Chapter 15

103 2 0
                                    

A/N:

dedicated ang chapter na 'to kay MySpecialFriend.. birthday gift ko na lang 'to para sa kanya :D :D :D

---------------------------------------------------

[Jana’s POV]

“Miss, 2 chicken joy with large fries and 2 regular coke.” Sabi ko sa babaeng nasa counter at inulit naman niya yung order ko.

“Yun lang po ba lahat ma’am?” tanong niya.

“Oo. At tsaka, take out yan ha.”

“Yes ma’am.”

Binayaran ko na yung order ko at bumalik na sa sasakyan ni Johann.

“Okay na ba lahat?” tanong niya pagkapasok ko.

“A-ah…o-oo. Tayo n-na.” Takte! Nauutal pa rin ako pagkausap ko ang lalakeng to.

“You know what? Dapat wag mo na lang masyadong isipin yung nangyari kanina.”  

“Ha? Ah, oo nga.” Tumingin ako sa labas ng bintana.

“Wag ka nang mauutal na kumausap sa akin ha.” Sabi niya.

“H-hindi naman a-ah.” Tss.

Tumawa siya, “hindi raw oh.”

“Psh. Oo na. Hindi na.”

“Wag ka nang magalit. Alam ko namang kinikilig ka pa rin.”

>/////<

“Princess!” napalingon ako sa may entrance ng hospital. Sina mom at dad!

“Good evening po, tita, tito.” Sabi ni Johann at yumuko ng kaunti.

Nagsmile sa kanya sina dad. “Papunta ba kayo sa room ni Michael?” tanong ni mom.

“Hai. Sabay na lang po tayo.” Sagot ko at tumango naman sila.

“Ambilis mo namang magalit. Miss ko nang pagtripan ka eh.” Rinig kong sabi ni Michael.

Gising na pala siya.

Sumilip ako sa binuksan kong pintuan. Pati sina mom nakisilip rin.

“Loko ka ah!” sabi ni Nicole at parang sasapokin niya si Michael.

Ba’t ba napakasadista nitong kapatid ko?

“Maawa ka sa pasyente. Sige ka! Pag ako sinapok mo, mawawalan ka na ng gwapong best friend.”

“Yabang neto oh.”

“Bati na kasi tayo! Pleeeease! Ay teka….Onegaishimas! ^.^”

Nakakatuwa namang panoorin ang dalawang ‘to :D

 “Oo na, oo na! Bati na tayo! Tumigil ka na nga sa pagpapacute dyan! Di bagay sa’yo.”

“YEEEESSSS!” sigaw ni Michael pero pinigilan siya ng kapatid ko.

“Pero pa sapukin mo muna ako sayo.”

“E-eh? Wa—aray!” (_ _”)  Sinapok na talaga niya. “Ang sakit naman nun. Di ka na naawa.”

“Wag kang mag-alala, ngayon lang naman ‘to eh.” Tinawanan ni Nicole si Michael.

“Aba, mukhang bati na kayo ah.” Masayang sabi ni mom pagkapasok niya sa room.

Napatingin naman sa amin ang dalawa. Gulat.

“Ahahaha.. ano yang expression na yan? Naku may tinatago kayo sa amin noh?” lumapit si mom sa dalawa.

“Wala po!” sabay nilang sagot at tinusoktusok naman ni mom ang tagiliran ni Nicole.

Only You 『 E D I T I N G 』Where stories live. Discover now