Passion 7

103K 2K 18
                                    

Patambay-tambay nalang ako...😂

Ang saya ng life!

~~

"I once saw you kissing each other outside his condo unit, Amanda. You and Jacob".

Dagling namutla ako pagkarinig sa sinabi ni Ella. So she saw us? Should I deny it?

I heaved a deep sigh. Maybe I should tell her. We're kinda close so I think she deserves a little explanation.

I smiled at her faintly before I speak.

"I'm sorry for hiding it, Elle. It's just complicated, you see."

Ngumiti lang din ito ng malungkot bago nagsalita.

"You should not feel sorry about it, Amanda. I understood why you did it." Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng marahan. "I'm just concern about you. You don't know him that well, Amanda and that scares the hell out of me. I don't want you getting hurt. You are already a dear friend to me."

Huminga siya ng malalim at pumikit sandali para pigilan ang nagbabadyang luha na nagsisimula ng pumatak mula sa kanyang mga mata.

"Hey, don't cry Amanda. I'm sorry for saying such things to you." Dali- dali nitong pinahid ang kanyang luhang nagbagsakan na sa kanyang pisngi.

"I'm okay,Elle. Ilang araw din naman akong nagpipigil na umiyak kaya siguro hindi na ako nakapagpigil ngayon. Haha." Naiiyak ngunit natatawang saad niya. Mukha na nga siyang baliw dahil sa inasal niya.

"Ikaw talaga! Ano ba? Huwag ka na ngang umiyak. Sinayang mo lang ang pulbong inilagay mo sa pisngi mo." Natatawang sagot naman nito.

"Ai naku! Tama na ngang drama. Magtrabaho nalang tayo at baka mapagalitan pa tayo." Medyo nakangiti ng sabi niya bago pinunasan ang luha niyang nagkalat sa kanyang pisngi.

Ngumiti na lang din si Ella bago nagsalita.

"You're right, Amanda. I don't wanna be reprimanded early this morning." Akmang babalik na ito sa cubicle nito ngunit may iniwan pang mga salita sa kanya. "Whatever happens Amanda andito lang ako, okay?"

Tumango lang ako sa sinabi niya. Na parang alam talaga niya na masasaktan lang ako. Pero ganoon naman talaga kapag nagmamahal ka diba? Magiging masaya ka ngunit siguradong masasaktan ka. Ika nga, true love hurts.











Nakayuko mula sa binabasang dokumento si Amanda nang tawagin siya ng kaibigang si Ella. Kasunod nito ang isa nilang kasamahan na si Krizzia.

"O, bakit?" Kunot- noong sinulyapan niya ang mga ito.

"Wala ka bang planong maglunch?" Ani Ella na nakataas ang kilay.

"Oh.. Lunch time na ba?"

"Opo ganda!" Nakangiting sabad naman ni Krizzia. "Sasama ako sa inyo, huh?" Dagdag na saad pa nito na ikinatawa na lang ni Ella.

"Inimbita mo na nga ang sarili mo eh! Ngayon ka pa magsasabi? Nagpapatawa ka talaga." Anang Ella at nauna ng maglakad.

Napailing na lang siya at kinuha na ang bag sa gilid bago tumayo at naglakad na din kaagapay si Krizzia.

His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ