Passion 39

70.4K 1.5K 15
                                    


Amanda couldn't contain the anger and jealousy she felt when she saw how close that octopus girl from her boyfriend. Ang kapal ng mukha nito para magpakita ng cleavage sa harapan ng lalaking mahal niya. Mas malaki naman ang kanya. Hmmp. Mabuti nalang at naisipan niyang dalawin si Jacob makalipas ang dalawang araw na hindi nila pag-iimikan. Eh kundi nalaman niyang may ahas palang umaaligid dito. Kung hindi lang sana masama ang pakiramdam niya nitong nakalipas na dalawang araw ay nakapag-usap na sana sila ng boyfriend niya.

She cleared her throat just enough to catch their attention. Taas-kilay na tiningnan niya ang babaeng namutla nang lumingon sa kanya. Right, bitch! Matakot ka sa panlalandi sa pangit na iyan.

"Am I disturbing you guys?" Venom laced on her voice. Inis na binalingan niya ng tingin si Jacob na seryoso lang na nakatingin sa kanya. Great. At nasasaktan siya sa ipinapakitang kalamigan nito sa kanya. She composed herself while trying to keep her tears at bay. She doesn't want to cry in front of them. She's a fighter.

"What are you doing here, Amanda?" He asked still with a serious expression on his face.

"I'm visiting you. Bawal na ba akong bumisita? Why?" Pilit pinipigilan ang panginginig ng boses na sagot niya. Pasimpleng nagpaalam naman ang babaeng octopus na ipinagpasalamat niya. She's not that insensitive naman pala.

"I'll see you later,Cindy. I'm sorry for this." Agarang saad naman ni Jacob bago lumabas ang babaeng ahas. So Cindy is her name. Ang sarap tuloy sindihan ng kulay mais na buhok nito. Trying hard maging Amerikana. Hindi naman bagay dito.

"You'll see her later? Why? Are you two having a relationship behind my back? Are you cheating on me with that octopus girl,Jacob?" Asik niya habang namumula ang buong mukha dahil sa pinipigilang galit.

"What are you talking about, Amanda? Why are you thinking that way? You're being unreasonable!" Galit na rin na sabi nito. Napahilamos pa ito sa mukha nito. Frustrations visible on his face.

"See? You're not even calling me sweetheart! Amanda ka ng Amanda! I am unreasonable? So what? Eh nasasaktan ako eh!" She outbursts. Namumula ang mga matang tiningnan niya ito. He sighed deeply. Frustration is still visible on his handsome face.

"We'll talk if you're not being emotional, Amanda. Mag-aaway lang tayo kung ngayon tayo mag-uusap. Just take a break at home." Masuyo ang boses na sabi na nito nang maupo.

"Fine. Let's not talk forever. Magsama kayo ng babaeng octopus na yun! I hate you!" Singhal niya bago nagmamadaling lumabas sa opisina nito at hindi pinansin ang pagtawag nito. I really hate you Jacob! Bahala ka sa buhay mo.









Amanda has been crying for a couple of minutes already habang nakikinig lamang ang dalawa niyang kaibigan sa mga sentimyento niya. Nasa pad niya sila ngayong tatlo. Matapos kasi niyang makaalis sa kompanya ng nobyo ay dito siya dumiretso bago tinawagan ang mga kaibigan na aligagang nagpunta nang marinig ang pag-iyak niya.

"I hate Jacob now. I really hate him! Makakalbo ko ang babae niya na hindi naman kagandahan!" Utas niya maya-maya habang nilalantakan ang isang galong ice cream.

"Hey! Calm your tits,girl. I think the two of you must talk. Let him explain his side, okay?" Anang Elle na nakangiwi sa kanya nang lagyan pa niya ng peanut butter ang ice cream na kinakain niya.
"And what's with the peanut butter? That's so gross."

"Oo nga. Diba hindi ka kumakain ng peanut butter? Ang weird mo ngayon." Sabat naman ni Krizzia na kumakain na rin ng ice cream habang nakatutok ang paningin sa balita kung saan ang pinsan niyang demonyo ang bida. Hmmp. Playboy din yan eh!

"Masarap kaya ang peanut butter. And well, I think we must really talk. Nakakainis lang kasi siya eh! Ang pangit naman niya. Ang kapal pa ng mukha!  Parehas sila ng babaeng octopus na yun!" Nakangusong sabat niya.

"May hindi kaba sinasabi sa amin, Amanda?" Seryoso na sabi ni Elle nang balingan siya ng tingin. Napatingin din tuloy sa kanya ang nakasimangot na si Krizzia.

"What do you mean by that Elle? And why are you looking at me that way?"

Elle sighed and said something that shocked her. Her eyes bulged at her question.

"I'm pregnant?" Parang tangang tanong niya sa kaibigan na napailing nalang.

"I'm asking you if you're pregnant. You should know that by yourself. Ikaw ang nakakaramdam eh." She then rolled her eyes at her. Na parang isa siyang tanga. But she's glad she's not. Slow lang talaga siya minsan.

"Oh my God! Buntis ka?!" Nanlalaki ang matang sabat naman ni Krizzia habang nakanganga pa. Ang sagwa tingnan ng kaibigan niya ngunit nananatili pa rin itong maganda.

"You're so noisy,Kriz. Buy a PT and we'all know if you're really pregnant." Ani Elle at napasandal sa sofa.

"Ahm..I - tinatamad akong lumabas eh." Nakangiwing sagot niya sa mga ito.

"Ako nalang ang bibili,Amanda. Malapit lang naman eh. Ilan ba ang bibilhin?" Anang Krizzia at tumayo na.

"Buy five Krizz."

Napatango lang ito at lumabas na ng pad niya.







"So, how's it Amanda? Is it positive?" Agarang tanong ni Elle nang makalabas siya ng banyo bitbit ang PT.

Kinakabahang nakatitig sa kanya ang dalawang kaibigan habang naghihintay sa resulta.

She smiled brightly and showed the results to them.

"Two lines, guys." She beamed and cried at the same time.

"Holy shit!"

"Nanay kana!"

They both cried in unison. They're expressions are very comical. Natatawang napayakap siya sa mga kaibigan. She's very blessed to have them. She's going to be a mother. She and Jacob are going to be parents soon. And she couldn't be any happier.





His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Where stories live. Discover now