Passion 1

250K 3.7K 277
                                    

This is Billionaire Bachelor Series 1:

Enjoy reading!




~~

Tagaktak ang pawis at namumula na si Amanda nang makarating sa aaplayan niyang trabaho. Kung bakit kasi ang traffic eh! Maaga naman siyang umalis ng apartment niya. Sadyang malas lang talaga siya ngayong araw. Sana naman hindi siya malasin sa interview niya mayamaya.

Inayos niya ang nagusot na damit at nilagyan ng konting kolorete ang kanyang mukha. Mabuti nalang at airconditioned ang lugar dahil ang init- init talaga! Sabagay ang laking kompanya naman nito at sikat pa. Swerte na niya kung matanggap siya. Graduate naman siya ng Business Management kaya bagay siya sa opisina.

"Applicant?" Anang babaeng nasa information. Ang taray ni Lola! Kita lang ang cleavage eh! Nagmamalaki na.

"Good morning!" Ngiti niya kahit ang sarap supalpalin ang pagmumukha nito. Feeling maganda tong si ate! "Yes, I'm an applicant. I'm here for the interview."

"Your name?" Taas-kilay pang sabi nito. Sarap ahitin eh! Haha

"Amanda Claire Lopez." Plastik na ngiti niya pabalik dito.

Saglit na may tinawagan ito. Tumango- tango lang ito at ibinaba na ang telepono.

"You can proceed now, Miss Lopez. 15th Floor."

"Thank you!" Aniya at lumakad na. Salamat naman. Ang hirap kayang makipagplastikan. Sakit sa bangs! Mabuti na lang at wala siyang bangs.

Ba't ang daming magaganda at gwapo dito? Modelling agency ba ito? Baka nagkamali siya ng pinasukan. Dire- diretso lang siya papuntang hagdanan. Ay tanga lang! Napapitik siya sa kanyang noo. Bakit siya maghahagdan eh sa 15th floor siya pupunta? Gamitin nga ang utak Amanda! Dali-daling bumalik siya at nag elevator.

May kasabayan siyang mga limang tao sa elevator. Ang tatangkad naman. Ang taas pa ng heels ng dalawang babae. Sana man lang nag effort siya kahit sa heels lang. Maganda naman siya eh. Hindi lang katangkaran pero okay na din. Dadaanin nalang niya sa ganda at talino ang lahat.

Nasa 10th floor na siya at siya na lang ang natira sa elevator. Mahinang kumanta nalang siya para hindi siya gaanong kabahan.

Sampung palaka
palangoy langoy
Pataas pababa
Paikot ikot lang

Ting!
Okay! 15th floor! Aja Amanda!

Dagling ngumiti siya pagkarating niya sa harapan ng sekretarya.

"Good morning! I'm Amanda Claire Lopez, applicant".

"Good morning,Miss Lopez!" Nakangiti ding bati nito. Take note! Totoong ngiti siya. Thank you naman!

"You can go inside the room. No need to knock. Mr. Saavedra is on his way up here. You can wait inside."

Nosebleed! Tumango tango lang siya at nakangiting pumasok.

Namangha siya sa nabungarang opisina. Ang ganda! Ang manly ng dating. Halos dark colors ang nasa loob. May mga paintings pa na nakasabit na halatang ang mamahal. Naupo siya sa bakanteng upuan kaharap ng isang mesa.

Mr. Jacob Saavedra
CEO,Saavedra Corporation

Pangalan palang ulam na sana pati hitsura. Natatawang saad niya. Nilibang niya nalang muna ang sarili sa pagtanaw-tanaw sa mga bagay sa opisina nang my magsalita sa likuran niya. Kinilabutan siya.

His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang