Chapter 26 - Accusations, Truth, Kill

Comenzar desde el principio
                                    

“Ahh!” Napadaing siya ng biglang sumipa ang bata sa sinapupunan niya. “Such a great kicker, little torturer!"

“Of course, the mother is a badass Queen.”

She look up. Napatayo siya bigla. “Hari! Putangina! Lumapit ka rito ng mayakap kita! Gago you! Hindi ka tumawag kahapon at noong isang araw!” she hissed at him.

Natawa naman ito. Sa nakikita niya mukhang magaling na talaga ang asawa niya. Hari walks towards her, he grabbed her waist carefully and kissed her lips passionately. Oh, God! No knows how much she love this man. Ngayon iniisip niya kung gaano siya katanga noon at hindi niya nagawang mapansin si Hari.

“I miss you so much mahal kong Reyna.” He said in between their kisses. “Hell! A month in Sicily without you and my little prince there is a pure torture.”

“Prince?” Napataas siya ng kilay. “If ever he's a boy, he's a king Hari, not a prince.”

He chuckled a bit. “Okay okay. I love you my Queen.”

“I love you too.”

Dumiretso silang mag asawa sa entertainment room. Ayon kay Hari hindi pa raw alam ni Demon Hades na nakabalik na ito ng bansa. Saka na lang iyon dahil alam naman nilang mahirap ang pinagdadaanan ni Demon ngayon. Malamang ay pinag iispan na rin nito ang mga sinabi ng bunso nila.

Sumubo si Aiszel ng veggie salad habang panay lang ang titig sa kanya ni Hari. Ewan niya ba, hindi niya talaga maiwasang mapangiti kapag ganyan si Hari.

“You know, naisip ko bakit hindi na lang tayo manirahan sa Sicily. Naroon ang Lola mo, mahal. Tsaka para malayo ka na sa gulong ito. Pamilya na tayo, mahal. Magkakaanak pa, hindi ba dapat na iwanan mo na ang buhay na nakasanayan mo?”

Natigilan siya sa sinabi ng asawa. May bagong imperyo siyang binubuo tapos ang gusto nito ay iwanan niya ang buhay na ito? On the other hand, alam niyang may punto ito pero ito na iyong matagal na niyang hinihintay, sa kanya na mapupunta ang buong torturers.

“Aiszel, you don't need to think about it. Ang gusto ko lang ay maging ligtas kayo ng anak natin.” He held her hands.

“Hari...” She sighed. “Ito ang buhay ko, mula pagkabata dito na ako lumaki. Hindi ko kayang iwan ang pagiging torturers hanggang sa mamatay ako. I'm a Queen, and a Queen will never leave her league.”

“Aiszel, mahal. You are my own Queen in our own palace. Please, have a second thoughts about it. Ang gusto ko—”

“Hari.” She stopped him. “Nasa malaking dagok ngayon ang kinakaharap ng grupo. Hintayin muna nating matapos ang lahat baka sakaling kapag tapos na... Sasama ako sayo sa buhay na inaalok mo.”

Ngumiti sa kanya ang asawa niya at pinagpatuloy na nila ang pagkain. Maya maya pa ay nag vibrate ang cellphone ni Aiszel. Halos tumaas pa nga ang kilay niya nang makita ang pamilyar na numero ni Azil.

Come in Laguna. You know my house there. I need you, I need someone to talk, please Aiszel.
- Zil

Aiszel. Not Helen.

Bakit pakiramdam niya may hindi magandang mangyayari kapag pumunta siya sa rest house ni Azil sa Laguna.

“Hari...”

“Hmm?”

“I need your men. Handle my mens too.” Seryosong aniya.

Desperate Seduction (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora