Chapter 20.3

57 0 0
                                    

[Someone's POV]

"May I request the debutant to please proceed to the center of the floor." sabi ni Gladys at tumayo naman si Jana ta's naglakad papuntang gitna.

Inalayan naman siya ng kanyang dad habang pababa.

Nag-iba naman ang music pagkarating nila sa gitna kaya isinayaw na lang siya ng kanyang dad. 'Yun na rin pala ang simula para sa dance with the 18 roses.

"Our celebrant dancing with her father, Mr. Jun Suzuki, president of the Suzuki Group."

Pasway-sway lang sila hanggang sa oras na para iba naman ang sumayaw sa celebrant.

Ibinigay ng kanyang dad ang isang pulang rosas at tsaka siya hinalikan sa pisngi.

"Thank you, dad." naluluhang sabi ni Jana.

"Oh, mamaya kanang umiyak. Marami pang sasayaw sa'yo." sabi ng kanyang dad at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi.

"Hehehe.."

"E-ehem.. sumimasen.." napalingon sila sa lalaking nakamaskara na naghihintay. [Excuse me..]

Tumawa naman bigla ng malakas ang dad ni Jana.

"Ahahahaha. Gomen.. oh, ayan. Isayaw mo na ang napakaganda mong pinsan." sabi nito at tsaka umalis.

"Opo Tito." sagot ni Terrence at sumayaw na sila ni Jana.

Ganun lang din ang ginawa nila. Pasway-sway lang at tsaka ibinigay ang isa na namang pulang rosas pagkatapos.

Sumunod naman yung iba pang lalake hanggang sa ika-13

"ARF!"

Nagulat na lang si Jana nang makita niya si Chiba na papalapit sa kanya habang may kagat itong rosas. Namangha naman ang mga bisita sa aso.

Tumayo si Chiba sa kanyang dalawang paa sa likod at nakisayaw kay Jana. Tawa ng tawa rin naman siya sa ginawa ng alaga niya.

Pagkatapos ng sayaw ay humalik sa pisngi niya si Chiba.

Sumunod kay Chiba ay si Eric.

"Teka, ba't kasali ka?" tanong ni Jana habang sumasayaw sila.

"Bakit? Hindi ba pwede?" pabalik na tanong nito.

"P-pwede naman."

"Oh, pwede naman pala eh. Hayaan mo na lang ako."

"Okaypayn."

Habang nagsasayaw sila, hindi nakatingin si Jana kay Eric. Nakayuko lang 'to.

"Jana, ganun ba ako kapanget para di mo ako matignan ng deretso?" napaangat si Jana ng ulo sa tanong nito at napakunot ng noo.

"What the heck are you saying?"

Tumawa si Eric at tsaka pinitik ang noo ni Jana. "Aray!"

"Kung makareact ha, wagas lang?" sabi ni Eric.

"Ikaw kasi. Kung ano-ano yang pinagsasabi mo."

"Natural. Pogi eh."

"Diba sabi mo panget ka?"

"Joke lang yun. I'm just trying to lift your spirits up."

"Eh?"

"Ang gloomy po kasi ng aura niyo. May namatay ba?"

"Puso ko. Malapit nang mamatay." matamlay na sagot ni Jana.

"Ang corny. 'Lam mo yun?" sabi ni Eric at sinamaan siya ng tingin ni Jana. "Joke lang. Pero seryoso, ang corny lang talaga."

Only You 『 E D I T I N G 』Where stories live. Discover now