Special Chapter 1

81.9K 1.6K 22
                                    

Kampai!

Last na to!

Thank you again for reading Amanda and Jacob's love story na may halong maraming-maraming kalandian..^-^

This is my first story. Pinagpuyatan,iniyakan,tinawanan..lahat-lahat na ata.

Please support my other stories.

Click on my profile. And you can follow me. That will be much appreciated. Thank you ng malaki sa nagvote at nagtake time magcomment. Sana next time ang comment huwag lang pulos update pls diba? Write your opinion about my stories. Magaling akong magbasa promise!

Lovelots,

OiBhabie

~~

Amanda's busy watching her favorite Korean drama when she felt a sudden pain on her stomach. Sa una'y hindi naman gaanong masakit kaya binalewala niya lang at nagpatuloy sa panunuod nang biglang humilab ang tiyan niya. Nanlalaki ang mata niya nang may maramdaman siyang dumaloy sa pagitan ng mga hita niya. She shouted Jacob's name when her water bag broke.Pilit iniinda ang sakit na kinuha niya ang gamit na dadalhin at naglakad ng dahan-dahan palabas ng kwarto niya habang patuloy pa rin niyang tinatawag ang pangalan ng kanyang asawa.

"Damn Jacob! Asan kaba?" Nakangiwing anas niya habang patuloy na naglalakad nang saktong bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nito ang namumutla at pawisang mukha ng asawa niya.

Saglit na natulala ito at nanatiling nakatitig lang sa kanya.

"Tutunganga ka nalang ba diyan ha, Jacob?!" Inis na saad niya dahil lalo lamang humilab ang tiyan niya.

Tarantang binuhat siya nito pagkatapos isukbit sa braso nito ang bag na dala-dala niya.

"Manang, manganganak na si Amanda!" Sigaw nito nang makababa sila. "Pakikuha ng susi sa library!" Dugtong nito pagkakita sa matandang mayordoma.

Dali-daling kinuha naman nito ang susi at sumunod sa kanila.

"Damn,sweetheart! Are you okay?" Saglit na sinulyapan pa siya nito sa likurang bahagi ng sasakyan habang natatarantang binuhay nito ang makina niyon. Mas maputla pa ata ito sa kanya at gusto niyang matawa sa hitsura nito kung hindi lang pabalik-balik ang sakit na nararamdaman niya.

"Just drive sweetheart,okay?" Aniya habang nakahawak sa kamay ni manang at doon kumukuha ng suporta. Natawagan na naman nila ang kanilang pamilya at papunta na rin ang mga ito sa ospital.

Sa bilis ng pagpapatakbo nito ay agaran silang nakarating sa ospital at nakasalubong pa nila sa bungad ang pamilya nila. Nandoon din ang mga kaibigan niya at hindi na niya pinansin ang mga kasama ng mga itong lalaki. She knew them already.

Dali-daling itinakbo siya sa delivery room kasunod ang asawa niyang pinagpapawisan at namumutla pa rin.

"Hurry up doc, my wife's in pain." Nag-aalalang saad nito habang nakahawak ng mahigpit sa mga kamay niya.

Tumango lang ang doktor at ipinasok na siya sa loob ng delivery room. Maya-maya lang ay pumasok na din ang asawa niya habang nakasuot ng scrub suit. Dagling hinawakan nito ang mga kamay niya habang siya naman ay dumadaing sa sakit na nararamdaman niya. Damn! How long will this pain be? Hindi na niya kaya.

"Push misis. Push harder." Anang doktor.

She breathe in and out and pushed harder. Syet! Bakit ang hirap manganak? Ang sakit-sakit!

"Come on,wife! Push harder! You can do it!" Her husband cajoled.

"Another misis. I can already see his head. One last push." Anang doktor.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng asawa na parang doon kumukuha ng lakas at umire ng pagkalakas-lakas nang maya-maya lang ay makarinig sila ng iyak ng isang sanggol.

She smiled faintly upon seeing her son. Yes, son. They're having a baby boy.

"Oh God! He's beautiful,sweetheart!" Mangiyak-ngiyak naman ang asawa niya na ngayon ay masuyong nakatitig sa kanilang bagong silang na anak.

"Yes he is,sweetheart!" Aniya ng nakangiti. Feeling niya nadrained ata lahat ng energy niya sa panganganak but it's all worth it. They're baby is all worth it. Pinikit niya ang mga mata niya. She's tired and she needed sleep. She even heard her husband panic but she just wanted to rest. She's all worn out.










Hushed voices woke her up in her deep slumber. Dahan-dahang iminulat niya ang kanyang mata para lamang masilayan ang nagkakagulong pamilya niya habang nakatitig sa anak niya na karga-karga ng asawa niya. She smiled. Ang hot ng asawa niya! Bagay na bagay maging tatay.

"Gising na si Amanda!" Anang Krizzia sa malakas na boses at lumapit sa higaan niya. Kasunod nito ang pinsan niya na nakasimangot na nakatitig sa kaibigan niya. Napansin niyang nakaloose shirt lang at short shorts ang kaibigan niya. Kaya siguro nag-aalburuto ang pinsan niya. Tss. Been there,done that. Alam na niya kung saan ang patutunguhan ng dalawa.

"How are you,Clarey?" Masuyong anas ng pinsan niya at hinalikan siya sa noo.

"I'm perfectly fine,Je.Thank you!" Nakangiting sagot niya bago binalingan ang kanyang asawa na papalapit sa kanya. Tumabi ito at binigay sa kanya ang anak nila.

Oh! Her baby looked like Jacob! Kuhang-kuha lahat maliban nalang sa kulay ng mata nito na minana sa kanya.

"Ang daya! Kamukhang-kamukha mo Jacob!" Pagmamaktol niya na ikinatawa lang ng mga tao sa loob ng kwarto.

"That's okay, princess. Ang gwapo nga ng apo ko eh!" Tawang-tawa naman na sabi ng mama niya habang inaakbayan ng papa niya na katabi ang mga manugang niya.

"Gwapo ang ama eh! Mana sa lolo!" Sabat naman ng papa ni Jacob na ikinasimangot ng asawa niya. Ayaw atang tanggapin na mana din siya sa ama niya. Magkahawig naman talaga sila. Pwera biro. Totoo yun!

"Diba sabi nila kung sino ang kamukha siya talaga ang nag-enjoy?" Parang wala sa sariling sabat ni Krizzia na ngayon ay katabi na si Ella habang nasa likod nito si Hernaez. "Eh di ikaw talaga ang patay na patay kay Amanda boss!"

Hagalpakan ang lahat maliban nalang sa pinsan niyang biglang namula ang mukha at biglang hinapit ang kaibigan niya na naguguluhan habang inilibot ang tingin sa kanilang lahat. Parang tanga lang. Haha. May pinagmanahan. Kaya magkaibigan sila eh!

"So,anong ipapangalan niyo sa apo ko hija?" Anang papa niya na nakangiti ng malawak. Halatang siyang-siya eh noh?

Nakangiting napatitig sila sa isat'isa ng kanyang asawa. Love and contentment shone in their eyes.

"Icen James Saavedra." Sabay na bulalas nila.

His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Where stories live. Discover now