Chapter 20.2

72 0 0
                                    

[Jana's POV]

"Oh, Jana, anong ginagawa mo dito?" napalingon ako sa babaeng biglang tumabi sa akin. Si ate Lorns.

"Ah.. nagpapahangin lang po." sagot ko at tumingin sa kawalan.

Andito kasi ako ngayon sa balcony. Tumakas muna ako sa party dahil feeling ko ilang sandali na lang ay iiyak na ako.

Kasi naman, kahit sinong lalakeng nakikita o naririnig ko, akala ko siya yun eh.

"Hindi talaga nagparamdam sayo?" tanong ni ate at umiling ako.

Naramdaman ko naman ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko.

"Lorns, pinaiyak mo naman yang alaga mo." narinig ko ang boses ni Papsi pero di na ako lumingon.

"Oy, hindi ah. Nagtanong lang ako at bigla na lang yang umiyak."

"Eh pinaiyak mo nga."

"Hindi nga sabi. Tss."

"Oh, eto, birthday gift ko sa'yo." napatigil ako nang may inabot na punting panyo sa akin si Papsi. "Pasensya ka na at ang cheap niyan. Yan lang ang kaya kong bilhin para sa alaga ko." dagdag niya.

Tinanggap ko naman yung panyo at pinahiran ang mga luha ko.

"Salamat Papsi." sabi ko at ngumiti naman siya sa akin.

"Eto rin ang regalo ko sa'yo." may inabot sa akin na maliit na box si ate Lorns.

"Ano po 'to?" tanong ko.

"Buksan mo para malaman mo." sagot niya habang nakangiti.

Agad ko namang binuksan yung box.

Nasa loob ng box ang isang cute na teddy bear at may hawak na heart-shaped pillow tapos may nakasulat na Happy Birthday at may kasama pang lollipop na nakainsert sa nakayakap na mga braso ng teddy sa pillow.

Tinignan ko sila pareho nang may naluluhang mga mata.

"Happy Birthday Jana!" sabay nilang bati sa akin at agad ko naman silang niyakap nang sabay.

"Thank you po talaga! Thank you po ng madami!" sabi ko habang humahagulhol ng iyak.

"Oh.. tahan na.. nasisira na make up mo oh. Ang ganda pa naman ng alaga ko ngayong gabi." sabi ni ate Lorns habang pinapatahan ako.

"Wag kang mag-alala Jana. Dahil kapag pumatak ng alas-12 ng gabi yung orasan, ako na ang bubogbog sa kanya, okay?" sabi naman ni Papsi.

Kumalas ako sa yakap at pinahiran yung mga luha ko.

"Papsi naman.. wag.. sayang ang mukha nun. Konti na lang ang mga gwapong straight sa mundo." sabi ko.

"Biro lang.. pero.. seryoso talaga akong bata ka. Aba'y paiyakin ba naman ang isang prinsesa sa mismong kaarawan niya? Tsk. Mali yun. Dapat maparusahan ang taong ganun. At isa pa, diba nanliligaw na yun sa'yo? Naku! Makakatikim na talaga yun sa akin." pagmomonologo naman ni Papsi.

"Hayy naku Jana. Wag mo na lang pansinin yan. Nasobrahan lang yan sa kanin." bulong sa akin ni ate Lorns at natawa naman ako.

"Beeeest! Andito ka lang pala." nagulat naman ako sa biglang pagsisigaw ni Angela.

Tinignan niya yung mukha ko, "Teka, diba sabi ko save it for later? Bakit umiyak ka na naman? Tignan mo yang make up mo, kumalat na! Naku naman." hinawakan niya yung wrist ko, "Tara sa loob. Ipapaayos natin yan." at hinila niya ako papasok.

Sumunod naman sa amin sina ate Lorns at Papsi.

"Oh? Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Sab pagkapasok niya sa room kung sa'n ako dinala ni Angela. Kasama niya sina Gladys at Andrew.

Only You 『 E D I T I N G 』Onde histórias criam vida. Descubra agora