Chapter 27

58 0 0
                                    

[Johann's POV]

"Ano ba naman kayo! Pabigla-biglang manghihila." pagrereklamo ni Jana pagkarating namin dito sa rest house.

Pa'no kasi, bigla na lang kaming hinila nina Gladys at Eric pagkatapos nung laban namin. Di tuloy namin nakuha yung trophy.

"Walang oras na dapat sayangin lalo na 'pag maraming fans diyan sa paligid. Mahirap na kapag bigla kayong dumugin." pagpapaliwanag ni Gladys at tsaka umupo sa sofa.

"Mag-thank you na lang kayo kesa magreklamo." sabi ni Eric.

"*sigh* Arigatou ne~" pabuntong hiningang sagot ni Jana.

Lumapit ako sa kanya at binigay yung tubig na kanina ko pang bitbit.

"Oh, inom ka muna." sabi ko at napatingin naman siya sa akin.

"S-salamat." kinuha niya iyon at tsaka binottoms-up ang laman.

I patted her head, "I know you're hungry. Let's go eat." sabi ko ta's inakbayan siya at pumunta na kami sa dining area.

Iniwan na muna namin sina Eric at Gladys dun sa living room. May iba kasi silang pinag-uusapan.

At yun! Naabutan namin ang naglalambingan.

"Huuy! Di ito ang lugar para diyan!" sigaw ni Jana kaya napatigil naman sila at napatingin sa amin.

Nakanguso pang lumingon sa amin si bud habang nasa pisngi niya yung kamay ni Angela na pinipigilan ata yung gagawin niya kanina.

"HAHAHAHA! Anong klaseng mukha 'yan bud?" natatawa kong sabi at sinamaan niya lang ako ng tingin.

"At nagawa mo pa talagang mang-asar ano?" tanong niya sakin.

"Fact yun bud." sagot ko at tsaka hinawakan si Jana sa kamay at lumapit kami sa dalawa sa kitchen counter.

"Congrats nga pala! We heard you won against those Aussies." sabi ni Angela at ngumiti naman si Jana. Ngiting tagumpay.

"Chamba eh." sagot niya at tsaka tumawa.

"Pahumble pa 'tong best ko ee!" sabi ni Angela sabay sundot sa tagiliran ni Jana.

"Haha! Oo na, di na yun chamba. Magaling lang talaga ako."

"Eh ako? Walang credits?" singit ko at ngumiti naman siya sa akin. Ngiting buong-buhay kong laging hahanap-hanapin.

*chup!~*

Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko.

"Tinamaan bespren ko oh!" biglang sabi ni Dong Won kaya napatingin ako sa kanya.

"Heh!" saway ko at tsaka binack-hug si Jana. Naggiggle naman siya.

"Etong dalawang 'to.. may balak pa atang talunin kami sa lambingan." sabi ni Angela at ngumiti lang kami.

"May the best couple win, best." ani Jana at tumawa kaming apat.

"Oh ano? Nababaliw na kayo dyan? Heto pagkain para makapagpahinga kayo." nagulat naman kami sa biglang pagsulpot ni Tita Lara na may dalang pagkain at inilapag yun sa counter.

"Tita naman, tumawa lang baliw na agad? Di pedeng nagkatuwaan lang?" pabirong tanong ni DW.

"Biro lang mga bata." sagot ni tita habang nakangiti ng nakakaloka.

"Tita, tumitindig po yung balahibo ko." sabi ni Jana at tumawa naman siya.

"Hahaha! Osya.. kain na."

"Tita, hindi kaya ikaw yung nababaliw at hindi kami?" tanong ko at nagbago naman ang ekspresyon ng mukha niya.

"Anong ibig mong sabihin ha? Kurt?" may pagbabanta ang tono ng boses niya.

Only You 『 E D I T I N G 』Where stories live. Discover now