Chapter 42 - Christmas' Heartbreaks part 2

1K 15 8
                                    

Please read the note below later. Important yun.

 

Chapter 42 – Christmas’ Heartbreaks part 2

James’ POV

Pinaalis na ako ni Alyssa, haggang gate lang ako pero hindi niya alam sinundan ko siya nun ewan ko pero hindi pa kasi ako nakakapagtapat eh I promised myself ngayon ko gagawin kailangan ko ng magtapat.

Ngayong araw na to ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil nakasama ko yung babaeng pinakamamahal ko ng walang inaalala. Naging Masaya ako ngayong araw at sana siya din.

Nagpunta siya sa park bakit kaya hindi pa to umuuwi? Then naglakad lakad lang siya haggang pumunta siya sa swing after a minute or two bigla siyang tumayo sa swing at naglakad sinundan ng mga mata ko kung saan siya pupunta at ayun may nakita akong dalawang tao siguro kakilala niya pero mukha siyang nagulat.

Ako din nagulat nung yakapin siya nung lalaki, tas may dumating naman na babae ulit at yung lalaki nakahawak na sa kamay ni Alyssa nagseselos ako ou pero ano bang magagawa ko?

Umalis yung dalawang babae at natira si Alyssa at yung lalaki sino ba siya? Bakit feeling ko umiiyak si Alyssa? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit hindi ako makapunta sa kanila?

Nagbalik yung babae at may parang pinakita na kinagulat nilang dalawa at ayun nagsisigawan na sila. Lumapit na ako upang marginig sila.

“Petty deal? Niloko mo parin ako pinaglaruan mo yung nararamdaman ko!” sigaw nung lalaki.

“Ou sa simula my plan was to fool you to make you fall for me para mapatunayan ko sa kanila na kaya ko talagang mapainlove ang isang lalaki. Pero that was when I didn’t know you yet. Naging close tayo kaya tinigil ko na yung deal. Tinigil ko siya kasi I realized na mahal pala kita.” Alyssa cried “mahal na mahal kita na nasasaktan na ako kasi alam ko nagsimula ang lahat sa isang pesteng pustahan na yan pero kinaya ko sabi ko sa sarili ko ok lang yan alam mo naman naging totoo ka eh na kahit may deal pa na lokohin yung taong mahal ko ok lang kasi I know na naging totoo ako na feelings ko talaga yun.”

Nasakatan ako sympre sino ba naman hindi masasaktan sa mga naririnig kung yung narinig mo pa nagtapat yung babaeng mahal mo sa taong mahal na mahal niya yung rason bakit siya nagpakalayo layo.

Siya pala si Michael ang mahal na mahal ni Alyssa. Ang sakit lang bakit sa araw pa na to? Bakit ngayon pa kung kelan Masaya ako?

“Kahit na niloko mo parin ako. Masakit kasi I thought we were really friends ayun pala dahil lang sa petty deal as you say kaya tayo naging magkaibigan. I trusted you but you broke it.” Sabi nung Michael.

Nasasaktan na si Alyssa umiiyak lang siya ng umiiyak gusto ko ng lumapit naglakad na ako papunta sa kanila kaso napatigil ako…

“Mahal kita.” Alyssa said “So please patawarin mo ako.” She cried.

Tagos.

“Looks like ikaw ang nafall hindi ako. Well tell your stupid friends na you lost because I never loved you never did and never will.” Sabi nung Michael “And hinding hindi kita mapapatawad.” He said. “Sana hindi ka nalang bumalik ng Pilipinas.” Dagdag pa niya at dahil sa sinabi niya hindi na ako nagdalawang isip pa para suntukin siya.

My Love for a Magician ~CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon