Passion 8

99.1K 2.1K 39
                                    


Pagpatak ng alas- singko ng hapon ay tumayo agad si Amanda at kinuha ang bag sa gilid. Ayaw niyang abutan ng gabi sa opisina. Baka makasabay pa niya ang boss niya. Mahirap na. Kahit nasasaktan siya pag lumapit na ito at landiin siya ay siguradong bibigay siya. Kaya dapat lang na umiwas siya.

"O, bat mukhang nagmamadali ka, Amanda?" Ani Krizzia.

"Ayaw kong maipit sa traffic eh." Nakangiting baling niya dito. "Ang hirap pa naman dahil uwian."

"Sumabay ka nalang sa akin." Anang parating na si Elle. Sabay silang tatlong lumakad papuntang elevator at naghintay. Maliban sa kanila ay may dalawa rin na naghihintay.

"Okay lang, Elle.Medyo malayo pa ako eh. Ayaw ko namang makaabala sayo."

"Ano ka ba naman? Minsan lang naman eh."

"Okay lang talaga. Sigurado namang may masasakyan ako dahil maaga pa."

"Okay..sabi mo eh."

Saktong bukas ng elevator at pumasok na sila.

"Ako ba hindi mo aayaing isabay ha, Elle?" Anang Krizzia na nasa likod niya.

"Out of the way ka." Simpleng sagot lang nito.

"Kung hindi ba pasasabayin mo din ako?" Parang batang inilapit pa nito ang mukha kay Elle na dagling sumimangot ang mukha.

"Lumayo ka nga!" Asik ng isa na tinawanan lang ni Krizzia.

"Uuy bumabait si Elle sungit." Tudyo nito sa namumula nang kaibigan.

Natatawa na lang siya sa dalawa. Hindi na talaga magbabago ang dalawa.Wala atang araw na hindi nagbabangayan ang mga ito eh. Mabuti na lang at puro babae ang mga ito kung hindi'y baka nagkadevelopan na ang mga ito.

Pagkabukas ng elevator ay nauna na siya matapos magpaalam sa dalawang kaibigan.

Dali- daling pinara niya ang taxi na padaan. Mabuti nalang at huminto ito.Pasakay na siya nang tumatakbong nilapitan siya ng gwardiya.

"Bakit manong?" Aniya habang nakakunot ang noo.

Napakamot ito sa ulo at parang nahihiya pa sa kanya.

"Pakidalian lang manong kasi naghihintay si manong driver oh." Medyo naiinis nang sabi niya.

"Bilin kasi ni sir Jacob na hintayin mo daw siya Ma'am."

Bwisit. Ang Kapal niya talaga!

Kanina lang at nakipaglandian siya tapos paghihintayin pa ako?

Ano siya sinuswerte?

Ngumiti siya ng peke kay manong guard na natulala na ata sa kagandahan niya. Hindi na gumalaw eh! Haha

"Pakisabi na lang po kay Boss Jacob na nagmamadali ako, okay? May pupuntahan pa akong importante. Gets niyo po manong guard?"

"Pe-ro Ma'am..

"Wala ng pero pero...byeee." Kinawayan niya pa ito at dali-daling sumakay sa taxi.

Kawawang manong guard..bahala kang mapagalitan.











Pagkarating ni Amanda sa kanyang apartment ay bandang alas sais na ng gabi. Nagbihis lang siya ng damit at nagsimula ng maghanda ng makakain niya.



His Passion(Billionaire Bachelor Series 1)Where stories live. Discover now