Passion 47

73.3K 1.3K 11
                                    


Amanda couldn't contain her giggles as she looked at her fiance who is sleeping beside her. Ni hindi man lang ito nagising sa mga pinaggagawa niya sa mukha nito. Ang himbing ng tulog eh! Halatang pagod sa trabaho. Kawawang Jakob.

Ngiting-ngiti na pinaglandas niya ang kanyang mga daliri sa makinis nitong mukha na napapalibutan na ngayon ng make-up niya. Pati ang labi nito ay namumula na ngayon dahil sa inilagay niyang dark red na lipstick.

Hay buhay! Mas maganda pa talaga si Jacob kaysa sa kanya. Nakakainsecure kung naging babae lang ito.

Napapitlag siya mula sa pagkakatitig sa mukha nito nang dahan-dahang nagmulat ito ng mga mata. He smiled at her that made her insides melt. Ang gwapo pati boses. Deym. Ang perfect ng mapapangasawa niya. Ang swerte talaga niya. Mabuti nalang at isa rin siyang Diyosa.

"Hi!" Aniya bago kiming nginitian ito habang pilit pinipigilan ang tawang kanina pa gustong kumawala sa labi niya. "How's your sleep?"

"Fine,sweetheart. Hindi ka naidlip?" Anito at niyakap siya ng mahigpit na lalong ikinangiti niya ng malaki. Ang bango-bango talaga nito. Daig pa ang taong bagong ligo.

Isiniksik niya ang katawan at sinamyo ito. Uggh. Libre tsansing mga diyosa. Pagbigyan niyo na. Haha.

"Konti lang, sweetheart. Hindi naman ako gaanong inaantok eh. Maya-maya ay aalis na naman tayo."

Dahan-dahang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya na ikinasimangot niya.

Ngumiti ito at masuyong dinampian siya ng halik nang makita nito ang masamang timplada ng mukha niya.

"I'm sorry,sweetheart. As much as I want to cuddle with you for the rest of the day, I can't. We have a schedule for fitting this 3:00 p.m." Saglit na sinulyapan nito ang suot na relo. "And I think we'll be late. Come on sweetheart,get yourself ready."

Tamad na bumangon siya at sumunod sa likod nito para lamang mabigla nang biglang sumigaw nito.

Oh em gee! I think she knew why! Patay!

"What the fudge did you do to my face, sweetheart?" Medyo galit na saad nito nang balingan siya nito ng tingin.

Napangiwi siya dahil sa inis at galit na pinapakita nito. His face looked dark and his jaw clenched.

"Sorry sweetheart. Sobrang gwapo mo kasi eh! Konti lang naman yan. Ako na ang bubura." Aniya at akmang lalapitan ito nang pigilan siya nito.

"It's okay. I can manage. Just get yourself ready Amanda or else I'll really get mad at you." Seryoso ang mukhang tumalikod ito at nagsimula ng punasan ang mukha nito ng wipes.

Kagat-kagat ang pang ibabang labi na pumasok nalang siya ng banyo at nag-ayos. Hmmp. Hindi naman niya kasalanan! Kasalanan ng mukha nito dahil sobra itong gwapo! Ay ewan!










Pasado alas tres na ng hapon nang makarating sila sa boutique na gagawa ng kanilang mga damit para sa kanilang kasal. Pagkapasok palang nila ay masayang sinalubong agad sila ng baklang designer at nagbeso pa sa kanila.

"At last you two are here! I'm excited to be a part of your upcoming wedding!" Hinila agad siya nito sa isang gilid at sinipat ang kanyang buong katawan.
"Perfect! You looked sexy dear Amanda!" Puri pa nito na ikinalaki ng tenga niya.

"Thank you,Trixie! Alam mo na, may pinagmanahan." Aniya sabay tawa habang nagsimula na itong kunin ang kanyang sukat.

"We'll adjust a little on your stomach. I heard you're pregnant."

"Oh yes,Trixie. Thanks for that."

Matapos siya nitong sukatan ay ang fiance niya naman ang isinunod nito. Naupo siya sa isang bakanteng upuan malapit sa pintuan nang may magsalita sa gilid niya na nagpakulo ng dugo niya.

"So,matutuloy talaga ang kasal? Kelan pa kaya mauuntog si Jacob? Sa araw ng kasal niyo?" Taas-kilay na saad ni Lizzy pagkapasok palang nito sa boutique.

Napatayo na rin siya at taas-noong tinitigan ito. Buseet. Ba't kaya ang tangkad nito? Mukhang kawayan. Nahirapan tuloy siyang pantayan ang taas nito. Naka flats pa naman siya.

"Bakit? Gusto mo imbitahan pa kita sa mismong kasal ko para magising kana sa pananaginip na hindi matuloy ang kasal ko?" Bwelta niya sa mababang boses. Ayaw niya namang marinig ng ibang tao ang pinag-aawayan nila. And besides, this is her fight. Patutunayan niyang kaya niyang matalo ang isang tulad nito.

"No thanks. I'd rather not see you crying on that day. I'm sure Jacob will leave you on that day." Mapanuyang tinitigan siya nito lalo na sa bandang tiyan niya na may konting bump na.

"Tss. whatever Lizzy the leech!" Balewalang asik niya nang bigla siya nitong hawakan ng mahigpit sa kanyang kamay na ikinabahala niya. "Get your fvking hands off me Lizzy! I swear you'll be sorry!" Malakas na ang boses na saad niya.

"You slut! Inagaw mo sa akin si Jacob alam mo ba iyon? Ako na ang mahal niya eh! Bakit kasi umeksena kapa?" Galit na galit na niyugyog siya nito habang pilit naman niyang binabaklas ang kamay nitong mahigpit na nakakapit sa braso niya.

"I said get your fcking hands off me, Lizzy! Pag may mangyaring masama sa anak ko, papatayin talaga kitang babae ka!" Galit na galit na saad niya habang nakatitig dito.

Parang baliw na tumawa ito sa harap niya bago nanlilisik ang matang hinarap siya.

"Bago mangyari yun ay papatayin ko muna kayo ng anak mo." Anito na nagpaatras sa kanya nang biglang bumunot ito ng baril at itinutok sa mukha niya.

She paled. She felt numb all of a sudden. She's afraid. Really afraid. Not for her but for her unborn baby. Come on, Jacob where are you? Piping nanalangin siya sa Panginoon para sa kaligtasan nila ng baby niya. She's not ready to die yet. Ang bata pa niya at ikakasal pa siya.

Napalunok siya nang lumapit ito sa kanya na ikinaatras niya.

"Stay where you are Amanda or I'll shoot this bullet straight to your brain!" Banta nito na lalong nagpamutla sa kanya. No! Hindi pwedeng mawala siya sa mundong ibabaw. She keeps on fidgeting as she thinks of the way to escape her. Ngunit lalo lang nitong itinutok ang baril sa kaniya.

Lalo pa siyang kinabahan dahil sa sinabi nito at mukhang magpapass out pa siya. Nanlalamig na siya at parang wala na siyang naririnig sa paligid niya. Napapikit na lang siya at hinintay ang pagtama ng bala sa katawan niya nang biglang may humarang sa kanya at saktong narinig niya ang isang putok ng baril bago siya kinain ng kadiliman.


His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Where stories live. Discover now