Chapter 32.2

49 1 0
                                    

**

"Dee.."

"Dee.."

"Huy Dee.." napatigil ako sa pag-iisip nang may yumuyogyog sa balikat ko.

Paglingon ko sa likod, nakita ko ang mukha ng pinakamagandang babae sa paningin ko.

"Ahh Mee.. bakit?" tanong ko.

"Kanina pa kita tinatawag pero di ka kumikibo." sagot niya habang nakanguso.

Hahalikan ko dapat siya pero bigla niyang isinalubong sa mukha ko ang palad niya.

"SPG ah.. Baka nakalimutan mo, nasa harap natin ang mga estudyante." sabi niya kaya napalingon ako sa kanan.

Nakangiti ang mga estudyante sa amin at bigla na lang kaming tinukso.

Grabe pala yung pag-iisip ko. Hindi ko napansin na tapos na pala yung break at nakabalik na ang mga estudyante.

"Miss! Wag na lang kayong maglecture, story telling na lang." sabi nung nasa likod.

"Ano kayo? Mga bata?" tanong ko.

"Hindi naman yung pambatang kwento eh. Yung kwento nyo na lang." sagot naman nung nasa harap.

"Hmm.. mauubos ang buong araw natin diyan."

"Edi mas mabuti! Di ba po  last day niyo na bukas?"

"Bukas? Bakit? Anong araw na ba ngayon?" tanong ko.

"Huwebes." sabay kaming napalingon sa pintuan kung sa'n pumasok sina Nicole at Michael.

Medyo nakakalakad na si Michael pero kelangan pa rin siyang alalayan dahil minsan ay biglang sumasakit ang paa niya.

But putting that aside, Thursday na pala ngayon? Ambilis ata ng araw. Parang Lunes pa kahapon ah?

"Ohh okay. Sige, magkkwento na lang kami." sabi ko at nagsigawan naman sila sa saya. "Pero tahimik muna. Nakakabingi na ang sigawan niyo." agad naman silang huminahon pagkasabi ko nun.

Sa natirang 3 oras ay nagkwento lang kami sa kanila. Ikinuwento namin ang mga pinagdaanan namin sa MSD dati at nagustuhan naman nila.

**

"Ha? Anong 9am pa? Diba 8 magsisimula ang klase?" sunodsunod na tanong ni Jana kay Gladys habang nag-uusap sila sa cellphone.

Nasa bahay ko kami ngayon since ang utos ni Jiro ay dito muna sila tumira dahil may ipapaayos lang siya sa bahay ni Jana.

Kung ano man yun, hindi ko po alam *iling iling*

"Okay.. sige sige.. Ha? report?.. Ah yeah.. We're still doing it right now.. Okay bye."

"Anong sabi?" tanong ko.

"Instead of going to school by 8, 9 na lang daw. Tinanong ko siya kung bakit pero di niya rin alam. It was what Miss Roxanne told her." sagot niya habang pumipwesto sa tabi ko.

"Ahh.. okay.."

"Natapos mo na ba yung report?" tanong niya.

"Yep." Inabot ko yung dalawang bondpaper na nakapatong sa center table at ibinigay sa kanya. "Exact 1500 words yan. Walang labis, walang kulang."

Only You 『 E D I T I N G 』Место, где живут истории. Откройте их для себя