Passion 5

111K 2.3K 52
                                    


Nahahapong napasalampak sa upuan si Amanda pagkatapos siyang ihatid ni Jacob sa inuupahang apartment. Pagod siya at nangangalay ang buong katawan niya. Tsss.. Napabuntong-hininga siya ng malalim.

Mabuti sana kung trabaho ang pinagpaguran niya. Ngunit hindi eh! Pumayag na naman siya na may mangyari sa kanilang dalawa ng boss niya. Napapikit nalang siya dahil sa samut- saring nararamdaman na natatakot siyang pangalanan. Ayaw niyang aminin sa sarili ngunit sigurado na siyang mahal na niya ang kanyang boss kahit bedmate lang ata ang turing nito sa kanya. Hindi niya lubos maisip na ang isang tulad niya na pinalaki naman ng maayos ng mga magulang niya ay magkakaganito ng dahil sa umiibig na siya.

Kung sana lang ay nagkaintindihan sila ng mga magulang niya.Disin sana'y hindi na siya umalis ng bahay nila. Hindi na sana siya masasaktan. Her first love and also her first heartbreak in just a night huh. How lucky can she get, huh?

Naiinis na pinahid niya ang nag-uunahang luha na tumutulo sa kanyang pisngi nang maalala ang dahilan kung bakit siya napadpad sa ganitong lugar at sirkumstansya...

" No Papa! I won't marry Rafael and you can't force me to do so!". Galit na galit na saad niya pagkatapos nitong sabihin na ipapakasal siya nito sa anak ng kumpare nito na nagmamay-ari ng kalapit na hacienda.

" Don't be stubborn,Amanda! Marry Rafael and you will not regret it. Masusunod ang lahat ng gusto mo at siguradong hindi ka maghihirap!" Dumadagundong ang boses sa buong mansion na saad nito.

" Try me,Papa." Matapang na sagot niya dito." I am no longer a child who will bow down and follow your caprices for the sake of money and power ."

Namumula ang mukha na napatitig ito sa kanya habang napailing.

" I'm sorry to say my dear Amanda but whether you like it or not, you will marry Rafael!".

" I'm sorry too Papa but no can do." Pilit nilalabanan ang takot sa ama na tumitig din siya dito. " I've been a good daughter but forcing me to marry someone whom I don't love is out of my character."

His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant