Chapter 36

44 1 0
                                    

[Johann's POV]

"Anong kailangan mo?" agad kong tanong ko sa tumatawag sa akin.

"Hindi.."

"Anong hindi?"

"Hindi na ako.."

"Emily, sagutin mo ako ng maayos! Ano bang hindi?!" Oo, si Emily ang tumawag.

"Johann.. hindi na ako makakapaghintay pa. Please, bumalik ka na."

Pinagsasabi nito? Ano ba ang babalikan ko? Hindi naman ako committed sa kanya ah?

"Hindi pa natatapos ang isang buwan."

"Hindi na nga ako makapaghintay pa!" bigla niyang sigaw. "Sa ayaw mo't sa hindi, babalik ka na sa akin."

Anak ng一!

"I can't do that!"

"Of course you can! Hiwalayan mo na si Jana! Ngayon din!"

Hiwalayan si Jana? Hindi ko makakaya yun.

"Look, I can't do that now."

"If you can't, then I'll wait 'til the end of your movie promotion. Dapat sa pagkatapos ng movie premier nun ay sasabihin mo nang hiwalay na kayo ni Jana at ako na ang karelasyon mo. Kung hindi magagawa ang gusto ko, pwes ako na mismo ang sisira sa negosyo ng mga kaibigan mo o di kaya ay sasaktan ko ang mga kaibigan mo. Ayus ba yun?"

"Emily, you ca一"

"What? I can't do that?" She cut me off, "We'll see about that...tomorrow."

Di na ako nakaangal pa dahil binaba na niya yung tawag.

Tomorrow? Ano naman ang gagawin niya bukas?

"Bud.." nagulat naman ako nang tawagin ako ni Dong Won. "May problema ba?"

"Oo bud.. si Emily. Gusto na niyang tapusin ang relasyon namin ni Jana."

"Hindi ka naman papayag di ba?"

"Syempre hindi. Pero bud, natatakot ako para sa inyong lahat. Ang sabi niya kayo ang sasaktan niya kapag hindi ko sinunod ang gusto niya."

"Lakas ata ng tama niya sa'yo."

"Matagal na. Kaya nga di ko nasabi kay Jana na mahal ko siya dati, 'di ba?"

"So, anong plano mo ngayon?"

"Sasabihin ko kay Jana lahat. Ayokong maglihim sa kanya at ayoko rin siyang saktan."

Tinapik ni bud yung balikat ko, "Sige bud. Suportado kita. 'Wag kang mag-alala sa amin. Magiging alerto kami palagi."

"Salamat bud."

Bumalik na kami sa loob pero wala na si Jana sa upuan niya.

"Asa'n si Michelle?" tanong ko.

"Andun sa kusina." sagot naman ni Angela kaya pumunta agad ako doon.

Bigla namang may narinig akong nabasag sa loob. Pagsilip ko, nakayuko si Jana at nakahawak sa isang daliri niya habang nakaharap sa basag na baso.

"Michelle..?" tawag ko at napatingin naman siya sa akin.

"K-kurt.." nauutal niyang sabi.

Lumapit ako sa kanya at napansin kong pilit niyang tinatago ang isang kamay niya.

"Anong nangyari diyan?"

"W-wala 'to.."

"Jana."

Only You 『 E D I T I N G 』Where stories live. Discover now