Passion 16

89.2K 2K 22
                                    


"Jeremy.." Aniya sa lalaking papalapit na sa kanya. His forehead creased upon staring at her.

"It was really you,Clarey." Anito at bigla nalang siyang niyakap ng mahigpit. "I missed you. Where have you been,huh?"

Parang maiiyak na niyakap niya pabalik ang kaniyang pinsan. Yes. Jeremy BuenaFlor who is a certified billionaire bachelor is her cousin.

"Jeremy.."

"Don't just Jeremy me,Clarey! You've been gone for too long. You must go back now." Supladong saad nito bago pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan niyang nakatingin lang din dito. Poker- faced lang si Elle samantalang nakanganga namang nakatitig si Krizzia sa kanyang pinsan. "And whose with you?" Dagdag na tanong nito.

"Ahmm..they're my friends." Kiming ngiti niya bago umabrisyete dito.

Binalingan nito ang nakanganga pa ring si Krizzia. "Close your mouth miss. That's so unladylike."

Napahiyang napatikom naman ng bibig ang kaibigan niya. In fairness,tinamaan ata ito ng hiya. May himala ata!

"So...let's go now? I'll drive you home, Clarey." Binalingan na siya nito at akmang kakaladkarin siya nang pigilan niya ito.

"What?"

"I'm not yet going home,Jeremy. Give me some time,please? Promise I'll be home soon..very soon." She said with a sad and pained expression on her face. Gusto man niyang umuwi ngunit hindi pa siya handang iwan si Jacob...ang lalaking mahal niya. Natatakot siyang pagbalik niya ay ipagpipilitan pa rin ng ama niya ang gusto nito kahit nakalipas na ang ilang taon. If only Jacob loves her also...if only.

Napabuntong-hininga nalang ang pinsan niya.

"Okay. I'll give you more time,Clarey. But be safe always,okay?"

Napangiti nalang siya dahil sa sinabi nito. Ang bait talaga nito at mahal na mahal siya. Ito yata ang dakilang tagabantay niya mula pagkabata niya.

"I'll be safe,Jeremy. Thank you so much."

Hinalikan siya nito sa noo at masuyong tinitigan.

"I'll be seeing you again,Clarey. See you soon." He smiled bago tumalikod ngunit nakita pa niya ang pagsulyap nito sa kaibigan niyang si Krizzia na sa iba nakatingin. Nahihiya pa ata dahil sa nangyari kanina.

Napakaway nalang siya sa pinsan at nakangiting lumapit sa dalawang kaibigan.

"What's that all about,Amanda?" Kunot-noong anas ni Elle habang naglalakad sila patungo sa kotse nito.

"Hmmm.." Aniya.

"Tsss..You don't wanna tell us?"
Pasupladang saad nito.

She snapped on Krizzia na tulala pa rin bago nakangiting sinagot ang kaibigan.

"You knew him?" Aniya.

"Of course! Who wouldn't know Jeremy BuenaFlor? Pareho silang na feature ni boss sa magazine eh. Billionaire bachelor,eh?"

"Oo nga!" Sabat ng isa na nagising na ata sa pagde daydream. "Kaano-ano mo siya, Amanda? Ang gwapo niya!" Kinikilig pa na saad nito.

Natawa nalang siya sa dalawa bago nauna nang pumasok sa kotse. Naupo siya sa passenger seat. Si Elle ang mag da drive dahil siya ang may kotse eh. Poor kaming dalawa ni babaeng maingay na nasa backseat na.

"Jeremy is my cousin mga kaibigan. Hindi ba halata? Ang ganda ko kaya..Haha."

"Eh? Saan banda ang sinasabi mong kagandahan friend?" Natatawang pakli ni Krizzia na parang kiti-kiti dahil hindi ito mapakali sa upuan nito.

Napailing nalang si Elle habang nakikinig sa kanila.

"Maganda kaya ako..Kaya nga magkakaibigan tayo eh. Diba Elle sungit?" Baling niya sa kaibigan na seryosong nagdadrive.

"Oo nalang para matahimik kayong dalawa diyan!"

"Suplada ka talaga,Elle! Tatandang dalaga ka akala mu ha!" Gatong naman ng isa.

"Shut up girl! Ang ingay mo talaga.."

"Boring kaya kapag hindi ako mag-iingay." Nakaismid na sabi nito.

"Tama ka diyan girl." At nakipag appear pa siya dito habang natatawa. Gumaan tuloy ang pakiramdam niya. Lumalabas talaga ang pagkakalog niya kapag kasama ang mga kaibigan niya. Pahinga muna siya sa drama. Napapagod na rin siya eh. Mabuti ng umiwas muna siya kay Jacob. Na iistress ang beauty niya lalo na at naaalala pa niya ang mga nangyari sa bar.

"Pero pinsan mo talaga,girl?" Di matahimik na sabi ni Krizzia makalipas ang isang minuto. Gusto niyang tumawa. Hindi talaga nito kayang tumahimik eh. Mamamatay ata ito kapag hindi nagsalita.

"Oo nga. Bakit?"

"Akala ko boyfriend mu eh.. Mabuti nalang hindi..hehe."

"Bakit naman?" Kunot-noong saad niya sabay baling sa pwesto nito.

"Mas maganda ako sa iyo kaya mas bagay kami.." Anito sabay tawa ng malakas.

"Kapal!" Sabay pa na saad nila ni Elle bago natawa na rin. Overconfident ang babaita. As if ang ganda talaga nito.

"Grabe kayo oh? Di ba kapani paniwala? Tingnan niyo nga ako nang makita niyo ang tunay na kagandahan ng mundo." Patuloy pa nito.

"Wala na..siguradong gutom kana Kriz." Natatawa parin niyang saad.

"Putak kasi ng putak eh!" Sabat ni Elle na nakangiti na rin sa wakas. Ang hirap pangitiin ng isang ito eh. Mukhang ang laki ng problema nito sa buhay. Sure siya na hindi sa pera dahil mayaman naman ito. Kahit hindi ito magsabi ay alam niyang maykaya ito. Pulos branded kasi ang mga gamit nito. At saka duh? Elle's car is a red Porsche.

"Ba't ba ninyo ako inaaway? Totoong maganda naman ako ah."

"Ba't wala kang boyfriend kung maganda ka?" Natatawang pakli niya.

"Eh di pangit din si Elle sungit dahil wala din siyang boyfriend."

"Kung hindi lang ako nagda drive sasabunutan talaga kitang babae ka!"

"Brutal ka talaga. Hmmmp." Parang batang sagot nito bago humalukipkip.
"Di tayo bati."

"Whatever." Anang Elle. "Pababain kita diyan eh."

"See,Amanda? Ang sama talaga ng ugali. Alam mu naman na wala na akong pera pabababain mo pa ako."

"Gusto mong umutang sa akin,Kriz?"

"Talaga? Pauutangin mo ako?" Lumapit pa ito sa kanya na nagniningning ang mga mata. "Ang bait mo talaga Amanda kaya patay na patay si Boss sa iyo eh."

Natahimik siya bigla dahil sa sinabi nito.

"O bakit?" Parang wala sa sariling saad pa nito dahil biglang tumahimik sa loob ng kotse.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo Krizzia!" Anang Elle sa seryosong boses.

"Alin doon? Yung patay na patay si Boss? Oops.." At biglang napatakip ito sa bibig nito. "Hala sorry."

Napatango nalang siya.

"Learn how to keep your mouth shut kasi."

"Sorry talaga,Amanda." Anito na sising- sisi dahil halata sa boses nito.

"Okay lang,girl.." Pekeng tawa niya para mapagtakpan ang sakit na nararamdaman niya.

Natahimik nalang din ito. Napasulyap nalang siya sa labas ng bintana. Malapit nalang sila sa apartment niya.











"Salamat talaga sa paghatid, Elle. Mag-ingat kayong dalawa ha? At wag kayong mag-away." Bilin pa niya sa dalawa pagkababa niya ng kotse.

"Yes,maam." Anang Krizzia na sumaludo pa habang ngumiti nalang si Elle at kumaway bago nito pinasibad palayo ang kotse nito.

Ngiting-ngiti siya papuntang apartment niya ngunit dagling nawala iyon nang may marinig siyang tinig.


"Where have you been huh,Amanda?" A booming voice said that made her heart skipped but also drained the color in her face.

His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora