Chapter 43

19 0 0
                                    

[Johann's POV]

"Si Jerald. Kaibigan ni Emily."

Pagkasabi nun ni kuya Ryan ay agad kong hinawakan sa may kwelyo si Jerald at itinulak siya sa dingding. Hindi na rin nakaangal si kuya dahil sa bilis ng pangyayari.

"Nasaan si Jana?! Sabihin mo!" galit kong tanong sa kanya.

"Johann, itigil mo yan!" saway sa akin ni kuya pero di ko siya pinakinggan at mas itinulak si Jerald sa dingding kahit sobrang nakadikit na siya dito.

"Nasaan siya."

"Kung gaano ka nag-aalala para kay Jana, ganun din ako para kay Emily."

Napatigil naman ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Agad naman niyang inalis ang hawak ko sa kwelyo niya.

"Kinuha rin nila si Emily." sabi niya.

"T-teka, sinong kumuha?" tanong ni kuya Ryan.

Tumingin siya sa akin, "Kilala mo naman siguro ang tinutukoy ko."

"Pa'no ako nakakasiguro na nagsasabi ka ng totoo?" tanong ko.

"O-oy, paki-explain nga dyan sa mga pinagsasabi niyo. Naguguluhan na ako sa inyo." singit ni kuya pero walang sumagot sa aming dalawa.

Kinuha naman ni Jerald ang phone niya at tsaka may pinakita sa aming video.

Kahit medyo madilim yung video ay nakikita pa rin ng malinaw ang mukha ni Mr. Gonzaga at ng isang di kilalang lalake na kausap niya.

"Siguraduhin nyong makuha n'yo ang dalawa."

"Opo bossing. Kinasabwat pa nga namin si Emily."

"Good. Wala siyang alam tungkol dito, tama ba?"

"Walang wala boss. Pero bakit nga ba pati siya ay kukunin namin? Diba dapat si Jana lang?"

"Marami ka pang dapat malaman."

"Pero bossing, diba anak niyo yun?"

"Hindi ko yun anak! Matagal nang patay ang anak ko! Nang dahil sa pamilya ng Jana na yan,  nawala lahat mula sa akin!"

"Eh bakit napunta yun sa inyo? Diba nila alam na buhay pa ang isang anak nila?"

Only You 『 E D I T I N G 』Where stories live. Discover now