Chapter 41: A Day of Painfulness

9.6K 359 23
                                    

Ethan's POV

Agad kong sinagot ang tawag ni papa. Para kasing gumaan yung pakiramdam ko, baka may good news siya kay Matteo.

"Hello papa!" Bati ko sa kaniya.

"Ethan."

"Ethan, we need to talk."

Seryoso yung boses ni papa. Hindi ko alam kung positive or negative yung pag-uusapan namin pero kinakabahan ako, natatakot ako.

"Papa, kailangan ba 'yan? Masyadong importante ba 'yan? Aboutba sa work sa off-"

"About sa inyo ni Matteo. Pumunta ka dito sa bahay, sa office ko to be exact. And 'wag ka nang magtanong pa."

"Pero pa-" bigla niya nang binaba yung tawag. Nakatingin lang sa 'kin ng diretso si Teejay. Alam kong narinig rin niya yung mga sinabi ni papa.

"Ano? Pupuntahan mo ba?" Bigla niyang tanong sa 'kin.

"Oo, itatry ko. Ba-baka may good news na about kay Matteo."

"Tara, puntahan na natin?" Sabi niya sa 'kin.

"Sasamahan mo ako?" Tanong ko.

"Oo, I want to spend time with you bago ako umalis. Gusto ko iadvance ang birthday mo."

"'Wag ka na kasi umalia. Oh kaya, after birthday ko na kang at saka ka umalis."

"Gustong-gusto kong gawin 'yan Ethan. Gusto ko after birthday magkaroon tayo ng bonding. Sa beach, sa resort at sa kung saan man na makakagawa tayo ng moments na 'di natin makakalimutan. Kaya lang, hadlang talaga yung tatay ko. Naturingan pa naman na tatay ko pero pinahihirapan ako lagi na lang niya akong iniipit sa mga sitwasyon."

"Hayaan mo na. Sure naman ako ako may dahilan daddy mo. At saka hayaan mo na lang, daddy mo 'yun. Kahit baligtarin man ang mundo, he's still your dad."

"Ewan ko feel ko ampon niya lang ata ako. Pinahihirapan niya kasi ako lagi. At saka puro na lang siya business."

Bumuntong hininga siya. Ngayon ko lang nakita totally si Teejay na ganito. Umiiyak, seryoso at naglabas ng sama o hinanakit sa puso. Yung Teejay na palabiro, palaasar, matapang, malibog at palamura, may ganiyan din palang side.

"Andito na tayo." Sabi niya sa 'kin. Dumungaw ako sa bintana at nandito na nga kami sa tapat ng gate ng bahay nila Matteo.

Paglabas ko ng sasakyan, feel ko na yung masamang hangin. I don't know kung ano yung nafefeel ko pero I think hindi okay.

"Tara pasok tayo, Teejay." Yaya ko sa kaniya.

"No. 'Wag na, ikaw na lang. Iintayin na lang kita rito sa sasakyan."

"Sure ka ah?"

"Oo, baka mamaya may dumaanpang chixx dito, eh sa gwapo kong 'to, mapapansin ako nun!"

"Nakooo. Ikaw talaga! Bahala ka nga diyan."

"Okay. Kapag may problema, tawagin mo lang ako." Sabi niya sa 'kin. Tumango naman kaagad ako at agad na pumasok sa loob.

"At hindi nga ako nabigo. Pupunta ka nga."

Nagulat ako sa nagsalita at napalingon kaagad ako at nakita ko kaagad si Papa na nakaupo sa bench ng garden nila.

"Papa, ano po ba yung pag-uusapan natin?" Tanong ko.

"Mamaya mo na ako tanungin. Pumanhik ka na sa taas at doon tayo sa office ko. Nadoon yung papel na kailangan ko para sa 'yo."

Papel? Anong papel 'yun?

Hindi na ako nagtanong pa. Ramdam ko na iba yung mood ni papa kaya pumasok na kaagad ako sa loob at pumanhik at pumasok sa office ni papa.

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon