan ko ulit siya sa kamay.

Yumuko ako habang hawak hawak ko ang kaniyang kamay at muling nagdasal.

Hiniling ko na sana, tuloy-tuloy na ang paggaling niya. Na sana after ng mga nangyari ay okay pa rin siya at walang nawala sa kaniya at ang panghuli, sana ay hindi niya ako makalimutan, ayokong dumating sa point na tatanungin niya ako kung sino ako at itataboy niya ako kapag sinabi kong asawa ko siya.

Pinilit kong matulog habang nakayuko pero hindi ko magawa. Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Matteo. Hindi rin maalis ang excitement ko na magigising na siya, magkakausap na kami at makakapag-sorry at thank you na ako sa kaniya.

"Ethan?" Rinig kong tawag ni tita.

"Po?" Walang buhay na sagot ko.

"Magpahinga ka muna anak. Kanina ka pa dito e. Uwi ka muna nang makapagpahinga ka ng maayos. Ako muna dito kay Matteo."

"Ay, gustuhin ko man po pero mas gusto ko po na nandito muna ako sa tabi ni Matteo. Gusto ko po paggising niya ako ang makita niya."

"Ah, ganoon ba? Sige, kung ayan ang gusto mo, matutulog muna ako anak ha? Doon lang ako sa sofa." Paalam sa 'kin ni tita.

"Sige po."

Huminga ako ng mamalim. Kahit na abutin ako ng ilang araw para lang intayin kang magising, gagawin ko.

"I love you, Matteo." Sambit ko at hinalikan ang kaniyang kamay at saka yumuko at pinilit na makatulog.

*****

"E-ethan?" Rinig kong tawag sa 'kin mula sa likuran ko. Kahit hindi pa ako humaharap at tila ba kilala ko na kung sino ang tumatawag sa 'kin at napangiti ako ng sobra dahil doon.

"Ethan, ikaw ba yan?" Rinig ko ulit na tawag sa 'kin ng lalaki mula sa likuran ko na alam ko namang si Matteo 'yon.

"Oo, ako 'to! Bakit?" Nakangiti kong tanong nang 'di pa rin humaharap.

"H-help me, Ethan!" Malungkot na sabi niya. Napakunot ang noo ko at napaharap bigla.

"M-matteo? A-anong nangyari?" Tanong ko naman.

Lalapit sana ako pero sa bawat paglapit ko ay siya namang paglayo niya sa 'kin.

"E-ethan!" Muli niyang tawag sa sa 'kin.

"M-matteo!" Tawag ko ring muli sa kaniya.

Hanggang sa tumakbo na ako sa kakahabol sa kaniya pero wala pa rin, layo pa rin siya nang layo at habol pa rin ako ng habol.

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon