Chapter 48

8 0 0
                                    

[Johann's POV]

"Johann, why don't you go grab something to eat downstairs. I'll watch over Jana." Sabi sakin ni ate.

"Okay."

I held Jana's hand and squeezed it for a bit, "I'll be back." I said before letting go.

Lumabas ako ng silid at nagtungo sa 1st floor kung nasa'n yung canteen. Medyo marami nang tao pero di pa naman puno.

I ordered wheat bread and milk and spent a while in the canteen finishing up what I've bought.

Di rin nawala yung mga matang nakatingin sa akin. Pa'no ba naman kasi, isang sikat na artista (not to brag or anything), nandito sa canteen kumakain nang mag-isa at tanging wheat bread at gatas lang ang nilalamon.

"H-hi." Napaangat ang ulo ko nang may lumapit na babae sa akin at may hawak na papel at ballpen

She's not serious, is she?

"Yes?" Nakangiti kong sagot sa kanya at bigla namang namula ang mukha. Hayy.

"U-uhmm, pwede magpa-autograph?"

Sa tanong niya'ng 'yon, nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi naman sa ayaw ko, it's just that, napaka-disrespectful lang ng ginagawa niya.

"Sigurado ka ba na bibigyan kita ng autograph?" I asked, catching her off guard.

"O-oo naman! Wala ka namang rason para mag-decline. It's just an autograph."

Tsk.

"Miss, may idea ka ba kung bakit nandito ako ngayon?" I asked.

"Nandito ka para bisitahin si Jana." She answered confidently.

"Mali ka."

"What? Kung ganun, anong ginagawa mo dito? Nagpapasikat?"

"You're mistaken, again. I'm not here to visit her nor even staying here as a show-off. Nandito ako dahil ako ang nag-aalaga sa kanya. I'm here today just like any other person here taking care of their loved ones. Hindi naman kasi ako ganung tao na magpapakasaya habang nasa hindi magandang kalagayan ang mahal ko sa buhay. And you should have realized that yourself bago mo naisipang pagsamantalahan ang presensya ko dito para lang sa isang autograph."

Di naman siya nakapagsalita pagkatapos kong sabihin yun. I looked around and noticed that everyone else was looking at us.

Tumayo na ako at kinuha yung natirang bottle ng gatas.

"Now, if you'll excuse me, kailangan ko nang bumalik." I told her and left.

Pagkalabas ko ng canteen, nakasalubong ko si Nicole.

"Kuya!"

"Oh, Nicole. Akala ko mamayang hapon ka pa babalik?"

Ang sabi niya kasi kahapon, sa hapon pa siya babalik. Pero mukhang napaaga ang pagbalik niya.

"Ehhh, boring kasi sa bahay. Wala rin naman si ate Lorns dun since pinauwi muna siya tapos sina Chiba at Kawaii, nasa mansion naman. Kaya naisipan kong bumalik dito at hintayin na lang na magising si ate."

Puno ng optimism ang mukha niya nang sabihin ang huling linya.

"Oh, and, I bought fruits." Dagdag niya at itinaas ang plastic bag na bitbit niya.

"Tara na sa itaas." Sabi ko at tumango naman siya.

Pagkabalik namin si kwarto ni Jana, nandun na si Emily at Jerald.

"Napayagan ka na rin sa wakas ni doc?" Tanong ko kay Jerald.

"Oo. Kabagot na rin kasi sa kabilang kwarto. Pakiramdam ko mas manghihina lang ako kung di ako makalabas dun." Sagot niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Only You 『 E D I T I N G 』Where stories live. Discover now