Chapter 42: Differences of Wish and Will

11.9K 382 84
                                    

Ethan's POV

Nagising ako noon dahil sa lamig, hindi ko alam kung nasaan ako pero nang magising ang diwa ko saka ko lang nalaan na nasa sasakyan pa rin ako ni Teejay.

"Teejay?" Tawag ko kay Teejay pero walang Teejay na sumagot. Pero naaninag ko si Teejay na nasa may 7/11 kaya naging panatag na ang loob ko.

Huminga ako ng malalim at muli kong naalala ang lahat ng nangyari. Bakit ba parang ang lupit ng tadhana sa 'kin? Sa 'min ni Matteo. Bakit parang hindi ata talaga kami ang para sa isa't-isa?

Siguro naman this time, kakayanin ko na wala na si Matteo sa buhay ko? Kakayanin ko kaya?

Maya-maya pa'y nakita kong papalapit na sa 'kin si Teejay at may hawak siyang isang can ng beer at mogu-mogu then isang malaking Cheezy.

"Oh! Inom ka muna!" Sabi niya at inabot sa 'kin yung mogu-mogu, alam niya kasing gusto ko 'to lalo na yung lychee.

"No!" Sabi ko sa kaniya at hinablot yung isang can ng beer niya at tinungga iyon. Hindi ko kailanganng mogu-mogu, beer ang kailangan ko ngayon.

"Bumili ka ng marami!" Utos ko sa kaniya.

"Ano ba 'yan, akin 'yan e." Sabi niya sa 'kin. Siguro sa sobrang uhaw o gutom niya ininom na lang niya 'yung mogu-mogu.

"Bumili ka pa ng maraming beer. Oh kaya, bumili ka na lang ng isang litrong emperador brandy. Dali na! Kailangan ko ng alak." Sabi ko sa kaniya.

Kakamot-kamot siyang pumunta ulit ng 7/11 at natanaw ko na bumili ng maraming beer. Sabi ko isang litro ng emperador e.

"Oh!" sabi sa 'kin ni Teejay sabay abot ng isang can ng beer.

Naubos ko ma kaagad yung beer na hinablot ko sa kaniya kanina. Hindi ako malakas sa alak, hindi nga ako umiinom ng alak e. Pero ewan ko, baka sakalaing mawala nang panandalian lahat ng sakit kapag uminom ako.

"Alam mo, Ethan..." biglang sabi ni Teejay.

"Ano?" Tanong ko sa kaniya.

"Dapat hindi ka pumayag. Dapat hindi mo pinirmahan 'yung divorce papers." Sabi niya.

"Bakit naman?"

"Dahil ipinakita mo na mahina ang loob mo at hindi ka sanay maghintay. Ethan hindi ko alam kung saan ko nahuhugot yung lakas ng loob ko pero ramdam ko na pagsubok lang 'yang pinagdadaanan mo. Sa palagay ko kasi pwede pa talagang mabalik yung ala-ala ni Matteo. Dapat hindi ka sumuko."

"Pero, paanong hindi ako susuko? Eh yung papel na 'yun e may pirma na ni Matteo." Sabi ko naman sa kaniya.

"May pirma na?" Gulat niyang tanong sa 'kin.

"Oo. Kaya nawalan na ako ng pag-asa. At saka..."

"At saka i-eengage na sila ni Ellise." Pinilit kong ngumiti. Sana maging masaya na talaga si Matteo.

"Ganoon na lang 'yon? Hindi mo ipinaglaban?" Tanong niya sa 'kin. Bigla siyang tumayo then tumakbo hindi ko naman alam kung saan siya pupunta pero napansin ko na malapit pa rin kami sa bahay nila Matteo. Then, nakita ko si Teejay na nasa tapat ng bahay nila Matteo at kumakatok sa gate.

"Shit! Teejay, ano bang binabalak mo?" Sabi ko sa sarili ko.

Tumakbo ako at nilapitan si Teejay pero napahinto ako nang nakita kong si Matteo ang nagbukas ng gate.

"Ano 'yun?" Tanong ni Matteo at nakakunot yung noo niya.

Walang sinagot si Teejay sa tanong ni Matteo bigla ko na lang nakita na tumama yung kamao ni Teejay sa mukha ni Matteo kaya napakaripas ako ng takbo at inawat si Teejay.

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon