Chapter 16: Quality Time

13.8K 414 7
                                    

NANG makalabas kami ay dinala niya ako sa lugawan. Kumakain pala siya sa mga ganito? Ang akala ko hindi.

"Kumakain ka pala sa mga ganito?" Tanong ko sa kaniya

"Oo naman."

"Alam mo bang favorite naming kainan 'to ni lola?" Sabi niya sa akin.

"Namiss ko to eh. Kaya okay lang. Pag hindi mo maubos ibigay mo sa akin." Dagdag niya pa.

Hindi niya ba alam na paborito ko lugaw at mami?

Tumayo na siya at pumunta sa counter then nagulat ako nang may lumapit na babae sa kaniya. Haha, siguro childhood friend niya nanaman 'to?

Maya maya ay pumunta na si Matteo sa pwesto namin na may dalang tray na may mami and goto.

"Ow. Ethan!" Tawag niya sa akin.

"Matteo. Sino yang kasama mo? New friend?" Tanong nung babae sa kaniya. So tono na nangaakit.

"Michelle. I want you to meet Ethan my husband." Pagkasabi niya non ay kumunot ang mukha nung babae at napanganga. Haha, ang pokpok kasi e.

"Asawa mo? Bakla ka Matteo?" Mahina pero may gulat niyang tanong.

"As you see." Sabi ni Matteo sabay ngiti. Tinanggal niya rin yung kamay nung Michelle na humahawak sa kaniya.

"So ngayon nalaman mo na. Tigilan mo na ako!"

"No. Hindi ako naniniwala. Fake lang kayo! Nagpapanggap lang kayo!"

Lumapit sa akin si Matteo at bigla akong hinalikan sa ilong. Sht! Hi...hi...hinalikan niya ako?

"Oh! Di pa rin ako naniniwala." Sabi nung babae sabay takbo palabas ng lugawan.

"Sino yun?" Tanong ko.

"Wala yon. Mga walang kwentang tao dapat hindi pinapansin. Gustong-gusto kasi ako nun eh. Patay na patay kasi sa akin. Lintek!" Tumawa siya ng malakas at nagsimula nang lantakan yung lugaw.

"Hindi ka ba kumakain ng lugaw?" Tanong niya sa akin.

"Syempre. Kumakain!"

"Eh mami?"

"Kumakain ako ng lugaw at mami, ok? Favorite ko to. Lalo na yung maming gala!" Sabi ko sa kaniya.

"Favorite mo rin 'to? Parehas tayo, babe!" Sabi niya sa akin. Nagulat naman ako sa pagtawag niya sa akin ng babe.

"Babe oh!" Sabi niya sabay abot sa akin ng paminta, lagyan ko daw yung lugaw ko. Pagkatapos kong lagyan ay dumating pa yung inorder niya na tokwa at baboy.

"Lagyan mo suka yung tokwa't baboy, babe!"

Naiilang ako sa babe niya!

Pagkatapos naming kumain ng lugaw at tokwa't baboy yung mami naman yung kinain namin. Parang maming gala rin pala to dahil unli sabaw din.

Nabusog ako. Ayoko na! Ang sarap, parang gusto ko pa.

"AHHH!" Ang sarap sabi ni Matteo sabay inat. "Sira nanaman ang tiyan ko nito. Mawawala na tuloy yung pandesal ko na gustong gusto ng babe ko!" Sabi niya sa akin sabay kindat.

Napakagat ako ng labi para mapigilan ko yung kilig ko. Tangna naman kasi e.

"Huuuu. Si babe naman."

"Stop it!" Sabi ko.

"Ang alin? Yung babe?"

"No. Nangaasar ka kasi e."

"Naaasar ka naman?"

"Ikaw kasi e!"

"Tara na nga uwi na tayo!" Pagtayo ko ay naramdaman kong inakbayan niya ako. Shems Matteo.

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon