Chapter 14

95 0 0
                                    

[Nicole’s POV]

*sniff*

“Ano sa tingin mo ang iniisip mo kanina? Ba’t di ka lumaban? Sa tingin mo ba ginusto ko ang nangyari sayo? Oo, sinabi kong wag kang makipag-away.. Pero hindi ibig sabihin nun di ka pedeng lumaban para sa sarili mo. *sniff* A-ayokong mangyari ulit ang ganun sa’yo…”

Sabihan niyo na akong baliw na pinapagalitan ang isang walang malay na pasyente basta inilalabas ko lang ang saloobin ko.

Oo, inaamin ko, galit at inis ako sa lalakeng kaharap ko ngayon, pero iniyakan ko talaga siya kanina. . .hanggang ngayon.

*sniff *

Ewan ko ba kung ano nang nangyayari sa akin. Bigla na lang akong nakakaramdam ng kakaibang pakiramdam simula nung natapos ang kontrata ko sa kanya bilang slave.

***FLASHBACK***

“What the heck did you do to my make-up kit?!” sigaw sa akin ng isang bruha este maarteng babae dito sa dati kong school.

Wala kasi kaming pasok today for some reason kaya bumisita muna ako dito dahil may kinuha rin ako sa principal.

“What the heck, what the heck ka dyan. FYI, Wala akong ginawa sa make-up kit mo. Basta-basta na lang yan tumalon mula sa locker mo.” Sagot ko sa kanya.

Totoo namang wala akong ginawa sa make-up niya. Dumaan lang ako malapit sa locker niya mula sa office nang biglang tumalon, este, nahulog ang make-up kit niya. -___-

“Hoy babae ka, kausapin mo ako ng matino!” sigaw niya sa akin.

“Hoy ka rin babae. Ba’t naman kita kakausapin ng matino eh ikaw ‘tong bigla nalang nagsisigaw sa harapan ko. At tsaka,” tinignan ko siya from head to toe, “Who you? Di naman kita kilala ah.”

Seryoso, I don’t really know this girl. Ngayon ko lang siya nakita sa school na ‘to. At tsaka kung dati na siyang nag-aaral dito, dapat kilala ko ang itsura niya. Agad ko naman kasing nakikilala ang mga bagong transferees sa school na ‘to.

I’m the friendliest student there is in this school. . .before ako nagtransfer sa school ni ate.

“Ano?! Ako? Di mo ako kilala? Hilarious.” Maarte niyang sinabi at bigla na lang nagsexy pose. “For your information miss I-don’t-know-who-you-are, ako lang naman ang pinakasikat, pinakamaganda, at pinakafriendly student na meron ang school na ‘to!~”

-_______-

Pinakafriendly raw oh. Unbelievable.

Napatawa na lang ako. “Pfft~ HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!”

“What are you laughing at? What I’m saying is true!!” gigil na sinabi niya.

“Ahahaha… Okay, okay… So, you’re saying ikaw ang pinakasikat, pinakamaganda at pinakafriendly in this school. Hmmm, that seems to be so hard to believe.” Sabi ko na natatawa pa rin.

“What the—! Kung makapagsalita ka parang dito ka nag-aaral! Di ka naman taga rito ah!” lumapit siya sa akin, “Who the heck are you anyway?”

Sasagot na sana ako nang biglang…

“OMGee!! Ashe! Ikaw ba yan?? WAAAAAHHHH!!!”

In a flash, pinagyuyogyog na ako ng dati kong kaklase..and my closest friend sa school na ito, si Lucy. Hindi yung Lucy sa Fairy Tail. Iba siya. She’s Lucy “Lulu” Lawrence.

Oo. Siya na ang puro “L” ang first letter sa pangalan (_ _”)

At tsaka, she’s the only one who calls me by my other name, Ashe. Adik kasi yan sa Pokemon.

Only You 『 E D I T I N G 』Where stories live. Discover now