Chapter 6: The Present

20.3K 613 38
                                    

NAGISING ako dahil sa lamig. Kaya tumayo ako at pinatay yung aircon. Tinignan ko yung oras, alas sais na pala. Kaya tumayo na ako para mapaghanda si Matteo ng breakfast.

Pagbaba ko buti wala pa siya. Kaya nagluto na ako ng breakfast. Pagkaluto ko, narinig ko na siya na umupo na sa hapag at naghintay ng makakain, kaya inihanda ko na yung breakfast niya. Papanihk na sana ako dahil ayaw niya na kasabay ako kumain kaya lang, bigla niya akong tinawag.

"Ethan?" Tawag niya sa akin.

"Ba-bakit?" Tanong ko.

"Sabayan mo ako kumain." Utos niya. Ayoko namang masira ang araw niya kaya tumanggi ako.

"Ethan naman! Umupo ka na." Sabi niya uli.

Wala na akong nagawa, umupo na ako at nagsimula kumain. Hindi ako tumapat sa kaniya para hindi kami magkaharapan, nakaka-ilang rin kasi.

Pero pagkatingin ko sa kaniya, namumutla siya. Hindi ko alam kung bakit. Kaya nilakasan ko ang loob ko para magtanong.

"Matt. Ba-bakit? Namumu-tla ka?" Medyo ilang ko pang tanong.

Nagulat ako dahil kinalampag niya yung lamesa na ikinagulat ko. At sabing "Pwede bang kumain ka na lang diyan, Ethan?"

Nanahimik na ako at kumain pero hindi ko maiwasang tumingin at mag-alala sa kaniya.

"By the way, Matteo. Dito ka ba maghahapunan?" Tanong ko. Pero hindi siya sumagot, hinayaan ko na lang siyang kumain para matapos na rin agad yung akward moment na 'to.

Wala akong gana. Parang ayokong kumain. Kaya isa isa lang halos ang isinusubo ko. Isang subo parang ang tagal kong nguyain, parang hindi ko malunok. Hanggang sa matapos si Matteo at napatingin siya sa akin.

"Wala ka bang balak kainin ng maayos yang pagkain mo?" Tanong niya sa akin.

"Ah, eh, di ko muna kakainin. Di naman ako nagugutom. Mamaya ko na lang siguro itutuloy." Sabi ko. Tumayo siya at padabog na inusog yung upuan. Pumanik na siya sa taas at naligo.

Niligpit ko na yung pinagkainan niya at pagkatapos ay kinuha ko yung laptop ko. Titignan ko kung may umoorder na nung paintings ko at hindi ako nagkamali meron nga.

"Goodmorning. I like to buy your cubism painting. Pwede ba by tommorow ko na makuha?"

Nagreply naman ako kaagad.

"Sure. Pakifill up na lang po yung form na isesend ko sa iyo."

Sinend ko na yung form through electronic form or email.

Maya maya pa'y nasagutan na niya ang form.

Raven Arice De Ocampo yung name niya and naka-tira siya malapit lang din dito, pero it takes time para maglakad.

"Magkita na lang po tayo tommorow by 8 in the morning sa may Espinonzo Plaza." Reply niya.

"Sure. Malapit lang kami doon." Reply ko ulit. Pero di na siya nagreply.

Binaba ko na yung laptop ko at nanood ng tv. Ano ba yan! Puro cartoons.

Boring. Kaya pinatay ko na lang yung tv and humiga na lang sa sofa at sinubukang matulog.

Maya maya'y may naramdaman akong tumabi sa akin at may yumuyugyog.

"Ethan. Uy. Gising!" Sabi ng isang lalaking ang gwapo ng boses. Dumilat ako at nakita ko si Matteo nakangiti habang katabi ako at hawak ang kaliwa kong pisngi at hinalikan ang noo ko.

"Sorry sa lahat Ethan. Lahat lahat ng nagawa ko sayo ay pinagsisisihan ko na. Ayokong mawala ka sa akin one day. Kaya sana mapatawad mo ako. Ngayon ko lanf narealized na mahal na mahal pala kita. Sorry talaga sa lahat Ethan. Sana bigyan mo pa ako ng second chance. Alam kong maliit na yung space ko diyan sa puso mo dahil sa pinaggagagawa ko sayo, pero sana bigyan mo pa ako ng second chance para maipadama ko sayo na mahal na mahal kita. Hindi ko pala kayang magisa. ayokong tumanda ng magisa." Sabi niya.

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon