Passion 26

79.6K 1.7K 145
                                    


"Damn!" Padabog na isinara niya ang pinto ng sasakyan niya at pinaharurot iyon palayo sa Italianni.

Malapit na siya sa condo niya nang matauhan siya. Sh!t! Bakit niya iniwan ang girlfriend niya ng mag-isa sa supposedly ay first date nila?

Double damn!

Dali-daling nag u-turn siya at paharurot na nagdrive pabalik sa restaurant. Pagkarating niya ay agad na bumaba siya at dagling pumasok sa resto. Iginala niya ang mga mata hoping to see Amanda still in her seat but she's not there already.

Napatiim-bagang siya sa kagaguhang ginawa nang may lumapit na waiter sa kanya.

"Excuse me,sir? Yung kasama niyo po ba kanina ang hinahanap niyo?" Magalang na saad nito kahit halata ang kaba at takot sa mukha nito.

"Where is she?" Tanong niya imbes na sagutin ang tanong nito.

"Kanina pa po nakalabas si ma'am, sir."

"Ok." Talikod niya nang hindi man lang nakapagpasalamat.

Napatango nalang ang waiter at napayuko.











"Answer your phone please,sweetheart.." Kinakabahan na saad niya habang patuloy na tinatawagan si Amanda. Kanina pa niya dina dial ang numero nito ngunit nananatili lamang itong tumutunog. Ilang text messages na rin ang ipinadala niya ngunit maski isa ay hindi nito sinagot.

Patuloy lang siya sa pagdadrive bago niya naisipang tawagan ang kaibigan nito. Ilang ring pa bago nito iyon sinagot.

"Good evening, Saavedra! How can I help you?" Anang boses sa kabilang linya. It's dripping with sarcasm as usual. Hindi talaga nagbabago tong si Elle.

"Miss Mendez..Is Amanda there? Or do you happen to know where she is?" Aniya sabay hingang malalim.

"She's not here, Saavedra. I thought you're in a date. Did something happen?" May inis na sa boses nito nang sumagot. "May ginawa ka na naman bang masama sa kaibigan ko?" 

"It's not like that,Miss Mendez. I'm doing my best to find her." Aniya at ibinaba na ang cellphone niya bago pa siya nito masigawan.

Sige lang siya sa pagdial ng numero nito at nagbabakasakali na sagutin nito iyon.
Nilibot narin niya ang posibleng lugar na puntahan nito ngunit wala pa rin. Maski sa apartment nito ay wala din ito roon. Inabot na siya ng hatinggabi ngunit hindi niya pa rin ito nakikita.

Galit at naiinis na napahampas nalang siya sa manibela ng sasakyan niya. Pagod na napasandal siya sa upuan ng kaniyang sasakyan.

"Damn! Why are you not answering your phone,sweetheart? I'm fvcking worried. This is bvllsh!t!" Galit na utas niya bago ipinikit ang kanyang mga mata. It's his fault. Alam niya. He just needed a text from her confirming that she's safe. Kahit isa lang talaga or he'll go insane.













"Answer me,Clarey! Who the hell did this to you?!" Namumula at galit na saad ng pinsan niya habang sinisigawan siya.

Habang nangangalaiti ito sa harap niya ay parang tangang nakatulala lang siya habang nakatitig dito. Wala siyang ganang magsalita. Pagod na pagod ang katawan niya. Pati isip at puso niya ay sobrang pagod na.

"Don't just stare at me,Clarey! I'm asking you! I'm going to kill that jerk who hurts you!" Patuloy na pagtatalak nito habang nakapameywang pa.

"Clarey!" Malakas na sigaw nito na ikinapitlag niya. Her tears fell freely on her still wet cheeks. Walang tigil iyon habang humihikbi siya sa harapan nito.

"Damn! Don't cry in front of me,Clarey. You know I can't bear to see you like this. Just say a name and he'll fvcking regret why he messed up with you." Medyo kalmado ng sabi nito at naupo sa tabi niya. Inayos nito ang nagulo niyang buhok habang kunot na kunot ang noo nito.

Napailing lang siya at napayakap sa pinsan niya. She's very thankful for all those things that her cousin had done for her. Kaya napakalapit nito sa kanya at mahal niya ito. He's not only a cousin but a dear brother to her.

"Hussh.. Stop with the crying please." Anito at hinagod-hagod ang likod niya.

"I hate him Je. So much that it hurts." Sumisigok-sigok na sabi niya. "But I hate myself more for loving him still."

"Just forget him for a while, okay? Take a rest and tomorrow you'll be better, Clarey." Masuyong tinitigan siya nito at pinatayo na siya. "I'll walk you to your room." At inalalayan siya patungong kuwarto niya.

Dinala kasi siya nito sa condo nito pagkatapos siya nitong buhatin mula sa pagkakaupo niya kanina sa semento sa labas ng restaurant na pinag- iwanan sa kanya ng boyfriend niya. Hindi niya lang alam kung mag boyfriend pa sila.

She's deeply hurt and she doesn't know if she'll ever accept him. She's deeply in love with him but she doesn't want to be a fool already. She has been there, done that. Ayaw na niyang dagdagan ang katangahan niya. Bakit ba kasi nakakatanga ang mainlove? Noon, palagi niyang sinasabi na hindi siya magpapakatanga ng dahil sa pag-ibig. Pero ngayon? She's one of those persons who became a total fool after falling inlove.

She's Amanda Claire Lopez, the sole heiress of Lopez Industries and she will never bow down again for him.. For Jacob Saavedra. Or any other man for that matter.

"Will you be okay here,Clarey?"

"I will be,Je. Thank you so much for being there for me ever since." Aniya habang nakangiti na sa pinsan.

"You know I love you that much,Clarey. Forget about him, okay? Sleep tight and keep your mind out of sadness. You're never a crybaby,Clarey. Bring back your old self. Your family's waiting for you." Anito at hinalikan siya sa noo bago tumalikod na at lumabas sa kwarto na ibinigay nito.

Napabuntong-hininga nalang siya at nahiga sa kama. Napatingin siya sa kisame at napayakap ng mahigpit sa unan na hawak-hawak niya.


This time, no more Jacob..

That's a promise.

And she succumbed herself into a deep slumber hoping that tomorrow she won't be a fool for him.








~~

A/N: Alin ang mas masakit? Yung umiiyak ng may tunog o yung umiyak ng walang tunog? 😅😝

His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя