Passion 11

94.9K 2K 11
                                    

Warning:

This update is so lame. 😂

~~

"Hey!"

"Amanda,girl? Hello??!!"

Napalingon siya nang may biglang kumalabit mula sa likuran niya. Nilingon niya iyon at nabungaran niya ang kunot- noong mukha ng kaibigan niyang si Krizzia.

"Bakit?"

"Are you okay Amanda na maganda?"

Tumango na lamang siya dito at naupo na sa upuan niya. Sumunod naman ito subalit kasama na nito si Elle. They both eyed her with curiousity.

"Bakit?" Ulit niya sa tanong niya kanina.

"I don't think you're ok Amanda." Sagot nito habang pinag-aaralan ang buong mukha niya.

"Paano mo naman nasabi yan?" Kunot-noo niyang saad. Is she that transparent?

"Duh!! Your face speaks for itself dear.Right,Elle?"

"She's right. The moment you step in our floor we already noticed your gloomy face. What's the matter,Amanda?" Her brows are raised while looking at her intently.

Tumango- tango lang naman si Krizzia habang nakatitig din sa kanya. Parang isang specimen tuloy siya dahil sa ginagawang paninitig ng mga ito.

She just heaved a sigh and smiled weakly.

"I'm just tired and a little bit hurt." Malungkot ang mukhang anas niya sa dalawang nasa harap niya.

"Hurt?? Why?" React agad ni Krizzia.

"Is this about sir Jacob again?" Saad naman ni Elle na seryoso lamang na nakatitig sa kanya.

"Yes." Saad niya sa mahinang boses habang sinusubukang pigilan ang paglabas ng luha sa kanyang mga mata. She doesn't want to cry especially here at the office. She doesn't want to create any scene. Baka mamaya masabihan pa siyang maarte. O kaya naman nag-iinarte. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na pinagtsitsismisan silang tatlo sa buong kompanya. Ang hirap nga kasing maging maganda. Ang daming issues palagi.

"Ano na namang ginawa niya? Sabi kasi sayong makipagbreak kana diyan eh!" Anang Krizzia sa malakas na boses.  Pinandilatan tuloy ito ng mga mata ni Elle.  

"What?" Anito kay Elle.

"You're so loud don't you know that? Gusto mo bang matsismis si Amanda?" Sabat naman nito.

"Oops..sorry." Napangiwi na lamang ito dahil sa ginawa nito.

"But I'll be fine." Malungkot na saad niya at nagpangalumbaba sa harapan ng mga ito. She'll be fine. Pipilitin niyang maging okay.

"You always say that Amanda though you're not really okay. Why don't you make up your mind already? Think about yourself. Don't think about that a$$hole!" Mahina ang boses ngunit may diin na sabat ni Elle habang nangangalaiti narin sa harapan niya.

"Elle.." Parang maiiyak na tumingin siya sa kaibigan. "I'm so sorry dahil pati kayong dalawa ay nadadamay pa sa kagagahan ko. I'll try."

Naiiyak na niyakap naman siya ng dalawa.

"You'll be fine. We are always here for you." Bulong pa nito sa kanya bago kumalas sa kanyang yakap.

"Let's go clubbing later,okay? No buts." Agarang saad nman ni Krizzia ng nakangiti.

Naiiling na napatango nalang siya at ngumiti sa dalawa.

"Yes. Pumayag ka rin..haha." Tuwang tuwa na sabi ni Krizzia bago tumalikod at nagpaalam na babalik na sa cubicle nito.

"Ang ingay talaga." Nangingiti nalang si Elle bago nagpaalam narin sa kanya.

She just smiled. Nagpapasalamat pa rin siya dahil may mga kaibigan siya na handang damayan siya sa lahat ng pagkakataon.


Naisip niya tuloy ang mommy niya. Kung hindi siya umalis ay siguradong magkukuwentuhan sila buong magdamag at pangangaralan siya nito. Napangiti nalang siya ng mapait. Ayaw pa niyang bumalik ngayon.


Baka bukas o sa susunod na mga araw pwde pa...


Kakayanin niya. Para sa sarili niya. Para sa pamilya niya lalong lalo na para sa papa niya. Patutunayan niya na kaya niyang tumayong mag isa. Na hindi na siya ang dating Amanda. Ang dating Amanda na mabait at masunurin.

Ibang iba na siya. Marami na siyang pinagdaanan sa buhay simula ng araw na naglayas siya at hinding hindi siya magsisisi dahil maraming bagay siyang natutunan sa totoong kahulugan ng buhay.


Falling in love must be one. She fell in love but got her heart broken for so many times with the same man but she won't back down. After all, falling in love is a series of heartbreaks and heartaches.


She still has herself and of course, her two friends. Though one is too loud and annoying and the other is too serious. They are still her true friends. She'll definitely live for sure.







~~

Click the 🌟 and hit comment.

OiBhabie

His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Where stories live. Discover now