Chapter 19

91 0 0
                                    

[Spectator's POV]

Isang araw na lang at debut na ni Jana.

Nakahanda na ang lahat pati ang plano ng magbest friend na sina Johann at Dong Won.

Walang ibang nakakaalam kung ano ang gagawin nila kundi sila lang mismo.

Pati ako, walang alam. Hindi naman kasi ako nakikichismis sa ganyanan kaya ba't ko pa sasayangin ang oras ko? Diba?

But anyway, balik sa storya.

Nakalabas na rin sa ospital si Michael. Sa susunod na araw pa dapat siya lalabas, pero ang sabi ng doctor, okay na naman daw siya at pwede nang makalabas.

Ayaw pa rin sana niyang lumabas para masolo pa rin niya si Nicole, kaso pinapalabas na siya ng ate niyang si Angela dahil may ipapagawa pa sa kanya. Ang magbigay ng mga invitation sa mga piling tao sa Middle School Division.

Nagulat naman ang lahat nang pumasok sila ni Nicole. Kadalasan kasi, habang papasok pa lang, nagsisigawan na sila. Pero hindi. Tahimik lang ang dalawa habang ningingitian ang isa't-isa..at..at..at magkahawak kamay.

Oo, sila na ang umagaw ng attention kaya pinalibutan sila ng mga kaklase at sinalubong ng isang damak ng mga tanong.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" 

"Sa'n kayo napunta these past days?" 

"Ba't may pasa ka sa mukha, Michael?" 

"Okay na ba kayong dalawa?" 

"Balit magkahawak kayo ng kamay?" 

"Kayo na ba?" 

"Kelan pa?"

"TEKAAAA! Dahan-dahan lang please? Mahina ang kalaban." pag-aawat ni Michael sa kanila kaya natahimik ang lahat.

Bigla naman silang nagulat nang tumawa ng mahina si Nicole.

"Oh? Anyareh sa'yo?" tanong ni Michael ky Nicole.

"Ha? W-wala. Ang cute lang kasi nilang tignan." sagot ni Nicole habang nakangiti.

"Hindi naman sila cute ah." sabi ni Michael kaya napatingin si Nicole sa kanya. At nag-glare sa kanya ang lahat ng kaklase nila.

"Anong hindi? Ang c--"

"Hindi sila cute dahil hindi sila kasing cute mo." pagpuputol ni Michael sa sasabihin ni Nicole sabay iwas ng tingin.

Natameme naman si Nicole sa sinabi ni Michael at automatic na umakyat ang dugo niya sa mukha.

At syempre, mawawala ba naman ang tilian ng mga kinikilig? No. Medyo natagalan nga lang ang reactions nila dahil sa pagiging in a state of shock pero sobrang puno na ng tilian ang room.

Pati ang mga nasa corridors at katabing classrooms ay naalarma sa ingay at nakiusisa.

"Anong meron dito?" tanong ng mga nakisuyo sa klase nila.

"Ah? Yung ingay ba? Kinikilig lang ang mga yan. Bumalik na sina Michael at Nicole eh."

"Ahh.."

"Fel, tara na. Male-late na tayo sa practice."

"S-sige." binaling niya ng tingin yung pinagtanungan niya, "S-salamat sa pagsagot."

"Walang anuman."

Ngumiti si Fel sa lalake at tumalikod na.

"Ah teka, Fel." tawag nung lalake at humarap na man siya. "Y-you wanna go out sometime?" nahihiyang tanong niya.

Only You 『 E D I T I N G 』Where stories live. Discover now