Chapter 34: You and Me (Part 1)

12.1K 382 56
                                    

Raven's POV

Nagising akong hubad pati na rin 'tong katabi ko. Ang sakit ng ulo ko. Feeling ko rin, pagod na pagod ako.

Nang nagising 'tong si Kyle, bigla na lang nang-agaw ng kumot.

"Oy, akin na nga yang kumot!" Sabi ko kay Kyle dahil kinuha niya yung kumot para makapunta sa banyo at para pantakip sa hubad naming katawan. Pero nahablot ko uli ito at ipinantakip sa katawan ko para makapunta rin sa banyo.

"Ako ang nauna diyan e. Akin na yan!" Sabi naman niya sa'kin. Ay, ang kapal ng mukha. Akin re, uy!

"Bakit? Kanino bang bahay at kwarto 'to? Baka gusto mong isumbong kita sa manager mo?" Pananakot ko sa kaniya.

Sinimangutan na lang niya ako at nag-pout pa.

"Isusumbong? Baka ikaw ang isumbong ko sa police dahil sa ginawa mo sa'kin!" Pananakot naman niya sa'kin. Napakamot ako sa ulo habang tinitignan ko siyang tumakbo papunta sa banyo.

Ano ba naman kasi! Ganoon ba ako kalasing kagabi at hindi ko matandaan at ma-realize man lang ang mga pinaggagagawa ko. Tangina, Raven!

Tinignan ko ang puting bedsheet ng higaan ko. Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa pulang likido na mantsa bg bed sheet ko. Shit! Lalo kong sinabunutan yung sarili ko. Talaga bang hindi ko kaya ang sarili ko pag lasing? At kung ano-ano ang nagagawa kong kagaguhan?

Habang hinihintay ko siyang matapos maligo, ang dami kong naiiisip. Nahagip rin ng ala-ala ko ang mga sinabi ni Matteo sa'kin kagabi. Tinatanong ko sa sarili ko kung maniniwala ba ako at walang gaguhang nagaganap doon.

Pero ramdam ko sa sarili ko, totoo iyon at walang halong kagaguhan. Ayaw man maniwala ng buong katawan ko pero yung puso at isip ko, parang dinidiktahan ako.

Si Ethan? Kapatid ko? Hindi ko maisip na mangyayari 'to? Bakit si Ethan pa? Sa dinami-rami ng taong pwedeng maging kapatid bakit si Ethan pa? Bakit hindi na lang yung iba? Bakit si Ethan pang mahal ko.

Hindi ba parang immoral na mahalin ng higit sa kapatid, magustuhan at mahalikan sa labi si Ethan? Anong magagawa ko? Hindi ko naman alam na kapatid ko pala siya.

Bakit kasi si Ethan pa?

At saka anong magagawa ko? Ayon nang nararamdaman ko na gusto ko si Ethan. Pero iba na ngayon. Lalo na kung malaman ni Ethan ang totoo. Magiiba ang ihip ng hangin sa aming dalawa. Magkakailangan kaya kami? 'Di ko maiwasang mapaisip.

Gusto ko nang makalimutan ang lahat. Ayoko nang maalala. Gusto ko paggising ko isang umaga, okay na ang lahat at hindi na sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

Napatingin ako kay Kyle na kakatapos lang maligo at half naked. Si Kyle? 'Di ko maitatanggi. Sexy, cute at makinis. Bakit nga ba hindi ko subukan?

Ethan's POV

Napabalikwas ako ng tayo sa higaan dahil alas siete na pala ng umaga. Napasarap ang tulog ko dahil sa pagod dahil kung ano-anong meeting ang innattendan ko kahapon.

Nagmadali na akong naligo o gumayak. 'Di ko na inayos ang buhok ko. Sinuklay ko na lang ng kamay ko.

Pagbaba ko ng hagdan, niyayaya pa akong kumain ni mama pero tinanggihan ko lang iyon dahil late na late na ako sa meeting ko.

Pinaharurot ko na ang sasakyan papuntang office.

Pagdating ko sa opisina ko, may nakita akong maliit na white envelope sa table ko.

NINONG ETHAN BUENAVENTURA & FAMILY ito yung nakalagay sa may likod ng envelope. Invitation ata. Sabi ng secretary ko, may nagbigay daw na babae na pangalan ay Zia.

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon