Chapter 17.1

120 1 0
                                    

[Jana’s POV]

“Hindi ko girlfriend si Emily..”

Ano? Hindi niya girlfriend si Emily? Pero ba’t ang sabi ng babaeng yun sa akin, boyfriend niya si Johann at mahal nila ang isa’t isa?

“I…I don’t understand…” yun lang ang nasabi ko..

He heaved a sigh, “Walang KAMI ni Emily dahil hindi naman siya ang mahal ko. May iba akong mahal…IKAW.”

*dub* *dub* *dub*

So totoo pala yung sinabi niya kay kuya noon?

“..I like her, no wait, I love your sister. I love Jana..”

Napansin ko bigla na nagchange yung music..

Now Playing: ♪ ♫ You First Believe ♫ ♪ by (i-play niyo! Nasa gilid oh!)

“I know mahirap paniwalaan kaagad na mahal kita dahil iniisip mong girlfriend  ko si Emily. Pero Jana, hindi eh. Hindi kasi siya ang mahal ko. Ikaw. Kaya sana naman paniwalaan mo na ako pagsinabi ko sayo’ng ikaw lamang…wala nang iba.

Ano guys? Paniniwalaan ko na ba siya? Papayagan ko na ba siyang ligawan ako? Ano? Naguguluhan pa kasi ako. Parang gusto kong um-oo pero at the same time umayaw. Gets niyo?

“A-ano kasi…Johann…h—aray!” napahawak ako sa batok ko. May bigla kasing bumato ng…

“Tinapay?” yun yong nasa sahig eh. Pero hindi yung malambot na tinapay. Yung matigas.

Pagtingin namin dun sa likod kung sa’n nanggaling ang lumipad na tinapay, nakita namin si Angela na nakaglare sa akin. Tapos may hawak pa siyang dalawang tinapay na parang sinasabi na babatuhin niya ako pag hindi ako pumayag.

=_______= kelangan talagang batuhin ako nun? Di na naawa sa tinapay..

“Ano, di mo pa rin ba ako paniniwalaan? Mabilis magbago ang isip ko Jana..” sabi ni Johann kaya napatingin ako sa kanya.

Huminga ako ng malalim, “Ikaw ang bahala.. basta pag ako ang sisihin ng lahat na naghiwalay kayo ni Emily—!” hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan sa labi..

“How many times will I have to tell you na walang KAMI ni Emily?” tanong niya habang ngumingiti..

Hinampas ko ng mahina yung braso niya, “Ikaw! Ba’t nanghahalik ka na eh hindi pa naman tayo ah!” sigaw ko kahit namumula na yung mukha ko.

“Gomene~ Excited lang eh.. Hihi.. and I know you can’t say ‘NO’ to me Jana. I love you.” Sabay kiss sa cheek ko.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

OXYGEN!!! Di ako makahinga!! BLUSH ALERT!! >////////<

Di pa lang ako nakarecover sa kilig, nagsilabasan na sina best, DW, Gladys, Andrew, Sab, at iba pa naming classmates habang pumapalakpak at kino-congrats kami.

Teka, hindi ko pa naman siya sinagot ah.. nanghingi pa lang siya ng permission na manligaw sa akin.

“Aha! Chukhaeyo!” sigaw ni DW sabay akbay sa amin ni Johann. [Congratulations!]

“Magpapamember na talaga ako sa Fan Club niyo.” Sabi naman ni Andrew.

“T-teka, hindi ko pa naman siya sinagot ah..” sabi ko at tinapik naman ni best yung balikat ko.

“Ano lang ‘to best, practice. Para pag dating ng time na sasagutin mo na siya at maging kayo na OFFICIALLY, alam na namin kung ano ang sasabihin pagsumulpot kami.” Sabi niya at nagwink.

Only You 『 E D I T I N G 』Onde histórias criam vida. Descubra agora