Passion 18

89.2K 1.8K 47
                                    

I'm so afraid of the lightning and thunder.

Mr. Rain is on his way. Napapadalas ata ang pagdalaw niya. 😂

~~

Amanda couldn't forget what he just said this morning. Pabalik balik lang ito sa kanyang isip kung kaya't hindi siya makapag focus sa trabaho niya. Tinampal tampal pa niya ang kanyang pisngi para lang magising siya ngunit wala pa ring epekto.

Do you think I'm ready to be a husband now,sweetheart?

Do you think I'm ready to be a husband now,sweetheart?

This is bad Amanda!

Focus!

Napabuntong-hininga na lang siya at nagpangalumbaba sa kanyang mesa.

"Hey! Are you okay,Amanda?" Anang Elle nang dumaan sa cubicle niya.

Napaangat siya ng tingin dito at nag pout.

"Don't pout at me. I'm asking you dear."

"I can't focus on work,Elle. My mind is not here with me I think."

"Not just your mind..I think your heart is not with you also." She taunted.

"Grabe ka naman!" Ismid niya pabalik.

"Why? Tama naman ako diba? If it's not about sir Jacob who could it be?" Anito at mahinang tinapik siya sa braso. "Try to divert your attention to other things, Amanda. Life will never be about him for always." She smiled then leave her hanging.

Tama naman si Elle. Bakit ba ang tanga- tanga niya? Feeling naman niya siya ang gusto nitong mapangasawa. Eh ang dami nitong babae eh.

Paano kaya kung umuwi na siya sa kanila? May babalikan pa kaya siya? Mapapatawd pa kaya siya ng mga magulang niya?

Napailing na pinilit niya na lang ang sarili na mag focus sa kanyang ginagawa. Napatingala siya sa orasan. Alas kwatro na ng hapon. Malapit na naman ang uwian. Napayuko nalang siya at ipinagpatuloy ang kanina pa naudlot na gawain.

Papasok palang silang tatlong magkaibigan sa elevator nang marinig niya ang pinag uusapan ng dalawang babae na nasa likuran nila.

"Alam mo ba na nandito kanina si Miss Lizzy?"

"Talaga?" Sagot naman ng isa.

"Yhup,girl. Mahigit isang oras din sila sa office ni boss eh. I wonder what they have done inside."

"Haha..kakainggit si Miss Lizzy."

"Oo nga. Magkasama pa nga silang lumabas eh."

"Tumahimik nga kayo! Ang ingay niyo eh!" Biglang sabat ni Krizzia na nakapagpigil ng pagbagsak ng luha niya.

Syet. Ang sakit-sakit na talaga!

"Nagkukwentuhan lang naman kami ah. Anong masama dun?" Sabat naman ng isang babae.

"Just shut the fuck up!" Malakas ang boses na saad ni Elle na nakapagpatahimik sa dalawa.

"Okay ka lang?" Ani Krizzia nang bumulong sa kanya.

Tumango- tango lang siya dahil siguradong pipiyok ang boses niya kapag magsasalita pa siya. Ayaw niyang makita ng ibang tao ang paghagulgol niya. She felt like a sore loser. Hanggang kailan ba niya kakayanin ang sakit na dulot ng pagmamahal niya dito?

"Don't mind him. He's not very much deserving of you." Anang Elle na pinipilit maging poker face habng nakatitig sa kanya.

Ayaw din naman niyang makita ang awa sa mata ng mga kaibigan niya. Palagi nalang ganito ang nangyayari sa kanya.
Magagalit siya kay Jacob, aaluin siya nito at siyang sobrang tanga magpapadala din sa tamis ng dila nito. When in fact she knew that he just needed to do that to lure her into his freaking bed.

Hindi na talaga siya nadala. Ilang ulit pa bang kailangang mambabae si Jacob para sumuko na siya? Ilang ulit pa ba itong magpapakagago at patatawarin naman niya? Damn stupidity! Wala naman silang relasyon para panghawakan niya. Isa lang siya sa mga babae nito at iyon ang pinakamasakit na katotohanan.

Pagkabukas ng elevator sa groundfloor ay dali daling lumabas siya. Ni hindi niya pinansin ang pagbati ng ibang kakilala. Nakasunod lang naman ang mga kaibigan niya.

"In my car,Amanda." Anang Elle.

Walang lingon-lingon na dumiretso siya sa kotse nito. Dali dali namang sumakay ang mga ito. Pinaandar naman agad ni Elle ang sasakyan habang siya ay ngumangawa na sa likod at pilit pinapatahan ni Krizzia.

"Tama na ang iyak friend at papangit ka niyan. Hindi na tayo niyan lebel sa kagandahan." Pagpapagaan ni Krizzia sa atmospera sa likod ng kotse.

"Hindi ba ako enough ha? Maganda naman ako ah! Hindi lang ako kasingtangkad nila pero maganda ako! Pero bakit?" Paghagulgol niya lalo. Kaawa-awa at tanga. Yun siya.

"Don't waste your tears for him,Amanda. He's not worth it. Pare-pareho lang silang mga playboy. They've got the looks, money and power that's why they think they can play with us." Galit na sabat ni Elle na bumilis ang pagpapatakbo ng kotse.

"Juskoh! Dahan-dahan naman!
Ayaw ko pang mamatay. Wala pa akong love life." Sigaw naman ni Krizzia na napakapit ng mahigpit sa akin.

"Huwag ka nang mag lovelife at masasaktan ka lang." Pinarada na nito ang kotse sa harap ng apartment niya.

Inalalayan siya ni Krizzia sa pagbaba dahil nanghihina siya sa sobrang pag-iyak. Pagkapasok palang sa apartment niya ay dumireso na siya sa kwarto niya at padapang nahiga at umiyak ng umiyak.

"It hurts. It really hurts."

"Cry it all out and then move on. You're a brave girl ,Amanda. You will be a better person after this." Malungkot na naupo si Elle sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya.

"I miss my mama.." Aniya habang iyak pa rin ng iyak.

"Kailangan mo ng unahin ang sarili mo friend. Hindi na ikaw ang Amandang masiyahin simula nang ma inlove ka kay Boss. Kalimutan mo nalang siya. Nasasaktan din kase kami para sa iyo eh." Naiiyak na lumapit na si Krizzia at niyakap siya.

"Salamat talaga sa inyong dalawa. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." Napaupo na siya at mahigpit na niyakap ang dalawang taong naging totoo sa kanya. Ang kanyang mga tunay na kaibigan.

"What are friends for,right?" Nakangiti nang sabi ni Elle at gumanti din ng yakap sa kanya.

"Malay mo maging relative mo pa ako." Tawa ni Krizzia at niyakap na din siya.

Natawa nalang siya. Assuming din tong si Krizzia. Iiyak karin panigurado gaya ko.

"Okay. Susuportahan kita diyan."

"Talaga Amanda? Waaah...may pag- asa na kami ni Jeremy baby ko." Tuwang-tuwa na anas nito.

"Ingay nito. Itulog mo nalang yan at baka managinip kapa." Kontra naman ng isa na natatawa.

"Ang sama mo!" Sigaw nito at akmang magsasabunutan pa ang dalawa nang pigilan niya ang mga ito at natatawang niyakap nalang.

"Thank you." She murmured and faintly smiled at the two of them. "So much...".





His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon