[Jana's POV]
"Maayo kay nakaduaw naka'g balik diri, apo." [Mabuti't nakadalaw ka na ulit dito, apo.]
"Lola.."
Agad ko siyang nilapitan at niyakap. "I missed you po." sabi ko at niyakap niya ako pabalik.
"Ako din."
"Kamusta ka na?"
"Okay lang po lola. Ikaw? Kamusta ka na po? Di ka pa nakawheelchair nung huli tayong nagkita ah."
"Ganun talaga kapag tumatanda na apo."
"Hindi pa naman kayo ganun katanda ah? Ansarap pa kaya ng mga luto niyo."
"Kapag pumangit ba ang lasa ng mga luto ko, dun mo pa masasabi na matanda na ako?"
"Siguro." sagot ko at tumawa kami pareho.
Siya ang lola ko. Si Rosalinda Marinduque. Isang sikat na pastry chef. Sa kanya nagmana si mom sa pagkahilig sa pagluluto ng kung anu-ano. Mapadessert man o ulam.
Si Lola Rosa din ang lagi naming nakakasama kapag magbabakasyon kami dito sa Cebu.
And yeah, nasa Cebu nga kami. Sa resort na pagmamay-ari ni lola dati pero ngayon ay pinamana niya kay auntie.
"Ate Jana, eto oh. Birthday gift ko." sabi sa akin ni Troy habang inaabot ang isang maliit na box sa akin.
"Thank you. Pwede ko na ba 'tong buksan?" tanong ko at tumango naman siya.
Binuksan ko yun at nakita ko ang isang cute na bracelet. Kinuha ko yun at binasa ang nakasulat na, I LOVE YOU ATE.
"Ikaw lang ba ang gumawa nito Troy?" tanong ko at tumango-tango naman siya.
"Oy Troy, nagpatulong ka kaya sa akin na gumawa niyan." singit naman ng ate niya na si Zoe na siyang tumutulak sa wheelchair ni lola.
"Hindi naman ah. Ako lang kaya ang gumawa niyan."
Natawa na lang ako sa pagtatalo ng magkapatid.
Si Troy yung bunso sa kanilang dalawa pero palaban at ayaw na ayaw na magpatalo sa ate niya. 10 years old pa lang yan pero may pag-iisip ng isang 20 years old.
At si Zoe, ang panganay. 15 years old at madalas tahimik na nagbabasa ng libro. Nagiging maingay lang yan pag nagtatalo sila ni Troy.
"Tumigil na kayong dalawa. Pumasok na tayo sa loob at nakahanda na ang pagkain." sabi ni lola.
"Opo lola." sagot ng dalawa at tsaka bumelat sa isa't-isa.
"Ah, syanga pala lola." hinila ko si Johann palapit kay lola. "Si Johann po. Boyfriend ko." pagpapakilala ko kay lola.
Ngumiti naman sila pareho.
"Tinuloy mo talaga ang plano mo ano, hijo?" tanong ni lola.
"Opo lola." sagot naman ni Johann.
"Take care of my granddaughter. She's worth a thousand jewels if you know how to keep her."
Worth a thousand jewels? Ano naman ang ibig sabihin nun?
"Of course I will."
"Tara na sa loob."
"Opo."
Nakasunod lang kami ni Johann sa kanila ni lola papasok ng rest house.
"Nagkita na kayo ni lola dati?" tanong ko kay Johann.
"Nung isang araw lang."
"Anong araw?"
YOU ARE READING
Only You 『 E D I T I N G 』
Teen FictionIt's a story of a popular Teenage girl falling for her on-screen Love Team partner who's been taken by someone else then making her everyday life miserable in any way possible whenever the guy hangs out with her. Discover how she struggled and kept...
